Wednesday, May 29, 2013

Birthday Blog - Ayi

Nakaka-pressure.

Sabi sa akin ni Ariel, dapat daw yung birthday blog niya ang 'da best sa lahat. E paano ko magagawang best 'to?

1. Wala na akong oras. Simula nang nagtrabaho ako, hindi na ako nabakante. Time ngang mangulangot di ko na magawa, magsulat pa ng blog?

2. Pagod na ako. Kahit isang tumbling lang ang office mula sa bahay, sobrang napapagod ako. Pagod na pagod na akooo.

At, paano magiging best 'to? Eh 3. hindi naman talaga kami close ni Ayi nung highschool. Oo! Nagkakasabay kami maglunch, nakakalaro sa touching at harangang daga, pero hindi niya ako niloloko o kinakausap o nilalait tulad nang ginagawa niya kay Jacq at Tita Ann.

Pero hindi ko maintindihan, sa dinamirami ng friends ko sa highschool, ang Mama, e ang kilala lang e si Ariel. Sampaguita pa lang kami, kilala na ni Mama si Ayi, pag may bilin nga si Mama sa akin nun "Pa-ano mo na lang kay Ariel.", "Bigay mo na lang kay Ariel", "Pasama ka kay Ariel".

Since, naumpisahan ko na ito . . itutuloy ko na dahil sobra talaga akong na-prepressure sa GALIT NG KAIBIGAN. Kaya itong blog na ito e para kay Ariel L. Inot, Super Friend. (ang true friend ko talaga)

Tulad nga nang nasabi ko kanina e hindi ko close si Ayi dati, naging SUPER FRIENDS lang kami, summer, ng pagiging college namin. As in, buong summer ata magkasama kami. Lahat ng gala. Mapa-Showtime, manuod ng sine, swimming, SM, LAHAT! Sa mga gala minsan absent si Ar, si Kevs, si Rej, pero si Ayi NEVER. Ang pagkakaalam ko, may radar siya ng gala nung mga panahong iyun.

Ayi thank you pala sa pag-recommend ng over priced na earphones na gamit ko ngayon. As in worth it. Sa tala ng buhay ko, ngayon lang ako bumili ng over priced na gamit na hindi ko pinagsisihan. Pero hanggang earphones lang ah. Pag usapang Samsung and N9 na, please hindi talaga ako interested.

Si Ayi, e isa sa pinaka hmmm, wala akong maisip na word (tandaan reason number 2. Pagod na ako). Basta, hindi masaya ang gang pag wala si Ayi. Kahit minsan nakakainis na kasi laging present at kung kasama man sa bahay na may internet e puro computer ang hawak. Saka masakit lang minsan magsalita yan (sanay na si Joanne) pero alam ko pag problems na at malalalim na bagay ang pinag-uusapan e isa rin siya sa mga kaibigang handang sumuporta at umintindi. As Super Friend, requirement ang ganung attribute. 

Dahil wala na akong oras (reason number 1), tatapusin ko 'to at sasabihin ko dito ko na ang prayer ko para sa'yo e na maging mas effective ka at mahanap mo yung passion at purpose mo sa buhay sa pagtrabaho sa Landbank of Philippines (Ranked 5th sa Top Corporations in the Philippines, big time!). Na-bigyan ka ni Lord ng strength at good health, as we know, yung past, kung anong nangyari sa past na we both experienced yung pinaka-down sa buhay natin nang sabay, I know the feeling na affected ang buong family pag nagkakasakit tayo. I-add ko na rin pala dito na wag na kayo masalanta ng bagyo na super lala. Wait, naalala ko lang. Tumawag ako sa'yo nung habagat days, 

Me: Ayi, bakit hindi kita ma-contact? Ano musta kayo?

Ariel: Ok naman. Hindi ba tayo gagala?


I also pray na sana friends, Super Friends tayo Forever at wag mapunta sa stage na FOFFB (Friends Over Forever Fever Bieber) kahit na sinasabi mo na mas close ka na sa mga co-workers mo kesa sa amin since pumunta kayo sa Patipot. Lastly, gusto ko magpasalamat kay Lord na binigay ka niya sa buhay namin kung saan mas naging masaya, makulay, at punong puno ng pagpapatawad at pagmamahal ang pagkakaibigan natin. Kaya tayo iba, mas ibang level ang friendship. Amen? Amen!

Happy happy birthday Ayi! Lord Jesus bless! May the grace of the Lord be with you and your family always.

Love forever and always,


SF Dace


Bwisit si RR, nahirapan ako i-crop siya sa 2008 picture. Hahaha


Wednesday, May 8, 2013

Hala Halalan na Naman!

Nung nakaraang eleksyon, unang beses kong nakaboto nun. Super excited ako kasi 1. Automated na 2. Meron na rin akong karapatang makaboto. Natatawa na nga lang ako ngayon e, dati kasi sobrang affected ako sa mga pangyayari. Pumila pa ako nun ng kehaba-haba para makapag-register na Bayan Patroller sa UST. Ginawa ko ring ringtone yung "Bayan Mo, I-patrol mo!" At gumawa rin ako ng sandamukal na blogs, campaigns para sa mga gusto kong kandidato. Masyado rin ako nalulungkot nun pag nakikita ko na yung mga gusto kong kandidato e nangungulelat sa surveys. Sinabi ko lang nun . .

