Hinding hindi ko malaman o maalala man lang kung paano kami naging close friends ni Reginald Dimatatac. Basta ang alam ko lang mula II-Pearl hanggang pag-graduate sa kolehiyo e magkasabay kami umuwi. Buong high school life, walang mintis. Perfect attendance. Lagi kami magkasabay! Ewan ko ha, kasi sa buong magkakakaklase, kami lang talaga ni Rej ang taga-Sto. Nino. Inggit na inggit nga ako sa Newton nun kasi minsan nakikita namin sila magkakasabay, 1/4 ata ng class nila taga-dun e! Tapos kami 2 lang? Pero ang bright side dun e walang fail moments sa jeep pag magkasabay kami ni Rej.
Kahabaan ng biyahe e, e walang tigil kami sa pagdaldal! Meron kaming kasunduan na pag overly-talkative kami sa jeep e hindi kami kukuha ng sukli bilang studyante. Syempre, pag masaya sulit ang bayad, minsan di rin ako kumukuha ng jeep pag may radio. Lahat ng topics under the sun e napag-usapan na ata namin. Kaya pag di ko kasabay si Rej nakakapanis ng laway!
Ako, maniniwala ako ng hindi ganito magiging masaya ang 'gang' namin kung walang kaibigan na si Rej. Sabi nga sa personality type niya e isa siyang 'rare' o 'hard to find'. Oo! Sabi din dun na mahirap i-spellingin ang gaya ni Rej (duh. we know that) pero once na makilala mo siya at maging friend e super worth it. Sorry ka na lang Aves, dahil yung description na hinahanap mo na 'brutal' e wala kay Rej, nasa iyo. Brutally Honest. Hahaha
Marami ring super nakakatawang experiences pag kasama ko si Rej.
1. Yung panis na inipit na kinain ko habang naglalakad sa terminal.
2. Yung pusa na argh... habang naglalakad sa terminal.
3. LRT Moments with Pusa (Carla).
Minsan pala maiinis ka kay Rej dahil isa siyang approachable friend! (Sarcastic). Haha naalala ko kasi si Carla nun Rej nung nasa harap mo na hindi pa namansin. YUNG PARANG GINAWA MO SA AKIN SA TRINOMA! HAY NAKO. Pero dahil birthday mo, pinapatawad na kita. Penge na lang ulit ng upsize ng Signature Hot Choco. Hahahaha
Thank you Rej sa awesome birthday celebration mo kasama kami at kasama ng awesome family mo! Salamat rin sa mga utang na pamasahe sa jeep (seriously? may utang pa ba ako?). Salamat rin at mas optimistic ka sa akin! Sa ebooks! God! Thank you sa Ebooks!!!
Thank you rin sa isa sa mga sumusuporta sa mga bagong choices at pagbibigay na kaliwanagan. Kaya wag kang ma-ano dahil pag natapos ko yung librong sinusulat ko e nasa Pasasalamat Section ka, kaya wag kang masyadong kontrabida! I'm vulnerable! Haha
So blessed to have you! Di ba nga sa friendship nating lahat e hindi siya nasusukat sa tagal ng pinagsamahan kundi sa dami ng problemang nalampasan. We've been there. Super ups and downs talaga pero sabi nga sa How I Met Your Mother. .
"Everyone’s got some baggage; it’s part of life. But like anything else, it’s easier when someone gives you a hand with it."
Nandito kami for you and we will help you carry those baggage! That's what friends are for.
God knows the desires of your heart at magpatuloy lang tayo sa pag pray sa pagtupad ng ating mga pangarap. May the grace of the Lord be with you and your family always.
and May the odds be ever in your favor! Ebooks ng Hunger Games please . . .
Love forever and always,
Dace
![]() |
| Kala mo hindi ako makakakita ng picture mo dati ah. BWAHAHA! |

WOW MAY NAHANAP NA PICTURE SI GRACE HAHAHAHA :D
ReplyDeleteHAPPY BIRTHDAY REJ!!! :D