Nung nakaraang eleksyon, unang beses kong nakaboto nun. Super excited ako kasi 1. Automated na 2. Meron na rin akong karapatang makaboto. Natatawa na nga lang ako ngayon e, dati kasi sobrang affected ako sa mga pangyayari. Pumila pa ako nun ng kehaba-haba para makapag-register na Bayan Patroller sa UST. Ginawa ko ring ringtone yung "Bayan Mo, I-patrol mo!" At gumawa rin ako ng sandamukal na blogs, campaigns para sa mga gusto kong kandidato. Masyado rin ako nalulungkot nun pag nakikita ko na yung mga gusto kong kandidato e nangungulelat sa surveys. Sinabi ko lang nun . .
"Bakit ganon? Bakit nila iboboto yun? Anong gagawin niya e wala pa nga siyang nagagawa? Purket maganda yung commercial? Bakit?"
Ang dami kong tanong nun, bakit hindi nakikita ng mga Pilipino yung mga bagay na nakikita ko, naiintindihan, nalalaman? Ano yung basis nila sa pagboto? Well, wala naman akong reklamo nun kasi free country 'to. Karapatan nating bumoto, wala akong magagawa kung nanalo yung hindi qualified, kinuha lang sa apeylido ang pagkapanalo, o dahil sa ganda ng commercial sa T.V. Wala akong magagawa dun. Okay lang naman kasi talagang bumoto pero mas maganda sana kung alam din natin yung "Pagboto ng tama."
Ilang taong nakalipas simula nung first time kong bumoto. Na sabihin nating na-enjoy ko yung "karapatan". Kaya ang tanong . . anyare?
Wala.
Nasaan na yung pinangakong matuwid na daan?
Ah alam ko! Alam ko! Ayun, sinara nila ulit yung daan para mapalitan ng bago at may paglaanan yung pondo ang gobyerno at makagawa ng traffic at para merong mapagawang tarp na nagsasabing "Sorry for the inconvenience - Congressman Epal")
Walang nabago kasi walang natuto.
Isisi natin sa gobyerno kung bakit ang daming mahirap, daming hindi nakakapag-aral, walang trabaho. Pero hindi ba natin naisip na
"Tayo ang naghalal ng mga tao sa gobyerno. DUH."
Hindi na nakakatuwa. Sana yung mga nag-susurvey e tayo naman ang tanungin. Tayong matatalino. (WOW? Hahaha)
Wag nating ibenta yung boto natin, wag tayong bumoto dahil sa apeylido na wala pang napatunayan (gusto niyo ba yun? Tayo hirap na hirap humanap ng trabaho tapos sila Senador agad?) at higit sa lahat wag tayong maging BOBOtante ngayong eleksyon.
Ngayon, hindi ako gumawa ng blog para sabihing iboto niyo si ganto, iboto niyo si ganyan. Gumawa ako ngayon para magmakaawa.
Guys, wag nating gawing JOKE ang pagboto dahil minsan may time na seryoso tayo.
Bumoto ng TAMA!
No comments:
Post a Comment