Tuesday, April 16, 2013

Salamat Po


Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng nakabasa ng Ganito Kami Sa MRT! 

1. Kay Lord Jesus syempre na binigyan ako ng malawak at creative na imahinasyon at madaldal na daliri sa pagtype, kung hindi dahil sa Kanya wala itong blog na ito at wala akong kakayahang mag-kwento. All glory to Him!

2. Sa UP Plano na nag-copy-paste ng blog ko papuntang Facebook at kung hindi dahil sa kanila e hindi mababasa ng libo-libo yung gawa ko. Thank you po!

3. Sa mga kaibigan ko, college and highschool friends, sa pag-share at pag-tag sa akin na kahit medyo nahihiya ako e pinost pa rin sa wall ko.

4. At sa lahat po ng nakabasa, nag-like, nag-share, at nag-comment!

That was nuts! Hindi ko inakala na ganun karami yung makaka-relate. Sinabi ko na nga ba e! Hindi lang ako nakakapansin ng mga bagay-bagay. Actually, sobrang tuwang tuwa ako sa mga comments at meron pang mga pahabol na dagdag tulad ng mga Roundtrippers, Pretenders, etc. Pasensya na rin sa typo error [poll dancing]. Honest mistake yung spelling nun. Pero dapat alam ko rin talaga. Pero anong maasahan sa taong pinaka-ayaw na activity ang pagsayaw? Nalaman ko lang naman yun dahil kay Angel Locsin sa In The Name of Love. Pero thank you, at least, alam ko na na POLE pala siya at hindi POLL.

Pero alam niyo ba kung bakit ko siya nasulat?

Isang araw, rush hour, wag ka! Ang pila ng tao sa North Ave konti na lang aabot na sa Quezon Ave! So na-imagine niyo ba kung gaano kadaming tao yun? MADAMI! Pero alam niyo kung ano ang napansin ko? Sa dami ng taong yun, alam niyo ba. . WALANG NAKANGITI ni isa sa kanila. Simangot o Poker Face lang. At puro Tsk-ers na lahat. Naisip ko tuloy, Ganto na lang ba? Sa araw-araw na ginawa ng Diyos? Wala bang silver lining sa pagsakay ng MRT at puro hirap na lang?

Kaya gumawa ako ng kwento. (Gusto ko i-acknowledge si Kevin Ang, dahil sabi niya kung hindi ko raw siya katabi sa office e hindi ko maiisipang gumawa ng blog. Ayan na ah.)

Kaya ang laking galak ko nung nakita ko na ang daming natuwa sa article ko. Ang daming nasiyahan. Yung moment na masasabi mo na lang sa isip mo, "Shet, ayan na mga Olympians!", tapos matatawa ka. Tapos may nabuo ng masayang kwento at alaala. At ayun, ayun yung silver lining dun.

Maraming salamat talaga sa lahat ng nakabasa at natuwa at magagandang comments at hindi magagandang comments. Well, iwasan po natin yung hindi magagandang comments kasi I'm vulnerable to criticisms.

Maraming salamat sa nagbasa kahit super haba-- wait. Sa mga nag-comment pala ng "Ang haba naman", well, basahin mo na lang, DUH parang di ka naman sanay sa mahaba! Pumila ka nga ng isang oras at mahigit e tapos ang masakit pa dun naiwan mo pa sa bahay yung Stored Value Ticket. Ouch. Pakamatay na lang teh. Ay wag pala, dagdag abala lang yan, baka ma-delay pa ang delayed na pagdating ng tren. Hahaha

Salamat Po ulit! :))))

Dace Alcala

No comments:

Post a Comment