Wednesday, May 29, 2013

Birthday Blog - Ayi

Nakaka-pressure.

Sabi sa akin ni Ariel, dapat daw yung birthday blog niya ang 'da best sa lahat. E paano ko magagawang best 'to?

1. Wala na akong oras. Simula nang nagtrabaho ako, hindi na ako nabakante. Time ngang mangulangot di ko na magawa, magsulat pa ng blog?

2. Pagod na ako. Kahit isang tumbling lang ang office mula sa bahay, sobrang napapagod ako. Pagod na pagod na akooo.

At, paano magiging best 'to? Eh 3. hindi naman talaga kami close ni Ayi nung highschool. Oo! Nagkakasabay kami maglunch, nakakalaro sa touching at harangang daga, pero hindi niya ako niloloko o kinakausap o nilalait tulad nang ginagawa niya kay Jacq at Tita Ann.

Pero hindi ko maintindihan, sa dinamirami ng friends ko sa highschool, ang Mama, e ang kilala lang e si Ariel. Sampaguita pa lang kami, kilala na ni Mama si Ayi, pag may bilin nga si Mama sa akin nun "Pa-ano mo na lang kay Ariel.", "Bigay mo na lang kay Ariel", "Pasama ka kay Ariel".

Since, naumpisahan ko na ito . . itutuloy ko na dahil sobra talaga akong na-prepressure sa GALIT NG KAIBIGAN. Kaya itong blog na ito e para kay Ariel L. Inot, Super Friend. (ang true friend ko talaga)

Tulad nga nang nasabi ko kanina e hindi ko close si Ayi dati, naging SUPER FRIENDS lang kami, summer, ng pagiging college namin. As in, buong summer ata magkasama kami. Lahat ng gala. Mapa-Showtime, manuod ng sine, swimming, SM, LAHAT! Sa mga gala minsan absent si Ar, si Kevs, si Rej, pero si Ayi NEVER. Ang pagkakaalam ko, may radar siya ng gala nung mga panahong iyun.

Ayi thank you pala sa pag-recommend ng over priced na earphones na gamit ko ngayon. As in worth it. Sa tala ng buhay ko, ngayon lang ako bumili ng over priced na gamit na hindi ko pinagsisihan. Pero hanggang earphones lang ah. Pag usapang Samsung and N9 na, please hindi talaga ako interested.

Si Ayi, e isa sa pinaka hmmm, wala akong maisip na word (tandaan reason number 2. Pagod na ako). Basta, hindi masaya ang gang pag wala si Ayi. Kahit minsan nakakainis na kasi laging present at kung kasama man sa bahay na may internet e puro computer ang hawak. Saka masakit lang minsan magsalita yan (sanay na si Joanne) pero alam ko pag problems na at malalalim na bagay ang pinag-uusapan e isa rin siya sa mga kaibigang handang sumuporta at umintindi. As Super Friend, requirement ang ganung attribute. 

Dahil wala na akong oras (reason number 1), tatapusin ko 'to at sasabihin ko dito ko na ang prayer ko para sa'yo e na maging mas effective ka at mahanap mo yung passion at purpose mo sa buhay sa pagtrabaho sa Landbank of Philippines (Ranked 5th sa Top Corporations in the Philippines, big time!). Na-bigyan ka ni Lord ng strength at good health, as we know, yung past, kung anong nangyari sa past na we both experienced yung pinaka-down sa buhay natin nang sabay, I know the feeling na affected ang buong family pag nagkakasakit tayo. I-add ko na rin pala dito na wag na kayo masalanta ng bagyo na super lala. Wait, naalala ko lang. Tumawag ako sa'yo nung habagat days, 

Me: Ayi, bakit hindi kita ma-contact? Ano musta kayo?

Ariel: Ok naman. Hindi ba tayo gagala?


I also pray na sana friends, Super Friends tayo Forever at wag mapunta sa stage na FOFFB (Friends Over Forever Fever Bieber) kahit na sinasabi mo na mas close ka na sa mga co-workers mo kesa sa amin since pumunta kayo sa Patipot. Lastly, gusto ko magpasalamat kay Lord na binigay ka niya sa buhay namin kung saan mas naging masaya, makulay, at punong puno ng pagpapatawad at pagmamahal ang pagkakaibigan natin. Kaya tayo iba, mas ibang level ang friendship. Amen? Amen!

Happy happy birthday Ayi! Lord Jesus bless! May the grace of the Lord be with you and your family always.

Love forever and always,


SF Dace


Bwisit si RR, nahirapan ako i-crop siya sa 2008 picture. Hahaha


No comments:

Post a Comment