Nung nakita ko ito sa 9GAG, napaisip ako. Paano nga kung may kaibigan ako na ako? Hindi kagaya ko ha. Yung ako talaga? Nako. Isip-isip ko, asitg nun! Bakit? E, ang bait ko kayang kaibigan!!! (Alam kong hindi dapat sinasabi yun, dapat yung mga salitang yun, hindi manggagaling sa'yo, dapat sa ibang tao) Pero... Ewan ko ha, mabait talaga akong kaibigan! Seryoso. Hindi kasi ako namimili (pero meron talaga akong exclusive club/gang na madalas kasama) pero kahit ganon, alam kong capable akong maging kaibigan ang lahat.
Ang sweet ko kayang friend, lahat ginagawa maging masaya, lively, at worth while ang bawat moments. Ayoko ng malungkot, ayoko sa lahat umiiyak ang mga kaibigan kaya pag may problema, isa ako sa mga namomroblema at humahanap rin ng solusyon sa sariling paraan. Ako yung klase ng kaibigan na hindi naninira (kahit Muse ako ng BackStaffers Club). Ako yung klase ng kaibigan na gusto mo magkaroon!
Kung meron akong kaibigang ako, siya siguro isa sa mga best friend ko! She's the best. Iboboto ko pa siyang Mayor ng Awesomeville! Well, una sa lahat, parehas kami ng gusto. Magkwentuhan man kami tungkol kay Jennifer Lawrence, e alam kong makikinig siya at di na kailangang sabihin pa na, "Nagegets mo ba?". Tulad ko na philanthropist at animal lover, hindi na ako mahihirapan pa mag-aya na "Uy, sama tayo sa Run For Ilog Pasig! Saka mag-volunteer tayo sa Peta!", tiyak sasama yun! Food trip din naisip ko! Ay nako, lahat na masasarap kakainin naming magkasama! Hindi na ako mahihiya kasi, parang ako, napakabalahura kumain at makalat so parehas kami. Sporty rin! YES! May kasabay nang tumakbo ng matagalan! Ang panget kayang tumakbo mag-isa sa subdivision. Hmm. Ano pa ba? Basta ang sarap ng kaibigang kasama mong humanap ng silver linings sa lahat ng bagay! Kasama sa job description ng My-Friend-Self na yun e to make the world suck less.
Pero naisip ko hindi rin pwede laging positive! (kahit may intensive search ako for silver linings). Kung kaibigan ko si My-Friend-Self, hindi na healthy! Masama sa kalusugan, sure ako. Napaka-energetic namin pareho at weird, panigurado, trangkaso ang aabutin ko pag lagi kami magkasama. Saka we're both crazies! Ugali ko pa naman, pag may nakita akong kaibigan sa daan, ay nako, parang wala nang ibang tao pa sa paligid. So inisip ko, kailangan namin nang hindi masyadong crazy para pakalmahin kami. Saka kung may time man na magka-problema ang isa sa amin, nako. Pahirapan mag-comfort. Wala ni-isa sa amin ang magaling mag-advise. Naalala ko dati yung isa kong kaibigan na heartbroken ang nasabi ko ata nun habang seryoso siyang nagkwkwento at may pinagdadaanan, "Wow. Parang yan yung napapanood ko sa TV." GRABE! I'm the worst friend eveeer!!!
CONCLUSION:
1. Masaya maging kaibigan si My-Friend-Self, wag lang ma-overdose 2. Grown-up advices and Math ang kanyang weaknesses 3. Pag naging kaibigan mo siya, maniniwala ka na ang buhay ay isang malaking joke at matatawa ka na lang.
No comments:
Post a Comment