What made my day happy today . . .
Wow! Nakaka-irita 'tong blog ko. Umi-english na sa title! E paano, pati sa blog umi-english na rin. Nahihirapan tuloy akong magkwento! Grabe ha, tatlong sunod-sunod na blog ang english. Grabe. Feeling ko walang nagbasa nun. Hahaha
Sa mga hindi pa nakakaalam, requirement kasi siya sa tini-take ko sa Graduate School. Well, favorable sa akin kasi isa akong famous blogger (WOW?) at hindi ako nahihirapan gumawa ng blog, tinatamad lang talaga. Duh. Lalo na kung english. Kung anong topic lang maisip. Yan ngang pangatlo late na yan. Nung sabado pa dapat yan. Sinipag lang ako. Sinipag ako kasi binigyan ako ni Lord ng sign.
Tamad na tamad talaga akong mag-aral. On the way na nga ako sa paggawa ng Epic Flow Chart (hay nako, I bet pag nabasa ni Rej 'to, he's like "WHAT? Not again! *face palm") Ewan ko ba. Kasi naman, trip trip lang namin kasi talaga 'tong pagpasok ko sa school, nawalan lang talaga ako ng pag-asa makahanap ng trabaho.
Ito na nga, tinext ako kanina ng paboritong teacher ko na kaya nga DLSU ang pinili kong school kasi dun siya galing saka feeling ko pag natapos ko 'to, magiging kasing galing niya ako (I bet pag nabasa to ni Sir tatawanan lang ako nun at sasabihing masyado kong ambisyosa).
Text message from Real Defying Gravity, Sheldon Cooper, Sir So . . .
Sobrang saya ko kanina na parang napa-face palm din ako dahil nahihirapan nga akong magdecide (lagi naman). Pero dahil alam kong may naniniwala sa akin. Hindi muna ko titigil. Yung mga mahirap nga natatapos ko yung mga bagay pa kaya na tinatamad lang ako?
Let's see. The universe is waiting . . .

No comments:
Post a Comment