Ang blog na ito ay may pahintulot ni Avonlea Cruz.
Isa si Aves sa matalik (sorry pala sa mga deep tagalog words dahil sadyang ganun si Aves,
lalo na nung araw na sinabi niya sa recitation ni Ma’am Belenzo ang
salitang “bulay-bulay “ na nakakatawa
pero di mo akalaing may salita talagang ganun) na kaibigan. Ay ano bay un, haba
ng comment. Ulit, si Aves ay isa sa aking matatalik na kaibigan.
Nagkakilala kami nung high school, di ko malaman bakit di pa
tayo close dati nun? Ano ba nangyare? Haha siya ay isang staffer ng Bamboo.
Bamboo Staffer na unang gumaya ng kagalang-galang naming club na Backstaffers
Club aka BSC. Muse ako nun, madagdag ko lang. Si Avon din ang favorite student
ni Ma’am Ng. Ay ayoko nang magkwento. Ayoko na. Wait, No. Ganito kasi yun . .
One time, super late siya sa class ni Ma’am Ng. O shaaaa… Feeling niya ang liit
liit niya, kung makatago siya o makagapang habang nakatalikod si Ma’am at
nagsusulat sa board wagas. Ayun, too bad huli pa rin. Napagalitan pa tuloy!
Magaling din si Avon sa mga declamation ganyan dahil para siyang may built in mega
phone sa katawan niya sa lakas ng boses.
AH! Alam ko na! Alam ko na kung bakit kami naging super
friends ni Aves. Nagstart to nung sunod-sunod ba naman ang swimming namin sa Town and Country. Literal na sunod-sunod.
Plus sports fest, road trip, lugaw trip, bake bake, coffee trip (feeling naming
cast kami ng F.R.I.E.N.D.S.) at marami pang iba. Si Aves ang kasundo ko sa
halos lahat ng bagay except pag topic na e love life. Allergic siya dun. One
time ko lang magsabi sa kanya ng “Aves may crush ako----“ di pa tapos yung
sentence ko, nakasigaw na siya agad kasing tining nung buzzer sa LRT.
Bilang kaibigan, si Aves yung hindi mo na kailangang ayain
manood ng sine o overnight dahil alam mo na ang sagot niya. Mapapagod ka lang
magpilit. Si Aves yung may alagang lion sa bahay (we miss you Bassy!) na handang lapain ka, pero mas matapang pa rin si Starry.
Si Avon ang top of mind ko when it comes to best friendship. Sorry guys, si Aves e. (Actually, may atraso kasi ako. Yung breakfast at tiffany's, to follow) hahaha. No, seriously. Si Avon ang nasasabihan ko ng pinakanakakatawang storya ng buhay ko, pati na rin sa hindi masyadong masaya, hanggang sa hindi talaga masaya. Si Avon ang unang naiisip ko sa mga panahong hindi ko na kayang isarili yung problema at kailangan ko na siyang i-share sa iba dahil 1. alam mong makikinig siya 2. meron siyang maiisip ng mga paraan para maging okay ka 3. SUN kasi siya. Hahaha. Maraming maraming salamat nung last time. Pati Rej. Thanks!
Thank you Aves for best friendship! Miss ko na Jogging Days natin at ang mala-kim chui body mo after makatakbo ng 8 ikot sa Lias. Starbucks tayo libre ni Rej! Haha. Kailan ulit tayo mag-bake? magswimming? Basta Aves, super saya ko at masaya ka ngayon dahil nagagawa mo yung gusto mo. Finally! Hindi na tayo tulad ng dati na ang pinag-uusapan e walang nagagawang matino sa buhay. Hay unemployment days ko. Tulad ng sinasabi ko sa iba, alam ko marami pa sa mga pangarap natin ang unti-unti nating maabot. . Mas marami pa tayong awesome stories sa mga susunod na mga araw!
May the grace of God be with you and your family always! (Pagaling kamo si Kurt :))
Wait share ko lang, tumawag ako kay Pugs . . .
Me: Pugs, gagawan ko ng blog si Von.
Pugs: Bakit Bi... HAHAHAHA
Me: HAHAHAHA
Kahit sa totoong buhay, di namin masabi yung word, kaya di ko tuloy alam paano gawan ng title to blog na ito.
Love forever and always,
DACE

No comments:
Post a Comment