Nitong mga nakalipas na araw sunud-sunod ang family day namin. Birthdays, picnics, road trip, swimming . . as in! Kaya nga parang na-miss ko yung mga kaibigan ko dahil literal na puro kapamilya ko ang madalas kong kasama ngayon.
Nung nakaraan, galing kaming Quezon City Circle para mag-picnic. Ayun, laro ng badminton (sorry Rej, papalitan ko yung nasirang shuttlecock ni Starry), kumain ng sobrang daming slices ng pizza na nabili sa S&R (importanteng sabihin yung S&R dahil feel kong magpaka-mayaman today), at maglaro sa PLAYGROUND!
Me: (naglalakad papuntang playground)
Adam: Te Dace! Saan ka pupunta?
Me: Sa playground.
Adam: Bakit?
Me: Maglalaro. Baket?
Natawa siya. DUH. 22 21 years-old. College graduate. Employed. Ayun, maglalaro sa playground. Well, I don't care...
Moving back. GUYS! Sobrang ganda ng playground talaga sa QC Circle. Actually, 4th favorite place ko yan (1. Calaruega 2. Pagudpud 3. UST). Sobrang ka-bad trip lang dahil na-corrupt yung SD Card ng camera kaya hindi ko mapakita yung picture, well punta kayo para malaman niyo ang sinasabi ko.
Habang naglalaro kasama ng mga pamagkin ko, nasabi ko ata, mahina lang, habang nakapila para sumunod ng mag-slide, na narinig ata ni Ella . . . "This is the best day of my life."
Geez, ang sarap maging bata! Laro ka lang. Yung lang! Hindi mo iniisip yung mga gantong bagay:
"Kailangan kong mag-aral mabuti para pag makatapos ako e hindi ako mahirapan maghanap ng trabaho. Hirap in a way na kukuha ka ng NBI Clearance at may kapangalan ka at mag-aantay ka pa ng 2 linggo para makuha. Mag-pamedical na bigla bigla ka na lang kukuhaan ng dugo tapos pipiliting umihi at punuin yung bote ng ihi. Tapos biglang sasabihin ng company tatawag na lang sila. Pero hindi naman talaga. AH BASTA! Kelangan kong mag-aral mabuti!"
Pag bata ka hindi mo maiisip yung ganon dahil ang nasa Job Description mo lang e maglaro!
Kaya ngayon, I enjoy the company of my nephews and nieces more. Dahil bilang bata e natutulungan nila akong marealize ang mga bagay. Gusto ko rin magkaroon ulit nung ganung klase ng excitement at joy na meron sila. Meron sila nitong passion of knowing and getting what they want. Nakakita ka na siguro ng nagmaktol na bata o umiyak pag hindi nakuha yung gusto, well . . gusto ko maging ganun! Dapat maging ganun tayo, hindi tayo titigil o susuko hangga't hindi natin nagagawa yung gusto natin at hangga't hindi natin naabot yung mga pangarap natin.
Me: Okay. Iba naman?
Tapos ng mag-charades, magtouching ball, bluff, 7UP, Power of 7 . . .
Kids: KILLER! KILLER!
Me: GAME ON!
Pag nagkitakita ulit tayo laro tayo ng killer killer :D pero parang mas gusto ko pala touching ball :D
ReplyDelete