Wednesday, April 17, 2013

J-Law GIFs

Ganito itsura ko pag nawala si Mama sa paningin ko sa mall o sa grocery o sa palengke . . .


Ganito ang itsura ko pag Sinigang ang ulam . . .


Ganito itsura ko pag sinabi ni Tita sinong gusto tumikim nung luto niya . . .


Ganito itsura ko pag nagpapaliwanag sa parents kung bakit ako bumagsak sa Math quiz . . .


Ganito itsura ko pag pinayagan ako ni Mama magstay sa bahay ng friend hanggang 7:30PM . . .


Ganito itsura ko pagkatapos kong basahin ang Tuesdays With Morrie . . .


Ganito itsura ko pag uuwi na ako sa bahay at di  nakita si Star ng 3 araw . . .


Ganito itsura ko pag may nagsabi sa akin, "Pa-Like naman" . . .


Ganito itsura ko pag nalaman kong hindi mo pa napanood yung Hunger Games . . .


Ganito itsura ko habang nag-aantay ng trailer ng Catching Fire . . .


Ganito itsura ko nung nakita kong 1000+ Likes na yung Ganito Kami Sa MRT . . .


Ganito itsura ko nung first time ko nakapunta sa Starbucks . . .


Ganito itsura ko pag may nakita akong bagong follower sa Blogger . . .


and lastly, sa lahat ng nagsasabing nakakatawa yung blog ko . . .

Tuesday, April 16, 2013

Salamat Po


Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng nakabasa ng Ganito Kami Sa MRT! 

1. Kay Lord Jesus syempre na binigyan ako ng malawak at creative na imahinasyon at madaldal na daliri sa pagtype, kung hindi dahil sa Kanya wala itong blog na ito at wala akong kakayahang mag-kwento. All glory to Him!

2. Sa UP Plano na nag-copy-paste ng blog ko papuntang Facebook at kung hindi dahil sa kanila e hindi mababasa ng libo-libo yung gawa ko. Thank you po!

3. Sa mga kaibigan ko, college and highschool friends, sa pag-share at pag-tag sa akin na kahit medyo nahihiya ako e pinost pa rin sa wall ko.

4. At sa lahat po ng nakabasa, nag-like, nag-share, at nag-comment!

That was nuts! Hindi ko inakala na ganun karami yung makaka-relate. Sinabi ko na nga ba e! Hindi lang ako nakakapansin ng mga bagay-bagay. Actually, sobrang tuwang tuwa ako sa mga comments at meron pang mga pahabol na dagdag tulad ng mga Roundtrippers, Pretenders, etc. Pasensya na rin sa typo error [poll dancing]. Honest mistake yung spelling nun. Pero dapat alam ko rin talaga. Pero anong maasahan sa taong pinaka-ayaw na activity ang pagsayaw? Nalaman ko lang naman yun dahil kay Angel Locsin sa In The Name of Love. Pero thank you, at least, alam ko na na POLE pala siya at hindi POLL.

Pero alam niyo ba kung bakit ko siya nasulat?

Isang araw, rush hour, wag ka! Ang pila ng tao sa North Ave konti na lang aabot na sa Quezon Ave! So na-imagine niyo ba kung gaano kadaming tao yun? MADAMI! Pero alam niyo kung ano ang napansin ko? Sa dami ng taong yun, alam niyo ba. . WALANG NAKANGITI ni isa sa kanila. Simangot o Poker Face lang. At puro Tsk-ers na lahat. Naisip ko tuloy, Ganto na lang ba? Sa araw-araw na ginawa ng Diyos? Wala bang silver lining sa pagsakay ng MRT at puro hirap na lang?

Kaya gumawa ako ng kwento. (Gusto ko i-acknowledge si Kevin Ang, dahil sabi niya kung hindi ko raw siya katabi sa office e hindi ko maiisipang gumawa ng blog. Ayan na ah.)

Kaya ang laking galak ko nung nakita ko na ang daming natuwa sa article ko. Ang daming nasiyahan. Yung moment na masasabi mo na lang sa isip mo, "Shet, ayan na mga Olympians!", tapos matatawa ka. Tapos may nabuo ng masayang kwento at alaala. At ayun, ayun yung silver lining dun.

