Tama bang isisi sa barya kung bakit ako pinagalitan ng malupit-lupit ngayong araw?
- - -
Pumunta ako kila Avon, para tulungan siya i-convert ang video na dapat pala e itinawag ko na lang sa telepono dahil hindi naman ganun kakomplikado yung naging problema doon. Dumayo pa tuloy ako sa Marilao at na-imbyerna sa Manong Driver na kulang na lang isakay sa jeep niya ang buong populasyon ng Pilipinas.
Pero sa kabuuan, masaya naman. Dumating si Pugs, si Joanne, at Ariel. Nag-usap lang naman kami ng mga bagay na may kinalaman sa N9, nahulog na Mac Book, legs ni Rihanna, movies na pinapanuod ko ngayon, kwento ng trabaho nila, at ang experience ko na pagiging unemployed.
Hindi ko napansin ang oras. (Hindi ko malamanlaman hanggang ngayon bakit kung kelan ko kasama ang mga kaibigan ko e ang oras ay parang killer bus sa NLEX, mabilis. Sobrang bilis)
Nung nasa jeep ako pauwi, nahulog yung baryang inaabot ni Kuya. Lumipas ang ilang sandali, nasa jeep pa rin ako at may nahulog na naman na barya habang inaabot ang bayad sa drayber.
Naisip ko na lang, "Here's the deal. Pag may nahulog pang barya sa kabuuan ng biyahe ko. . Pagagalitan ako BIGTIME!"
Lumipas ang ilang minuto. Nakarating akong Phase 3 at nakasakay ng tricycle. Nahihirapan na akong humagilap ng barya sa wallet kong punong puno ng basura. Nainis ako dahil laging 25 cents ang nakukuha ko. Ang kailangan ko, piso! Piso! Sa sobrang inis ko e tinapon ko sa daan yung 25 cents at bigla na lang . . .
"Pag may nahulog pang barya sa kabuuan ng biyahe ko. . Pagagalitan ako BIGTIME!"
At pinagalitan nga ako.
BIGTIME!
True Story.
No comments:
Post a Comment