Friday, December 7, 2012

Best Year Ever

Napansin ko lang. Bakit kaya wala akong Liham Pasasalamat nitong nakaraang birthday ko? Napansin niyo din ba? Hmm. Feeling ko hindi kasi ako nag-enjoy nung birthday ko. Actually, tinamad talaga ako magbirthday. Wala akong gana magplan. Pero excited ako. Oo, masaya ako kasi 21 years old na ako. Weeeeee! See kinilig ako niyan, kasi 21 na ako. Weeeee! Pero pero, wala talaga akong gana mag celebrate. Feeling ko dahil, best year ko ata itong 2012.

Since 2008, meron akong Liham Pasasalamat. Ito yung Thank You List ko sa lahat ng bumati sa akin, nagbigay ng gifts, at mag-appreciate sa lahat ng blessings. This time.. Iibahin ko ng kaunti. Gusto ko magpasalamat para sa buong taon ng pagiging 20 (twenteen) ko, dahil para sa akin... Ito ang best year ng buhay ko!

Twenteen years old ako nung narinig ko ang best words na pwedeng marinig ng isang tao.

"Ok, I will pass you.", galing sa Aristocrat Practitioner na nagpanel sa amin sa Thesis Defense.

Ito pa habang kumakain sa Asturias, over the phone, "Nasa list ka ng graduating students!" na galing naman sa isang kaibigan.

Narinig mo "Grace Jane S.D. Alcala" na binanggit ng prof para ikaw na ang umakyat ng stage at mag-shake ng hands ni Father OP nung Graduation Day.

At ang awesomest words na.. "Yes, you are hired.", galing sa boss ko ngayon.

Best feeling? Andito rin sa year na ito.
  • Yung feeling na present ka sa Neo-Centennial Celebration ng UST. Nanuod ng fireworks kasama ang best friends.
  • Yung feeling na masabihan ng compliments ng mga kaibigan noong Retreat sa Caleruega.
  • Yung feeling na experience mag-dorm na may mga gwapong kapitbahay.
  • Yung feeling na nakalabas na ng Arch of the Centuries.
  • Yung feeling na unang batch na naka-graduate sa QuadriPav.
  • Yung feeling ng panandaliang kilig.
  • At yung feeling na kumita ng sariling pera!
Ngayong taon din na ito marami akong nakilala. Una, sa Waterfront Philippines, Inc. Mga girl friends ko, OJT Buddies, (I miss them) na beautiful inside and out. Sa mga bagong kaibigan sa iba't ibang schools. Mga bagong kaibigan sa trabaho. Yung mga peeps rin na nasa iba't ibang probinsiya na may pagkakataon akong makilala. Mga tao sa MRT, yeah, included kayo! Haha kayo ang nag-chchallenge sa akin everyday!

Siyempre, hindi mawawala ang mas tumitibay na samahan ng pamilya at old friends. 

Ngayong taon finally natuloy din ang pinakaaantay kong Best Summer Ever. Dahil ngayong taon, nanggaling kami sa Norte (Ilocos Sur/Norte, Vigan, La Union, at Pagudpud at Windmills). Pati South ah! (Bicol Province, at ang Epic Mayon Volcano). Sobrang thankful kila Mama at Papa at napagbigyan yung matagal na naming hinihinging out of town!

Sa church din! Sa mga church-mates, sa Pastors and church leaders. Thankful ako kasi finally meron din kaming church na aattendan every Sunday. Sobrang masaya din ako na pinag-ppray nila ako pag birthday ko!

Sobrang masaya rin ako sa mas tumitibay na samahan ng mga kaibigan ko. Mapa-old friends from Grade School to College. At sa Rizal family, grabe. Sobrang happy ako for them sa mga achievements! Tapos nagtratrabaho na kami tapos sabay sabay umuwi at mag-overnight na matagal na matagal ko ng gusto ma-experience! Finally!

Speaking of overnight. Sobrang thankful ako dahil natapos rin yung unit namin sa Victoria Station 1 Condominium. Hindi hassle sa akin umuwi ng Sto. Nino AT nagagawa ko maginvite ng kaibigan for sleepover dahil hindi ako pwede matulog mag-isa. Ako na ang pinakamasayang tao sa mundo!

Highlights lang ito ng pagiging BENTEen ko. Haha sorry, ayaw ko i-let go yung pagiging teenager e. Pero ang saya lang talaga nung naging Twenteen, haha twenty na ako...

Kaya Lord Jesus! I want to thank you for all the blessings! You're so awesome e. Never ko na imagine na dadating yung araw na ma-experience ko ang mga bagay-bagay tulad ng mag-dorm, gabihin umuwi as in gabi ha, sleepover, umagahin dahil nasa The Fort pa, at marami pang iba. Konting antay lang pala. Thank you Lord! Sorry na rin sa limpak limpak na kasalanang ginawa ko ngayong taon. Hindi ko sila mabilang pero Lord, You still chose to forgive me. Lord, I want to receive more of Your love, forgiveness, and grace. Lord, you know the desires of my heart. Where I wanna be and who I want to be sa mga susunod na araw, buwan, at taon. Kaya Lord I'm asking for your guidance. Lead me always. Let your will be done. I am giving you back all the glory, honor and praises. In Jesus name, AMEN!

Twenty-one na ako. YEHEY! Sana next year "Best Year Ever" ulit ang title ng post ko.

:))))

1 comment:

  1. "Yung feeling na experience mag-dorm na may mga gwapong kapitbahay."
    Suskooooo.Si Brandon yung gwapong kapitbahay.Hahahahaha.:))

    ReplyDelete