Monday, January 28, 2013

Birthday Blog - Pugs

Birthday blog na naman! Whoooo!

Hmmm...

Umpisahan natin ang istorya nung high school. Si Paul Angelo L. Pugoy. Wow, parang kagalang-galang! Hindi pa kami masyadong close nun, paano ko nasabi? Kasi pag hindi ko ka-close ang isang tao, hindi ko sila tinatawag sa nicknames nila. Nagtataka kasi ako nun kung bakit Pugz ang tawag nila sa kanya. Hindi ba parang ang panget nun, surname na nga ang tawag sa'yo, shortcut pa. Pero nung tumagal e naki-Pugz na rin ako dahil ang cool din pala nun, lalo na kung may Z or S sa dulo parang Jaypz, Avez, at Cielz. Pwede rin siguro ako kasali, Dace [days] at least parang 'S' ang tunog. Haha 

Moving on... Nakilala ko si Pugs as isa sa mga artistic na tao sa section namin. Well, matalino rin kasi lagi nasa Top 10. Well, Top 15 ako guys. Ayaw magpatalo? Haha. Napakagaling lang naman ni Pugs mag-drawing! Kung hindi 1st, 2nd siya, kung hindi 3rd . . Actually, lagi siyang panalo. Minsan pinipilit kong tapatan yung pagiging creative niya sa ganung bagay para ma-display naman yung gawa ko sa bulletin board pero wala talaga. Naiinis lang ako sa sarili ko. Talent? Ay grabe! Ayoko na lang magsalita. E napakagaling din niyang kumanta. Mapamababa ang tune or pinakamataas abot niya. Well, hindi ko makakalimutan yung Seniors' Prom na sinabayan niya yung tune Papaya Dance na pinasikat ni Edu Manzano noon. Bakit hindi ko makalimutan? Caught on tape e. Ano pa ba? Siya lang naman ang Hari ng GM noon. Kung i-convert sa tweets lahat ng text niya, siguro aabot ng 80,000. Grabe kahit walang signal sa isang lugar, yung text niya papasok at papasok! Ganon kalupit. Ang laking tulong din naman ng attribute (haha talagang attribute) ni Pugs na iyon kasi natutulungan niya akong mag-organize ng reunion at gala. Thanks for that my "Assistant Leader"!

Masasabi ko na mas lalong tumibay ang friendship namin nung nagka-trabaho na. Sa GA siya nagtrabaho nun sa Boni, tapos ako sa bandang Makati tapos ang maganda doon e may condo siya. Sosyal di ba? So ako naman na sobrang pagka-shocked sa MRT e sinabi ko kay mama na makikitira na lang ako kay Pugs. Live in ba. Hahaha e paano naman, 3 tumblings lang makakarating na ako sa office! So minsan, overnight na nga ako sa GA at masasabi kong milestone yun ng buhay ko at ang mas maganda dun e kasama si Pugs sa milestone na yun!

Madami kang matututunan kay Pugs pag magdamag mo siyang kasama. Una, nalaman ko na may iba't ibang volts pala ang mga ilaw kaya maingat ako lagi pag in-ON ko yung orangey orange na ilaw niya sa GA kasi mas malaki ang konsumo nun sa kuryente. Sunod naman e sa kusina, alam niya kung panis na ang mga bagay bagay. Kung pano lutuin ang mga bagay bagay. Natutuwa nga ako dati pag nasa kitchen kami. . 

Sabi ko, "Pugs lagay ko na yung oil?"

"Oo.", sabi niya.

"Yay!" sigaw ko. 

Hindi yung "Yay!" ang point ko dito, ang sinasabi ko e dapat magpaalam ka muna kung ano ang ilalagay mo sa mga lutuin para hindi mauwi sa gutom ang isa't isa.

Lumipat kami sa GMA, nagresign siya sa trabaho, nakahanap na ulit siya. Habang ako naman e na-bored sa trabaho at nagresign din. Ang daming nangyari at nabago sa buhay-buhay namin pero ang masaya doon ay hindi siya nawala. Andiyan pa rin siya para sumuporta at magbigay ng advice! 

