Sunday, August 11, 2013

Birthday Blog - Jayps

Ang sakit ng buong pagkatao ko ngayon dahil sa nagdaan na Fun Run kahapon. Ang daming deadlines sa work, sa school. . pero lahat yan makapag-aantay pero ang birthday blog para sa isang kaibigan hindi.

Kahapon pa dapat 'to. (Sorry Jayps!)

Paano ba umpisahan?

Si John Paul Gumafelix Martin ang unang close friend ko na lalaki na kaibigan ko pa rin hanggang ngayon. Paano nga ba nag-umpisa?

Sa pagkakaalala ko, ganito yun e. Sa likod ng MC Main malapit sa canteen, harap ng classroom ni Ma'am Miranda, 1st year highschool, section sampaguita, maulan. Ako si ewan na madaming dala (lahat ng books dala sa kamay dahil pwede ng bumili sa bookstore), ako ulit na si ewan na lampa . . na nahulog lahat ng librong hawak ko sa hindi malaman na dahilan. Ewan ko ha, sa dami ng nakapalibot din dun sa gilid ng room ni Ma'am Miranda, e si Jayps ang nag-iisang tumulong sa akin. Naisip ko na lang, "Ang bait naman nito."

Kaya siguro nung 4th year kami e nag-aalala siya sa akin na wag akong lalampa sa UST dahil yung tipo ko yung madaling mabully.

Yun yung eksena na una kong nasalamuha si Jayps na nagpatuloy gang 3rd year up to now. 

Ang hindi ko makalimutan kay Jaypee e lagi siyang late. Complete opposite ko. DUH. 9:00AM pa ang pasok, 6:00AM nasa school na ako. Siya? Grabe! Never siyang naka-attend ng flag ceremony!

Nung 3rd year lagi kaming magkasabay kumain. Favorite ko sa lahat pag nagbabaon siya ng ampalaya dahil katulad na katulad ng pagkakaluto ni Mama. Hinding hindi ko rin makalimutan yung ilang buwan niyang naiwan sa Bamboo Org room yung baunan niya na may tirang ulam. Imagine, ilang buwan. Nung binuksan niya yun, ayaw kong tignan e. Umiiwas ako nun pero parang nakita ko ng kaunti na parang meron ng village yung mga microorganisms at germs  na parang nakapagproduce na sila sapot ng green thing. Kadiri talaga.

Milestone din! Kasi bahay nila ang unang napuntahan ko sa buong buhay ko hindi para gumawa ng project kundi manood ng movie. Sa pagkakaalala ko yun yung muntik muntikan ng mabangga yung sinasakyan naming jeep.

Si Jaypee ang kaibigan naming talentado. Magaling ng kumanta magaling pa magsulat ng kanta! Saan ka pa? Muli, gusto ko humingi ng tawad dahil dun sa maling lyrics na hindi naman talaga namin sinasadyang masabi ni Ar. "Naalala ko pa. Doon sa may toooooot." Hahaha

Si Jayps ang madalas kasama sa saya pati na rin sa lungkot. Yung hindi nanalo si Emerga (glue made from milk). Nako, naglakad kami nun from Main to 711 na hindi namin alam kung bakit kami naglalakad. Pati na rin sa mga down moments noong panahong kailangan ng pumili ng college at course na may kasamang pressure sa magulang. 

Basta si Jayps ang kaibigang gusto mo magkaroon dahil sobrang pagmamahal niya sa pamilya. Dati talaga sinabi ko sa kanya na medyo nakaka-inggit yung family nila dahil sobrang close! Tapos ang co-cool pa ng mga ate at pamangkin (Hi Celine! Miss you!). Willing rin siyang i-sacrifice lahat lahat para sa pamilya niya. Grabe! Bigyan yan ng jacket at certificate. Haha

Kaya Jayps thanks sa super duper sayang alaala na alam kong madadagdagan pa! My prayer sa'yo na keep loving what you do (nurse! nurse! ano pong gagawin ko?). At bigyan ka ni Lord ng patience and strength sa paggamot sa mga patients mo. Patience sa patients. Astig! Haha good health din pati sa family. Nga pala nakita ko si Ate May sa SM Marilao saka si Yow at Kuya RJ. Haha wala lang..

Happy happy birthday Jaypee! Patuloy nating tuparin ang ating mga pangarap na magkakasama sa mga susunod pang mga araw. Pag may prob ka, I'm one call away, pati si Jacq andiyan. Haha humingi ng resbak. Thanks for 8 years of best friendship!

May the grace of the Lord be with you and your family always!

Love forever and always,

DACE :)

Wala akong makitang magandang latest picture natin. Haha

No comments:

Post a Comment