Monday, December 17, 2012

I Need To

Ayoko ng malungkot. Ayokong magsulat ng malungkot. Kasi ang iniisip ko pag once na nagsulat ako ng hindi kagandahan e yung negative vibes ay present. Since hindi ako nagbubura ng posts, yung negativity e mananatili sa blog ko.. Forever. At ayokong mangyari yun.

Parang ganito, sobrang hirap gumawa ng tag line. Ayoko ng negative. Parang..

"May uwak sa gabing madilim."

Pansin niyo? Sobrang bigat ng nasabi kong sentence! Uwak means death, Gabi means loneliness, and Madilim means lose of hope. Pero tandaan na ang lahat ng nasabi ko e, imbento ko lang. Hahaha. Pero gets niyo ko?

Parang ang "Ang Buhay Ay Isang Malaking Joke."

Wala kang makitang negative sa tag line ng blog na ito at wala ka rin namang makitang sense. Kasi ganyan lang ang buhay. Tulad ng inaral namin sa Brand Management, ang pag gawa ng tag line ay dapat "K.I.S.S."

Keep It Simple, Stupid.

Life is simple, we complicate it. Kaya kahit anong mangyari ang buhay ay nananatiling isang malaking JOKE.

- - -

Ngayon nasa stage ako ng buhay na kailangang gumawa ng mabigat na desisyon.

Ang mag-resign sa trabaho.

Bakit kamo? Kasi . . .

"Hindi ako na cha-challenge."

Wow? E kung challenging pala ang gusto ko e bakit hindi ako mag apply na security guard? Challenging yun! Biruin mong gising ka 24 oras? O kaya minero? Challenging yun! Construction worker? Challenging yun!

(Okay nakakatakot na, kausap ko sarili ko.)

Seryoso, ano ba talagang gusto ko sa buhay?

Ang daming tanong na napakahirap sagutin. Dinaig pa yung mga tanong nung panel namin sa Defense.

Basta ngayon ang alam ko lang, it is not for me.

Parang yung trabaho ko dito is my weakness. Parang sa TOWS Matrix, ang strategy na kailangan mong gawin pag natapat ka sa weaknesses and threats ay REORGANIZATION. Hindi mo na kailangan pang mag-isip ng iba pang strategy. Wag ka na mag-effort. Dead end na.

Perfect example, Gusto mong matutong mag-gitara. Kaso hindi ka blessed mabigyan ng malaking kamay at mahahabang daliri. Kaya wala na. Kahit gusto mo hindi mo magawa dahil weakness mo ang maliliit na daliri. Pero ang maganda dito may pag-asa pa. Mag-ukuele ka!

So yun ang point. There's hope. There's always hope.

So I am choosing to follow my dreams and do things that I am good at. I would also like to take this opportunity to say thank you for my family and friends for supporting me. I am hoping and praying na this decision is what God wants for me. Like what He declares in Jeremiah 29:11 ". . .plans to prosper you and to to harm you. Plans to give you hope and a future." AMEN!

Masakit man, ipapasa ko na yung Resignation Letter ko. Kahit super hirap sa akin magsulat ng negative... 'cause I need to.

No comments:

Post a Comment