Isa siya sa mga kaibigan na gusto mo ring magkaroon dahil UNA, hindi ka magugutom. Pangalawa, lagi siyang andyan (given the fact na Sun din kasi siya at napakadaling tawagan kahit minsan e binababaan niya ako haha).

As one of my super-best-friends, sinasabi ko sa iyo na magpahinga ka naman! Hahaha kasi kaming friends mo e nagtataka na kung ano ba talagang trabaho mo. Nagbebenta ka nga ba ng... OOPSIE! Haha

Hindi hindi ko makakalimutan yung mga panahong ang sweldo natin ay parang sibuyas (maiiyak ka sa dami ng gastusin) at bagyo (hindi alam kung kelan dadating at mauubos) and those long talks na inaabot ng 2:00AM at MRT Moments at phone call moments (iiyak ka sa tawa! I know right?) at movie watching (iyak iyak tayo sa Hachiko) at ang EPIC sleeping moment ni Jamin na 10 years bago matapos ang kwento! I hope mas madami pa tayong ma-share na sobrang havey moments together!

Naalala ko, issue natin dati ang "Love what you do" dahil sa tinahak nating career path pero malay mo balang araw, nasa "Do what you love" na tayo! Kaka-excite di ba? (hahanap na ako ng trabaho pramis!) Well, remember that God knows the desires of your heart! I'm praying na lahat ng plans mo for yourself and family e mangyari soon! I know YOU CAN! Ikaw pa? Naks!

Happy Birthday Pugs! :)))

Love always and forever,

Dace :)

Spot the difference! Hahaha

Sunday, January 27, 2013

Picture-Picture

Nitong mga nakalipas na panahon, nahilig ako sa Photography. Siguro kasi meron na kaming DSLR. Oo na, oo na, hindi ako professional, purket may SLR lang? Pero kahit pa paano, meron nga naman ako karapatang kumuha ng mas magandang pictures.

Dami ko ngang natututunan e. Hindi lang basta aperture o shutter speed o ISO. Natuto ako na bilang photographer kailangan mo mag-sacrifice. Mag-sacrifice dahil kailangan mong tanggapin na madalas sa mga pictures e hindi ka kasama (dahil ikaw ang madalas na kumukuha ng mga ito). Kung kasama ka naman, asahan mo na na hindi masyadong maganda ang kuha dahil minsan ang gumagamit ay hindi marunong mag-autofocus at medyo blurry.

Pero ang bright side dun e nakikita mong maganda ang mga kuha mo. Base na rin sa madugong pag-aaral at pagintindi at pag-adjust ng light at shutterspeed. Nakakatuwa kasi pag nakita nila yung picture nagagandahan sila at bilang proof, gagawin pa nila itong profile picture. Kaya ang masasabi mo na lang. "Wow, nagustuhan niya yung shots ko."

Pero alam niyo ba na may kwento sa likod ng bawat litrato? Papakitaan ko kayo ng mga examples.

Bago magdesisyon at sabihin ang mga salitang, "Tara picture-picture naman" e ito ang mga sumunod na nangyari. . .

@ Phase 5, Sto. Nino
Photo taken by Me
1. Itong picture na ito e kinunan ko kahapon. Na-tripan ko kasing magpa-picture ng 2x2 ng sarili ko. Habang nagpreprepare e hinanda ko yung camera. Well, gusto ko na rin kasing ibahin yung display picture ng Facebook ko.

Ang hirap niyang kuhaan kasi ang taas-taas ng tripod at hindi ko ma-focus sa sarili ko.

"Bakit kaya ayaw nitong mag-focus?", sabi ko sa isip ko nang biglang...

Squaeek! (parang plema lang, haha! Wag na kayong maano dahil hindi ko ma-spell yung tunog na ginagawa ng camera pagkumukuha ng picture!)

Tinignan ko yung kinalabasan ng picture at nasabi sa sarili, "Hmm pwede na nga 'to." At yay! May bagong display picture na rin ako sa Blogger!


@Cafe Ilang-ilang, Manila Hotel
Photo taken by Tita Elvie
 2. Ito namang sumunod e sa Cafe Ilang-ilang ng Manila Hotel. Shy type ako pag nasa lugar ako na medyong pangmayaman. Kailangan mag-asal mayaman ka, english-english, at behave. Napakahirap!