Maraming salamat talaga sa lahat ng nakabasa at natuwa at magagandang comments at hindi magagandang comments. Well, iwasan po natin yung hindi magagandang comments kasi I'm vulnerable to criticisms.

Maraming salamat sa nagbasa kahit super haba-- wait. Sa mga nag-comment pala ng "Ang haba naman", well, basahin mo na lang, DUH parang di ka naman sanay sa mahaba! Pumila ka nga ng isang oras at mahigit e tapos ang masakit pa dun naiwan mo pa sa bahay yung Stored Value Ticket. Ouch. Pakamatay na lang teh. Ay wag pala, dagdag abala lang yan, baka ma-delay pa ang delayed na pagdating ng tren. Hahaha

Salamat Po ulit! :))))

Dace Alcala

Sunday, April 14, 2013

My-Friend-Self

Nung nakita ko ito sa 9GAG, napaisip ako. Paano nga kung may kaibigan ako na ako? Hindi kagaya ko ha. Yung ako talaga? Nako. Isip-isip ko, asitg nun! Bakit? E, ang bait ko kayang kaibigan!!! (Alam kong hindi dapat sinasabi yun, dapat yung mga salitang yun, hindi manggagaling sa'yo, dapat sa ibang tao) Pero... Ewan ko ha, mabait talaga akong kaibigan! Seryoso. Hindi kasi ako namimili (pero meron talaga akong exclusive club/gang na madalas kasama) pero kahit ganon, alam kong capable akong maging kaibigan ang lahat.

Ang sweet ko kayang friend, lahat ginagawa maging masaya, lively, at worth while ang bawat moments. Ayoko ng malungkot, ayoko sa lahat umiiyak ang mga kaibigan kaya pag may problema, isa ako sa mga namomroblema at humahanap rin ng solusyon sa sariling paraan. Ako yung klase ng kaibigan na hindi naninira (kahit Muse ako ng BackStaffers Club). Ako yung klase ng kaibigan na gusto mo magkaroon!

Kung meron akong kaibigang ako, siya siguro isa sa mga best friend ko! She's the best. Iboboto ko pa siyang Mayor ng Awesomeville! Well, una sa lahat, parehas kami ng gusto. Magkwentuhan man kami tungkol kay Jennifer Lawrence, e alam kong makikinig siya at di na kailangang sabihin pa na, "Nagegets mo ba?". Tulad ko na philanthropist at animal lover, hindi na ako mahihirapan pa mag-aya na "Uy, sama tayo sa Run For Ilog Pasig! Saka mag-volunteer tayo sa Peta!", tiyak sasama yun! Food trip din naisip ko! Ay nako, lahat na masasarap kakainin naming magkasama! Hindi na ako mahihiya kasi, parang ako, napakabalahura kumain at makalat so parehas kami. Sporty rin! YES! May kasabay nang tumakbo ng matagalan! Ang panget kayang tumakbo mag-isa sa subdivision. Hmm. Ano pa ba? Basta ang sarap ng kaibigang kasama mong humanap ng silver linings sa lahat ng bagay! Kasama sa job description ng My-Friend-Self na yun e to make the world suck less.

Pero naisip ko hindi rin pwede laging positive! (kahit may intensive search ako for silver linings). Kung kaibigan ko si My-Friend-Self, hindi na healthy! Masama sa kalusugan, sure ako. Napaka-energetic namin pareho at weird, panigurado, trangkaso ang aabutin ko pag lagi kami magkasama. Saka we're both crazies! Ugali ko pa naman, pag may nakita akong kaibigan sa daan, ay nako, parang wala nang ibang tao pa sa paligid. So inisip ko, kailangan namin nang hindi masyadong crazy para pakalmahin kami. Saka kung may time man na magka-problema ang isa sa amin, nako. Pahirapan mag-comfort. Wala ni-isa sa amin ang magaling mag-advise. Naalala ko dati yung isa kong kaibigan na heartbroken ang nasabi ko ata nun habang seryoso siyang nagkwkwento at may pinagdadaanan, "Wow. Parang yan yung napapanood ko sa TV." GRABE! I'm the worst friend eveeer!!!