"Bakit ganon? Bakit nila iboboto yun? Anong gagawin niya e wala pa nga siyang nagagawa? Purket maganda yung commercial? Bakit?"

Ang dami kong tanong nun, bakit hindi nakikita ng mga Pilipino yung mga bagay na nakikita ko, naiintindihan, nalalaman? Ano yung basis nila sa pagboto? Well, wala naman akong reklamo nun kasi free country 'to. Karapatan nating bumoto, wala akong magagawa kung nanalo yung hindi qualified, kinuha lang sa apeylido ang pagkapanalo, o dahil sa ganda ng commercial sa T.V. Wala akong magagawa dun. Okay lang naman kasi talagang bumoto pero mas maganda sana kung alam din natin yung "Pagboto ng tama."

Ilang taong nakalipas simula nung first time kong bumoto. Na sabihin nating na-enjoy ko yung "karapatan". Kaya ang tanong . . anyare?

Wala.

Nasaan na yung pinangakong matuwid na daan?

Ah alam ko! Alam ko! Ayun, sinara nila ulit yung daan para mapalitan ng bago at may paglaanan yung pondo ang gobyerno at makagawa ng traffic at para merong mapagawang tarp na nagsasabing "Sorry for the inconvenience - Congressman Epal")

Walang nabago kasi walang natuto.

Isisi natin sa gobyerno kung bakit ang daming mahirap, daming hindi nakakapag-aral, walang trabaho. Pero hindi ba natin naisip na 

"Tayo ang naghalal ng mga tao sa gobyerno. DUH."

Hindi na nakakatuwa. Sana yung mga nag-susurvey e tayo naman ang tanungin. Tayong matatalino. (WOW? Hahaha)

Wag nating ibenta yung boto natin, wag tayong bumoto dahil sa apeylido na wala pang napatunayan (gusto niyo ba yun? Tayo hirap na hirap humanap ng trabaho tapos sila Senador agad?) at higit sa lahat wag tayong maging BOBOtante ngayong eleksyon.

Ngayon, hindi ako gumawa ng blog para sabihing iboto niyo si ganto, iboto niyo si ganyan. Gumawa ako ngayon para magmakaawa.

Guys, wag nating gawing JOKE ang pagboto dahil minsan may time na seryoso tayo.

Bumoto ng TAMA!

Saturday, May 4, 2013

Childlike-ish

Nitong mga nakalipas na araw sunud-sunod ang family day namin. Birthdays, picnics, road trip, swimming . . as in! Kaya nga parang na-miss ko yung mga kaibigan ko dahil literal na puro kapamilya ko ang madalas kong kasama ngayon.

Nung nakaraan, galing kaming Quezon City Circle para mag-picnic. Ayun, laro ng badminton (sorry Rej, papalitan ko yung nasirang shuttlecock ni Starry), kumain ng sobrang daming slices ng pizza na nabili sa S&R (importanteng sabihin yung S&R dahil feel kong magpaka-mayaman today), at maglaro sa PLAYGROUND!

Me: (naglalakad papuntang playground)

Adam: Te Dace! Saan ka pupunta?

Me: Sa playground.

Adam: Bakit?

Me: Maglalaro. Baket?

Natawa siya. DUH. 22 21 years-old. College graduate. Employed. Ayun, maglalaro sa playground. Well, I don't care...

Moving back. GUYS! Sobrang ganda ng playground talaga sa QC Circle. Actually, 4th favorite place ko yan (1. Calaruega 2. Pagudpud 3. UST). Sobrang ka-bad trip lang dahil na-corrupt yung SD Card ng camera kaya hindi ko mapakita yung picture, well punta kayo para malaman niyo ang sinasabi ko.

Habang naglalaro kasama ng mga pamagkin ko, nasabi ko ata, mahina lang, habang nakapila para sumunod ng mag-slide, na narinig ata ni Ella . . . "This is the best day of my life."

Geez, ang sarap maging bata! Laro ka lang. Yung lang! Hindi mo iniisip yung mga gantong bagay:

"Kailangan kong mag-aral mabuti para pag makatapos ako e hindi ako mahirapan maghanap ng trabaho. Hirap in a way na kukuha ka ng NBI Clearance at may kapangalan ka at mag-aantay ka pa ng 2 linggo para makuha. Mag-pamedical na bigla bigla ka na lang kukuhaan ng dugo tapos pipiliting umihi at punuin yung bote ng ihi. Tapos biglang sasabihin ng company tatawag na lang sila. Pero hindi naman talaga. AH BASTA! Kelangan kong mag-aral mabuti!"

Pag bata ka hindi mo maiisip yung ganon dahil ang nasa Job Description mo lang e maglaro!

Kaya ngayon, I enjoy the company of my nephews and nieces more. Dahil bilang bata e natutulungan nila akong marealize ang mga bagay. Gusto ko rin magkaroon ulit nung ganung klase ng excitement at joy na meron sila. Meron sila nitong passion of knowing and getting what they want. Nakakita ka na siguro ng nagmaktol na bata o umiyak pag hindi nakuha yung gusto, well . . gusto ko maging ganun! Dapat maging ganun tayo, hindi tayo titigil o susuko hangga't hindi natin nagagawa yung gusto natin at hangga't hindi natin naabot yung mga pangarap natin.

Me: Okay. Iba naman?

Tapos ng mag-charades, magtouching ball, bluff, 7UP, Power of 7 . . .

Kids: KILLER! KILLER!

Me: GAME ON!