Pagpasok ko nga dun sabi ko,"Hindi ako bagay dito." 

Sabi ni Tita e ako naman daw ang picturan niya. Nahihirapan si Tita sa DSLR. Yun na ata ang most uncomfortable 8 seconds of my life (kita naman sa itsura ko). Ang dami ng nakapila para kumuha ng dessert at andun ako nagpapa-picture pa rin.

"Tita pakibilis. Click mo na. Click mo na."


Kim's 21st Birthday Celebration
3. Kitang kita sa picture ang masayang alaala kasama ang mga kaibigan. Ang matatamis na ngiti at ang closeness kitang kita! Pero alam niyo ba na bago makunan ang picture na yan e nag-aaway-away kami. Bago makunan ang picture na iyan e makakarinig ka ng salitang nakakayurak ng moral at pagkatao. HAHAHA sorry ang OA.


"Ay! Hindi na ako nakita!"
"Umusog ka kasi doon!"
"E saan ako pwepwesto?"
"Aray! Aray! Naiipit naman ako!"
"Pwede ba wag na kayong mag-away?"
"Wag kayong magulo!"

Squaeek!

@ Caleruega Philppines
Photo taken by Ton Reales
4. Ito ay kuha sa Caleruega. Ito ang pinaka-struggle sa lahat ng picture na nakuhaan ako/kami EVER! Ang hihilig kasi namin. Pagtapos namin akyatin yung hill e naisipan namin humiga at magpa-picture. Alam niyo ba kung gaano ka-init ng panahong yun at gaano ka-tirik ang araw? Pagkatapos magpicturan e ayaw ko ng ulitin. It was like parang nabulag ako for 4 seconds! Well, pare-pareho naman kami ng na-feel. Last na yun. Pramis!


@ Derrick's House
Photo taken by Tim Francisco
5. Christmas Party namin ito nung 4th year college. Isa sa pinakamasayang araw dahil natapat din sa araw ng Paskuhan.

Siya si Danica. Ang ganda ano? In-anticipate ko na na may magtetext sa akin or magchchat na after mabasa itong blog ko e tatanungin, "Sino yung kasama mo sa picture dun sa blog mo?" Well, wag na mag-effort may boyfriend na siya! Sorry boys! Hahaha

 Alam niyo ba kung anong iniisip ko dito?

"Hmm. Grabe! Nag-papa-picture siya ng solo kasi walang gusto sumama sa kanya. Kasi sa picture pag may tumabi sa kanya e nagmumukha silang pulubi at maitim (at mas maitim sa part ko)."

Obviously, mukha nga akong timawa dito!

@ Commerce Building Room 307
Photo taken by Jep Luy

6. Ako at si Jam. Mukha akong basang sisiw jan dahil nag-crave ako ng Happy Fanshu at bumili pa ako sa Dapitan habang umuulan, actually bagyo yun e sa pagkakaalala ko. Wala namang masyadong istorya jan pero ang maganda e ang sumunod na picture sa ibaba!

Yung sumunod na picture ay ang perfect example ng "Ang Kwento sa Likod ng Bawat Litrato" LITERAL! Likod na likod! Ang cool di ba? Haha

@ Commerce Building Room 307
Photo taken by Sandz Lagman



"I wish more people felt that photography was an adventure the same as life itself and felt that their individual feelings were worth expressing. To me, that makes photography more exciting." 
- Harry Callahan -

Saturday, January 19, 2013

Barya

Tama bang isisi sa barya kung bakit ako pinagalitan ng malupit-lupit ngayong araw?

- - -

Pumunta ako kila Avon, para tulungan siya i-convert ang video na dapat pala e itinawag ko na lang sa telepono dahil hindi naman ganun kakomplikado yung naging problema doon. Dumayo pa tuloy ako sa Marilao at na-imbyerna sa Manong Driver na kulang na lang isakay sa jeep niya ang buong populasyon ng Pilipinas.