CONCLUSION:

1. Masaya maging kaibigan si My-Friend-Self, wag lang ma-overdose 2. Grown-up advices and Math ang kanyang weaknesses 3. Pag naging kaibigan mo siya, maniniwala ka na ang buhay ay isang malaking joke at matatawa ka na lang.

Monday, April 1, 2013

Birthday Blog - Rej

Hinding hindi ko malaman o maalala man lang kung paano kami naging close friends ni Reginald Dimatatac. Basta ang alam ko lang mula II-Pearl hanggang pag-graduate sa kolehiyo e magkasabay kami umuwi. Buong high school life, walang mintis. Perfect attendance. Lagi kami magkasabay! Ewan ko ha, kasi sa buong magkakakaklase, kami lang talaga ni Rej ang taga-Sto. Nino. Inggit na inggit nga ako sa Newton nun kasi minsan nakikita namin sila magkakasabay, 1/4 ata ng class nila taga-dun e! Tapos kami 2 lang? Pero ang  bright side dun e walang fail moments sa jeep pag magkasabay kami ni Rej.

Kahabaan ng biyahe e, e walang tigil kami sa pagdaldal! Meron kaming kasunduan na pag overly-talkative kami sa jeep e hindi kami kukuha ng sukli bilang studyante. Syempre, pag masaya sulit ang bayad, minsan di rin ako kumukuha ng jeep pag may radio. Lahat ng topics under the sun e napag-usapan na ata namin. Kaya pag di ko kasabay si Rej nakakapanis ng laway!

Ako, maniniwala ako ng hindi ganito magiging masaya ang 'gang' namin kung walang kaibigan na si Rej. Sabi nga sa personality type niya e isa siyang 'rare' o 'hard to find'. Oo! Sabi din dun na mahirap i-spellingin ang gaya ni Rej (duh. we know that) pero once na makilala mo siya at maging friend e super worth it. Sorry ka na lang Aves, dahil yung description na hinahanap mo na 'brutal' e wala kay Rej, nasa iyo. Brutally Honest. Hahaha

Marami ring super nakakatawang experiences pag kasama ko si Rej.

1. Yung panis na inipit na kinain ko habang naglalakad sa terminal.
2. Yung pusa na argh... habang naglalakad sa terminal.
3. LRT Moments with Pusa (Carla).

Minsan pala maiinis ka kay Rej dahil isa siyang approachable friend! (Sarcastic). Haha naalala ko kasi si Carla nun Rej nung nasa harap mo na hindi pa namansin. YUNG PARANG GINAWA MO SA AKIN SA TRINOMA! HAY NAKO. Pero dahil birthday mo, pinapatawad na kita. Penge na lang ulit ng upsize ng Signature Hot Choco. Hahahaha

Thank you Rej sa awesome birthday celebration mo kasama kami at kasama ng awesome family mo! Salamat rin sa mga utang na pamasahe sa jeep (seriously? may utang pa ba ako?). Salamat rin at mas optimistic ka sa akin! Sa ebooks! God! Thank you sa Ebooks!!! 

Thank you rin sa isa sa mga sumusuporta sa mga bagong choices at pagbibigay na kaliwanagan. Kaya wag kang ma-ano dahil pag natapos ko yung librong sinusulat ko e nasa Pasasalamat Section ka, kaya wag kang masyadong kontrabida! I'm vulnerable! Haha

So blessed to have you! Di ba nga sa friendship nating lahat e hindi siya nasusukat sa tagal ng pinagsamahan kundi sa dami ng problemang nalampasan. We've been there. Super ups and downs talaga pero sabi nga sa How I Met Your Mother. .

"Everyone’s got some baggage; it’s part of life. But like anything else, it’s easier when someone gives you a hand with it."

Nandito kami for you and we will help you carry those baggage! That's what friends are for. 

God knows the desires of your heart at magpatuloy lang tayo sa pag pray sa pagtupad ng ating mga pangarap. May the grace of the Lord be with you and your family always.

and May the odds be ever in your favor! Ebooks ng Hunger Games please . . .

Love forever and always,

Dace

Kala mo hindi ako makakakita ng picture mo dati ah. BWAHAHA!