Tuesday, September 25, 2012

The Other Side

there's always humorous side behind every sad story..

Noon sa klase ni Ma'am Belenzo, Filipino, talamak ang recitation. Dalawang bagay lang kasi para makapasa ka sa subject niya. Una, recitation. Pangalawa,  ang dami ng page ng notebook mo kung saan obligado kang isulat ang buod ng El Fili. Kami noon ang motto namin para mas dumami ang pages, "ibuod at dagdagan". 

Recitation. Hindi ako mahiyain sa klase, kahit ilang beses na ako napahiya dahil sa mali ang sagot. Tanong ni Ma'am isang mainit na tanghali.. "Ano ang pinakamalungkot na nangyari sa inyo na hindi mo makakalimutan?"

Taas agad ako ng kamay. At dahil sa first row ako. Nakita agad ako ni Ma'am.

"Grace.", mahinahong tono. 

"Ma'am, ang pinakamalungkot po na pangyayari sa akin e yung magkasabay pong namatay yung 2 aso ko."

Napasimangot si Ma'am, "Sobra naman, aso lang e."

Well, hindi kasi ganun ang expected na sagot ni Ma'am Gusto niya yung super lalim na kailangan mo talagang pakipagtalo kung sino ang mas matimbang, si Maria Clara o si Juli?

Well, umupo akong nakasimangot rin. Hindi sila basta aso.

Yup, makaka-relate sa akin lahat ng may alagang aso. Part sila ng pamilya. They make our lives whole.

At iyun na nga, yun ang pinakamalungkot na pangyayari ng buhay ko. First dog ko si Ate. Weird name. E wala akong magawa kasi yun yung pangalan niya na nung binigay sa amin. Dinagdagan ko lang ng Jane. Kasi si Jane yung stuffed toy ko ng bata pa ako na super iiyak ako pag hindi ko siya katabi sa pagtulog. Si Ate Jane, aso ko, West Highland White Terrier. Hindi yun tongue twister, yun talaga ang breed niya. Mala-cotton ang fur niya na super bango dahil meron siyang sariling pulbos at sabon.

Kasama namin siya nung unang nanganak siya, pangalawa, pangatlo. Oo grabe, lagi atang nanganganak yun e. Inatake siya ng Rottweiler, andoon din ako para sagipin siya. Kasama mag hike sa jungle na I don't care kung mahulog ako sa hanging bridge basta siya maka-survive. Long walks sa Tierra Nova (world's greatest subdivision). Best memories.

Pero kailangan harapin ang reality na lahat ng ito e panandalian lang. Ang aso parang tayo, nabubuhay and eventually mamamatay. Merong malaking sugat si Ate sa left leg niya. Ayaw gumaling as in. Hindi pa uso Vet nun o kaya ang Google search kaya no idea kung paano ang gagawin para gumaling siya. 

Yung sugat niya nun parang fish fillet na hindi pa luto. Seryosong ganun ang itsura. Kaya nga parang nagka-phobia ako noon sa hindi lutong fish fillet e muntik pa akong masuka nung nakakita ako.

Ayun na nga. Na-deads si Ate. Super lumaki na yung sugat niya e, di na gumaling tuluyan. Sakit sakit. Sobrang iyak ako. Tinawag pa namin yung kapitbahay para tulungan kami maghukay sa garden namin para ilibing siya.

Tinext ni Mama mga kapamilya namin para balitaan na wala na nga si Ate at para i-comfort din ako. Sabi sa text ni tita, "Wag ka ng malungkot. Alam mo ba pag namamatay ang aso ibig sabihin may sinagip silang ibang buhay." Isip isip ko, ang swerte naman nung buhay na sinagip ni Ate. Sino kaya yun? Sana maging friends kami balang araw (patuloy sa pag-iyak).

Later on, sinabi ko na rin sa mga kaibigan ko yung nangyari, tinext ko sila isa-isa. Ayun, nalungkot din naman sila.. sa una. 

Weeks have passed. Naka-move on na ako ng kaunti. At narinig itong hilarious na kwento galing kay Cielo. Siguro hindi niya kinuwento nung panahong down na down ako.

Di ba? Nagtext ako sa kanila isa-isa like ganito ata sabi ko, "Guys wala na si Ate. Hindi na talaga siya gumaling. Sobrang malungkot."

It just so happened na ang unang nakabasa ng text e si Tita Elma, mama ni Cielo.

And then sabi niya kay Cie, "Anak wala na yung Ate ni Grace.", malungkot ang tono. Sobrang lungkot, I can't describe how depressing talaga yung magkakasabi ni Tita na yun based on what Cie told me.

Natatawa si Cielo na parang nawindang, well ako rin, kasi akala ni Tita e kapatid ko yung namatay. 

Grabe kahit gaano ka-tragic yung nangyari, meron at merong nakakatawang part doon. Kahit hirap akong tumawa sa mga nakalipas na araw noon, sa simpleng blooper e ang laking tulong na.


"To truly laugh, you must be able to take your pain, and play with it."
-Charlie Chaplin-


LIVE.LOVE.ROCK

1 comment:

  1. Grace: RR patay na si ate...
    RR: YEHEY!
    Grace: ar seryoso
    RR: YEHEY!


    Sorry grace ganong pala katragic yun...

    ReplyDelete