Pero sa kabuuan, masaya naman. Dumating si Pugs, si Joanne, at Ariel. Nag-usap lang naman kami ng mga bagay na may kinalaman sa N9, nahulog na Mac Book, legs ni Rihanna, movies na pinapanuod ko ngayon, kwento ng trabaho nila, at ang experience ko na pagiging unemployed.

Hindi ko napansin ang oras. (Hindi ko malamanlaman hanggang ngayon bakit kung kelan ko kasama ang mga kaibigan ko e ang oras ay parang killer bus sa NLEX, mabilis. Sobrang bilis)

Nung nasa jeep ako pauwi, nahulog yung baryang inaabot ni Kuya. Lumipas ang ilang sandali, nasa jeep pa rin ako at may nahulog na naman na barya habang inaabot ang bayad sa drayber.

Naisip ko na lang, "Here's the deal. Pag may nahulog pang barya sa kabuuan ng biyahe ko. . Pagagalitan ako BIGTIME!"

Lumipas ang ilang minuto. Nakarating akong Phase 3 at nakasakay ng tricycle. Nahihirapan na akong humagilap ng barya sa wallet kong punong puno ng basura. Nainis ako dahil laging 25 cents ang nakukuha ko. Ang kailangan ko, piso! Piso! Sa sobrang inis ko e tinapon ko sa daan yung 25 cents at bigla na lang . . .

"Pag may nahulog pang barya sa kabuuan ng biyahe ko. . Pagagalitan ako BIGTIME!"

At pinagalitan nga ako.


BIGTIME!

True Story.

Wednesday, January 16, 2013

Thank You TTSIMC!

Iba yung feeling kanina. Galing ako sa GMA, on a weekday, exactly 9:00AM, at hindi ako papuntang south (Makati bound) this time. Sa MRT, extraordinary! Walang katao-tao papuntang North Ave, pwede ka ngang humiga e. Kabaliktaran naman sa kabila. Inisip ko, "kung pumasok pala ako sa work ngayon, super struggle na naman sa MRT. Timing naman yung pag-resign ko."

O yeah, nag-resign na ako friends. Finally! Kung tatanungin niyo ako kung anong naramdaman ko, well. Halo-halo e. Kasi yung work itself, medyo ayaw ko na talaga e. It's not for me. Pero yung mga tao, co-workers, hirap nilang iwan. Hindi nga ako nakapag-paalam ng maayos kahapon kasi ayokong humagulgol. Since ang nabunot ko kanina sa Daily Permission Card ko e, "to express", now is the time to say all my thanks.

Una sa lahat gusto ko magpasalamat kay Sir Marvin! Feeling ko, 96% na empleyado sa panahon natin ngayon e stressed sa mga boss nila. Pero ako, never! Si Sir Marvin ang pinakamabait na boss na nakilala ko! Hindi nga nakaka-pressure e. Sobrang bait, sobrang generous, patient. Lahat na! Magalit kaya siya kung sabihin ko na minsan nag-pa-picture ako sa tabi ng Porsche niya? Imbes na magmukha akong mayaman, naging carnapper ang dating ko. Sana wag nang kumalat pa yung picture na yun! Pero seriously, kung nababasa man ni Sir Marvin 'to. Gusto ko magpasalamat sa kanya. Sa acceptance at sa pagkakataong makapagtrabaho sa company niya!

Next kay Sir Bobby! Si Sir Bob, sabi nga ng mga co-workers ko e "mataba ang utak". Haha sobrang dami kong natutunan sa kanya! Thank you din sa support na nakuha ko sa kanya lalo na sa pagbigay sa akin ng reviewers at recommendation letter sa pag-aapply ko para sa Grad School. Sorry na rin Sir at napabilis yung pag-alis ko. Sana naintindihan niyo yung decision ko. Thank you sa advices at sa tiwala na dati niyo lang na student e ngayon e kasama niyo na sa work. Maraming salamat Sir Bob!

