Nitong mga nakalipas na panahon, nahilig ako sa Photography. Siguro kasi meron na kaming DSLR. Oo na, oo na, hindi ako professional, purket may SLR lang? Pero kahit pa paano, meron nga naman ako karapatang kumuha ng mas magandang pictures.
Dami ko ngang natututunan e. Hindi lang basta aperture o shutter speed o ISO. Natuto ako na bilang photographer kailangan mo mag-sacrifice. Mag-sacrifice dahil kailangan mong tanggapin na madalas sa mga pictures e hindi ka kasama (dahil ikaw ang madalas na kumukuha ng mga ito). Kung kasama ka naman, asahan mo na na hindi masyadong maganda ang kuha dahil minsan ang gumagamit ay hindi marunong mag-autofocus at medyo blurry.
Pero ang bright side dun e nakikita mong maganda ang mga kuha mo. Base na rin sa madugong pag-aaral at pagintindi at pag-adjust ng light at shutterspeed. Nakakatuwa kasi pag nakita nila yung picture nagagandahan sila at bilang proof, gagawin pa nila itong profile picture. Kaya ang masasabi mo na lang. "Wow, nagustuhan niya yung shots ko."
Pero alam niyo ba na may kwento sa likod ng bawat litrato? Papakitaan ko kayo ng mga examples.
Bago magdesisyon at sabihin ang mga salitang, "Tara picture-picture naman" e ito ang mga sumunod na nangyari. . .
![]() |
| @ Phase 5, Sto. Nino Photo taken by Me |
1. Itong picture na ito e kinunan ko kahapon. Na-tripan ko kasing magpa-picture ng 2x2 ng sarili ko. Habang nagpreprepare e hinanda ko yung camera. Well, gusto ko na rin kasing ibahin yung display picture ng Facebook ko.
Ang hirap niyang kuhaan kasi ang taas-taas ng tripod at hindi ko ma-focus sa sarili ko.
"Bakit kaya ayaw nitong mag-focus?", sabi ko sa isip ko nang biglang...
Squaeek! (parang plema lang, haha! Wag na kayong maano dahil hindi ko ma-spell yung tunog na ginagawa ng camera pagkumukuha ng picture!)
Tinignan ko yung kinalabasan ng picture at nasabi sa sarili, "Hmm pwede na nga 'to." At yay! May bagong display picture na rin ako sa Blogger!
![]() |
| @Cafe Ilang-ilang, Manila Hotel Photo taken by Tita Elvie |
2. Ito namang sumunod e sa Cafe Ilang-ilang ng Manila Hotel. Shy type ako pag nasa lugar ako na medyong pangmayaman. Kailangan mag-asal mayaman ka, english-english, at behave. Napakahirap!
Pagpasok ko nga dun sabi ko,"Hindi ako bagay dito."
Sabi ni Tita e ako naman daw ang picturan niya. Nahihirapan si Tita sa DSLR. Yun na ata ang most uncomfortable 8 seconds of my life (kita naman sa itsura ko). Ang dami ng nakapila para kumuha ng dessert at andun ako nagpapa-picture pa rin.
"Tita pakibilis. Click mo na. Click mo na."
![]() |
| Kim's 21st Birthday Celebration |
3. Kitang kita sa picture ang masayang alaala kasama ang mga kaibigan. Ang matatamis na ngiti at ang closeness kitang kita! Pero alam niyo ba na bago makunan ang picture na yan e nag-aaway-away kami. Bago makunan ang picture na iyan e makakarinig ka ng salitang nakakayurak ng moral at pagkatao. HAHAHA sorry ang OA.
"Ay! Hindi na ako nakita!"
"Umusog ka kasi doon!"
"E saan ako pwepwesto?"
"Aray! Aray! Naiipit naman ako!"
"Pwede ba wag na kayong mag-away?"
"Wag kayong magulo!"
Squaeek!
"Pwede ba wag na kayong mag-away?"
"Wag kayong magulo!"
Squaeek!
![]() |
| @ Caleruega Philppines Photo taken by Ton Reales |
4. Ito ay kuha sa Caleruega. Ito ang pinaka-struggle sa lahat ng picture na nakuhaan ako/kami EVER! Ang hihilig kasi namin. Pagtapos namin akyatin yung hill e naisipan namin humiga at magpa-picture. Alam niyo ba kung gaano ka-init ng panahong yun at gaano ka-tirik ang araw? Pagkatapos magpicturan e ayaw ko ng ulitin. It was like parang nabulag ako for 4 seconds! Well, pare-pareho naman kami ng na-feel. Last na yun. Pramis!
![]() |
| @ Derrick's House Photo taken by Tim Francisco |
5. Christmas Party namin ito nung 4th year college. Isa sa pinakamasayang araw dahil natapat din sa araw ng Paskuhan.
Siya si Danica. Ang ganda ano? In-anticipate ko na na may magtetext sa akin or magchchat na after mabasa itong blog ko e tatanungin, "Sino yung kasama mo sa picture dun sa blog mo?" Well, wag na mag-effort may boyfriend na siya! Sorry boys! Hahaha
Alam niyo ba kung anong iniisip ko dito?
"Hmm. Grabe! Nag-papa-picture siya ng solo kasi walang gusto sumama sa kanya. Kasi sa picture pag may tumabi sa kanya e nagmumukha silang pulubi at maitim (at mas maitim sa part ko)."
Obviously, mukha nga akong timawa dito!
![]() |
| @ Commerce Building Room 307 Photo taken by Jep Luy |
6. Ako at si Jam. Mukha akong basang sisiw jan dahil nag-crave ako ng Happy Fanshu at bumili pa ako sa Dapitan habang umuulan, actually bagyo yun e sa pagkakaalala ko. Wala namang masyadong istorya jan pero ang maganda e ang sumunod na picture sa ibaba!
Yung sumunod na picture ay ang perfect example ng "Ang Kwento sa Likod ng Bawat Litrato" LITERAL! Likod na likod! Ang cool di ba? Haha
- Harry Callahan -







No comments:
Post a Comment