Siyempre, thank you rin kay Danica! Seatmate sa college dahil sa 'A' na surname, at ngayon nagkasama sa work. Siya na ata ang pinaka-independent na tao na nakilala ko. Sobra. Wala akong masabi sa mga sacrifices niya para sa family niya. Nako kung papapiliin ako ng kapatid, si Danica na! Ibibili niya lahat ng gusto ko. Pero kung kapatid ko siya, sana maputi rin ako at artistahin. Kung si Marian Rivera siya, okay na ako kay Anne Curtis. Hahaha. Seriously, sorry Danica naiwan kita! Natatawa ako kasi na-imagine kita na mag-isa na naman sa office. Sorry. Pero alam kong naiintindihan mo naman ako. Thank you rin sa lahat lahat lahat. Lalo na sa pagtanggal ng bubbles sa screen protector ng BlackBerry ko. Promise! Gawin nating business yun balang araw, feeling ko may potential tayo! Stay pretty, stay in love (shet mamamatay akong mag-isa!) Mamimiss kita! Pag sumikat ka, wag mo akong kakalimutan - my favorite line ever since. :')

Makakalimutan ko ba ang mga Account Managers. Never! Bakit? Kasi araw-araw iniisip ko kung tatawag na ba ako para sa update DIM nila at Journal?! Hahaha. E paano, nagpapanic na ako pag hinahanap na sa yun sa akin ni Boss at ni Kuya Ryan I will miss all of you! 

Kuya Ryan!!! Ang pinakamabilis mag-drive ng kotse na nakilala ko sa buong buhay ko. Kaya hindi na nakakagulat na naka-seat belt pa rin ako kahit sa likod ako naka-upo. Sobrang na-impluwensiyahan rin ako sa playlist niya sa kotse niya! Perfect example ng Get-Psyched Songs. Ilang linggo rin akong na-hooked sa Happiness ah. Thank you Kuya Ry sa pagiging concern mo para sa lahat lalo na sa paghatid sa akin sa GMA at LRT pag meron tayong lahat na dinner sa labas at sa mga nakakatawang joke parati! "I fail you. Panget!" - sabi niya sa student nang nag-panel siya sa thesis defense. hahaha

Kuya Mike! "Hindi ahente ang kausap mo ah!" - isa sa mga unforgettable moments ng working experience ko. Hahaha. Kuya Mike thank you sa pagiging parang Kuya ko talaga sa totoong buhay! Sa mga advice at pag-intindi sa weird kong buhay. Hinding hindi ko makakalimutan sa araw-araw na ginawa ng Diyos ang laging bati mo sa akin e, "Bakit ang laki na naman ng T-shirt mo?". Sorry sa sobrang kakulitan ko kaya sobrang thankful ako sa pag-intindi. Maraming salamat din dahil sa lahat, ikaw para sa akin ang "BEST DIM PROVIDER". Ikaw kasi ang laging nag-uupdate e! Hahaha thank you Kuya Mike, mamimiss kita at yung iPhone mo na lagi kong nilalaro!

Ms. Aprille!!! Seryosong gusto kong sumama sa inyo sa field trip ni Mica sa Enchanted! Hahaha. Parang si Sir Bob, marami ka ring matututunan kay Ms. A. Mapa-trabaho man o kahit sa mga buhay-buhay. Pag siya ang nag-explain ng mga bagay, sobrang ang daling intindihin. Dahil malinaw, accurate, at malaman. Sorry Ms. A sa laging pag-iinggit namin sayo ni Danica sa pag-po-post ng mga masasarap na pagkain sa Instagram. Wrong timing ka naman kasi palagi. hahaha Thank you Ms. A sa lahat din ng advices at sa mga laughtip sa office kahit na Concert Stealer ka nung last Karaoke Party natin!

Kuya JP. Hindi ko alam kung ako ang mali, o ang cellphone, o ang signal, o si Kuya JP mismo... Ewan ko, mahirap talaga siyang intindihin sa phone! hahaha Sorry kuya!!! Hahaha Si Kuya JP ang The Founder of Strowberi. Alam niyo, tuwing naiisip ko yung strawberry na yan, napapasimangot ako dahil sa nandidiri siguro. haha Kuya Jape! Thank you sa lahat ng nakakatawang moments sa office. Kuya saka please lang, wag mo nang kalimutan ulit wag bayaran yung coffee sa Umbrella para hindi ka na masigawan ni Ate! Ingat sa Cebu! Hahaha

Guys, wag kayong maniniwala sa mga pinagsasabi ni Kevin. Nanloloko lang iyan! hahah Kevin!!! My Mang Inasal buddy! Grabe, sa buong buhay ko, siya na ata ang pinakamatakaw na tao na nakilala ko (at pinakamabilis kumain). Well, mukhang magbabayad ka sa bet natin na papayat ka this February. Wag na kasi ipilit. Hahaha. Mamimiss ko yung pagpunta natin sa Magallanes at sana hindi ka nakukulitan pag everytime na dumadaan tayo dun sa park na laging line ko e, "Ito ang BEST PARK EVER!". Ang daya hindi mo ako pinicturan sa may fountain!!! Haha unforgettable moment yung nasa MRT kami. Sobrang hirap nun e, ang nasabi ko na lang, "Kevin, lumabas ka na. Sumakay ka na sa kabila. Okay na ako dito. Iligtas mo na yung sarili mo!" Hahaha! GUSTO KO SABIHIN SA LAHAT NA NA-FOUR MOVES KO SIYA SA CHESS! True Story!

Kuya Jason! Kuya J! Hahaha nakakatawa dahil madalas tayong lumalabas para kumain at magkwentuhan. Kuya J yung pinagkwekwento ko sayo e literal na sa'yo ko lang talaga kinuwento at wala ng iba. Inuulit ko wala ng iba. Kaya wag mong ipagkalat! Thank you for listening at pag-advice dahil sobrang naliliwanagan ako sa mga bagay-bagay. Sorry dahil doon sa mga kwento mo sa akin na sabi mo wag kong sabihin e nasasabi ko rin dahil lagi akong nadudulas! Ang fail lang! Thank you dahil para rin talaga akong nagka-Kuya sa totoong buhay. Sana lang talaga na mag-dilang anghel ka sa sinabi mo na ito na yung taon na magkaka-boypren ako! Hahaha. Wait wait wait.. Hindi mo pa sinasabi sa akin yung secret mo!!!

Siyempre Thank you rin kay Sir Danny. Nayurak yung pagkatao ko nung siya ang nabunot ko sa exchange gift. Yung sleepless nights kakaisip kung ano ba ang ibibigay ko, grabe! Haha thank you Sir, as one of our bosses, for acceptance and trust! Kay Ma'am Viola rin. Kahit na once ko lang talaga siya nakasama at naka-usap e ang laking impact sa akin ng payo niya. Thank you po Ma'am!

Kila Kuya Ron, Ate Anna, Kuya Rey, Kuya Del! Thank you rin sa inyo dahil pag wala pa akong kasama sa umaga e kayo yung madalas kong kakwentuhan. Medyo malas lang dahil nakakalimutan kong magpa-check ng attendance kay Big Brother (CCTV) dahil doon ako tumatambay sa may table niyo at late na bago ko marealize na kailangan pala munang magpakita sa kanya!

Sa buong TOP-TIER SYNERGY FAMILY, maraming maraming salamat! Sorry at hindi ako nakapagpaalam ng maayos sa inyo nung last day ko. Pero gusto kong malaman niyo na umiyak ako sa MRT nun. Sobrang lungkot na parang feeling ko nga e nakipag-break ako sa boyfriend. Gusto ko malaman niyo na malakas na yung negosyo ko na pagtitinda ng barbecue. Nakuha ko yung secret recipe ni Manang pati yung masarap na suka niya. Hahaha JOKE.

Thank you! Sorry sa kakulitan, sa mga shortcomings, sa maagang pag-alis, at sa pag hindi pag-invite sa house blessing. Please wag niyong kantahin sa akin yung "Somebody that I used to Know." Kasi ako, I will never forget lahat ng masasayang alaala, kayong lahat, yung friendship, and all. I pray na mas lalo pang lumaki ang family ng TTSIMC at mas maging maayos ang system, products, and most importantly ang relationship sa Distributors!

Thank You Top-Tier Synergy International Marketing Corporation!

Grace Alcala
Former-Operations Assistant :P

Wednesday, January 9, 2013

Grabe Lang

Alam niyo naman siguro yung pinag-dadaanan ko ngayon?

Ito na nga. Kinausap ako ng boss ko para i-reconsider 'tong trabaho. PLUS! Changes sa system ng company and benefits sa part ko. So nahirapan tuloy ako. Hirap ako sa decision-making. I'm worst sa ganyang bagay. Kasi ang pagkakakilala ko sa sarili ko e laging nagbabago ang isip ko. Pabago-bago. Bibili ng sapatos, 2 pares sila. Hirap magdecide! Binili ko yung isa. Nagamit ko. Tapos sa bandang huli sasabihin ko na "Sana pala yung isa na lang binili ko." Regrets and frustrations. Kaya natatakot ako na baka mali ang gawin kong desisyon. 

Nakapag-decide na ako. Alam niyo iyan (See I Need To). Pero bakit ito na naman? Bumalik yung sakit ko. I-reconsider ko ba?

Hindi ko alam ang sagot. Pero dahil sa tulong niyong lahat unti-unti akong naliwanagan. Kaya gusto kong magpasalamat sa mga sumusunod:

Kay Papa. Sabi ko sa kanya, "Pa, magreresign na talaga ako." ang sabi niya naman, "Go ahead." Pati si mama.. "Ma, magreresign na talaga ako." Sabi niya naman, "Kung ako sa'yo matagal ko ng ginawa iyan." Natatawa ako dahil napakasabaw ng payo nila. Haha pero yung panahong hirap na hirap na talaga ako, sabi nila magpray lang daw ako and He will answer me. Honestly, na-iinip ako sa answer ni Lord. Habang tumatagal nalilito ako lalo at feeling ko nauubos na yung oras. Pero at this point nakuha ko na yung answer niya sa pamamagitan ng lahat at pinagsama-samang advices ng mga mahal ko sa buhay.

Ayoko mag-drop ng names kasi natatakot ako baka may makalimutan ako pero this time, i guess I need to. Thank you kay Tita sa pagtulong sa akin timbangin ang mga bagay-bagay. Kasama na rin sila Mama at Papa na never inisip na hindi ko kaya. Naniniwala sila sa akin kahit ako ay napapalibutan ng fears and doubts. 

Syempre sa mga kaibigan ko rin. Kay Aves, grabe thank you sa kanya sa mga hindi biased niyang pag-advise sa akin. Alam na alam niya ang tama at maling gawin pati na rin sa time kahit minsan hanggang alas tres lang kami pwede mag-usap. Kay Abi na hindi nagsasawang sagutin lahat ng tanong ko at sa pag-advise kahit 10 years akong magreply sa BBM. Kay Joanne na laging pinapaalala sa akin na wag masyadong maging mabait at maging praktikal. Kay Pugs na naranasan na yung mga sinasabi ko at lagi akong sinusuportahan. Kay Kevs na parang laging may baon na words of wisdom kahit nakakatawa minsan pero alam mong may sense. Kay Ayi na laging nakikinig at merong intense na payong out of this world. Kay Ar na laging pinapaalala sa akin na wag akong mag-rely sa sarili kong judgement, ask for God's guidance. At kay Rej na number 1 supporter ng mga pangarap ko!

Sabi nga ni Keri Smith sa book niya, "Let go of friends who don't understand what you're trying to do and surround yourself with people who support your new choices."

Kaya gusto ko magpasalamat sa lahat ng sumusuporta sa akin (WOW parang artista lang). Grabe lang. Thanks at hindi kayo nagsawa at napagod sa unending drama ng joke na buhay ko na ito. Thank you talaga!

I would like to end this by borrowing one of Keri Smith's mantras..

I am grateful for the ability to learn from this situation. I will do my best to help myself move forward and into my greatest, most powerful potential!

Saturday, January 5, 2013

Birthday Blog - Jacq

Last year ko pang naisip itong idea na ito, dahil una sa lahat wala akong pera pambili ng mga material na bagay na pamregalo at pangalawa sa lahat merong chance na hindi magkitakits sa araw ng birthday kaya ito na ang naisip kong "matipid" na regalo sa isang kaibigan.

Hmmm. Ngayon ay birthday ni Jacq at ano kaya ang magandang i-blog sa taong 'to?

Second year high school. Section Pearl. Namimigay ako nun ng results ng quiz kay Ma'am Jimena. Ata? Tapos nakita ko sa name, Jacqueline Ravinera. Sino 'to? May classmate pala ako na Jacqueline. Natatawa nga ako dahil nung una ko nakita ang spelling ng name kala ko ang pronunciation ay "ja-kwe-leen". Pero later on, nalaman ko rin na mali ako. Natuwa ako na may classmate ako na Jacqueline, mostly because gusto ko yung name niya. Gusto ko kasi yung mga pangalan na madaming pwedeng nicknames. Jacq, Jacqueline, Jacque o pwede ring Acqueli. Hahaha may tumatawag ba sayong Acqueli Jacq? Haha. So ayun nga, pangalan pa lang gusto mo na siya, what more pag nakilala mo siya?

Nagstart ata ang friendship namin ni Jacq nung panahon ng Bato Balani Report. Nung panahong nagka-group kami kasama sila Jayps. Tanda ko pa nga, Ang Panday ata ang theme namin nun. Nagpatuloy pa nung 3rd year kung saan halos every subject ata e nagka-chance na maging seatmate ko siya kasama si Reiks at kung saan ang kwentuhan at daldalan ay non-stop.

Andaming magagandang alaala na nagpatuloy hanggang college. Ang saya lang kasi magkakasama kaming nag college sa Manila. At iyun ang isa sa mga dahilan na hindi ko sinukuan ang mag-aral sa malayo. Dati sabay sabay kami nung umuwi at sabay sabay nakikipagsapalaran sa Recto papuntang LRT. Ang mga LRT moments ay isa sa pinakamasayang parte ng pagkakaibigan namin. Favorite ko sa lahat yung mga panahong kasabay din namin si Kevs at lagi naming sinasabi kay Jacq na pag kumapit siya sa hawakan e nakalambitin na siya dahil hindi kakayanin ng height niya yung taas.

Lahat siguro gusto magkaroon ng Jacq na kaibigan! Ako? Syempre! Kahit dyabolika iyan? Isa pa rin siya sa BEST peeps na nakilala ko sa buong buhay ko. Kung meron man akong kaibigan na kilala ang buong pagkatao ko, si Jacq yun! E putek, naalala ko yung Friend Quiz dati sa facebook, ang score niya sa akin 99%! Ang mali pa niya ay yung date ng Graduation namin nung highschool. Hindi rin ako makapagsinungaling sa kanya tapos isa rin siya sa mga secret keepers ko. Imba talaga itong si Jacq e! Pag magkakasama ang grupo, si Jacq ang bida. Ewan ko, ganun ang sabi ni Ayi sa akin. Hindi daw sila makapalag minsan pag si Jacq na ang humihirit. Pero hindi din naman laging masaya, ups and downs andiyan siya at andito din naman kami for her. Basta ang alam ko sa amin, ang problema panandalian lang. Pag ang mga tawa namin nagsama-sama, plus yung kay Jacq na may kasamang palo at tadyak, lahat ng negatibo sa paligid nawawala!

Kaya ngayon, happy happy birthday sa'yo Jacq. Miss ka na namin. Sa tuwing nagkikita nga kami na wala ka, mas masaya kami. Kasi wala ka. Haha joke! Hindi mo lang alam na lagi ka naming nasasama sa kwentuhan dahil natural sa atin ang pagiging backstaffer. Alam mo yan! Haha. Lahat ng masasayang alaala na kasama ka hinding hindi namin makakalimutan (lalo na yung mga injured moments mo sa touching ball at slow mo dive mo sa MC Annex Gym).

Jacq you are one of the best-super-friends I have! Blessing ka na binigay ni Lord and sana mas matagal pa ang friendship natin at madagdagan ang masasayang alaala! May Lord Jesus give you all the best sa academics, sa health, family, and love life! Parang awa mo na mag-SUN ka na!!! hahaha

Happy Happy birthday at pinapasa ko na sayo ang pagiging Yeng ngayong araw! :D

Love,

Dace (PS: Friends Forever? Challenge Accepted!) :)



Nakakadiri yung pic sa kaliwa! Waa. Ayoko nang bumalik sa nakaraan! Hahaha