Pag may bago akong blog lagi ko kailangan magpakilala. Dapat laging may introduction. Wala lang para makilala niyo ako, o malaman ko kung gaano ko na rin kakilala ang sarili ko. Okay. So ready?
Ako si Grace Jane S.D. Alcala. Weird pero S.D. talaga ang middle initial ko. San Diego. Tapos alam niyo ba? Ang most interesting trivia ng buhay ko e ang parents ko e kinasal sa Parokya ni San Diego de Alcala sa may amin sa Valenzuela. AWESOME!
Nung baby ako (PAALALA: mahaba-haba 'to) sabi nila 50-50 raw ako at nakakaawa. Seven months daw ako nung nailabas sa tiyan ni Mama e. Grabe. Kasya nga daw ako sa box ng sapatos saka kaya ako nun buhatin pamamagitan ng isang kamay lang dahil sa sobrang liit. Oh my! Para daw akong kuting ganyan. Hindi ko nga ma-imagine e. Pero ewan ko, simula ng magkaisip ako yun na ang kwentong naririnig ko kung kani-kaninong tao. Mapakapitbahay, kumare ng lola, kaibigan ni mama. Same at consistent ang mga kwento. Sabi ko na lang. "True Story".
I spent my childhood sa Coloong 2, Valenzuela City. Kung saan andun ang pamilya ni mama. Andun si Lola, mga tita at tito, pinsan. Super saya maging bata nun doon. Puro laro at laro at laro at laro lang. Tulad ng tex, pog, jolens, tatching, harangang dag, moro-moro, at family computer na dehipan. Unforgettable moment e yung pinagtripan ako ng mga pinsan ko at kinulayan nila ng pula yung bohok ko. Hindi naman sa spoiled pero marami kaming laruan nun. Meron akong kotseng kuba at brick house na Kiddie Tikes at 2 pang convertibles na sasakyan na depedal at inflatable swimming pool, in short mayaman ako noon. Noon, ang indoor playground ay langit. Noon, ang vitamins Flintstones. Ngayon, iPhone at iPad, Noon para maging masaya ka dugo, pawis, at dungis. Mas masaya di ba? Lalo na pag career at ambisyon mo maging Power Rangers balang araw.
Nag-aral ako ng Kinder sa SM. Saint Mary Montessori sa Valenzuela rin. Doon ko natutunan mag hugas ng pinggan, gumamit ng computer, magdasal na sana champorado ang next meal at ang best.. KARATE! Pero ewan, puro drills lang yun. At wala akong na-apply sa totoong buhay.
Lumipat kami ng bahay nung mag-eelementary na ako. Sa Meycauayan na. 40 minutes away sa Coloong. Ok lang. Maganda. Hindi bumabaha at may Jungle! Yung yung tawag namin dun sa palayan na mukhang jungle at every weekend we used to take a hike. Sobrang adventure pag nasa jungle. May hanging bridge na nung una mangiyak-ngiyak ako bago tumawid pero nung nasanay na every tawid ko, accomplishment at masasabi ko na lang "Freak Yeah!"
Nag-aral ako ng grade school sa TMCS. Team Mission Christian School. Mabait daw ako sabi ng marami. Siguro dahil yun sa nag-aral ako sa christian school. Rules are rules. Bawal tumapak sa yellow line (boundary ng school at rest house ng mga missionaries). Pag tumapak ka makakarinig ka ng mga bata sa paligid ng.. SUSPENDED! SUSPENDED! SUSPENDED! Bawal kumopya at magpakopya. Bawal magmura. Pag may napulot ka na something valuable e obligated ka na ipagtanong tanong ito sa lahat ng classrooms. Consistent honor student Grade 1-5. Ewan ko nung Grade 6, naniwala kasi ako noon sa horoscope na "Hindi makakapag-focus sa pag-aaral dahil sa mga kaibigan." Ayun, Top 12 ata na lang ako nung Grade 6. Sinasamba pala ako nun sa Chess. Dahil nung District Game ng BULPRISA ako lang ang nakapag-uwi ng medal. Silver Medal. Well. Ayokonalangmagsalita. Sobrang masayang mag-aral sa TMCS lalo na sa subject na Good Manners and Right Conduct tapos everyday may memory verse dapat. Sinong ayaw lumaki ng ganun? I feel so blessed na at the very young age nakilala ko na si Jesus Christ at tinanggap bilang Lord and Savior. AWESOME number 2!
High School. Wow ambilis! Pero wait. Alam niyo bang sobrang mahiyain ako noon? Like maiwan lang ako sa classroom at hindi makita si Tia Mereng sa labas e iiyak na ako at susuka? Yuck. Pero True. Ewan ko, binago ng High School ang buhay ko. Section Sampaguita, Pearl, Narra, Rizal. RIZAL? AWESOME number 3!
Friends are the bacon bits of salad bowl of life. Walang excitement kung walang friends. Sa buhay ko naman, mamamatay ka sa loneliness kung walang Rizal.
Sampaguita ako nun, first section. Blah blah blah. My reaction "O my God! Bakit ganto? Bakit napapariwara ng ganto ang mga tao?" Unang narinig ko sa kaklase na hindi ko pa masyadong close, "Grace pakopya!" O.My.Gosh! Para akong nakarinig ng pinakamalutong na mura sa tala ng buhay ko. Dignidad, respeto, moral.. Asan ka? Ako, galing sa christian school, NO CHEAT SINCE '95! Tapos pakopya? Para ko nung nasa Zoo na puro agresibo at mababangis na hayop ang nakakulong pero pagdating ng 2nd year, Pearlidots, nagbago ang pananaw at paninindigan ko sa buhay. Pag di ka nagpakopya.. GO TO HELL BEACH!
2nd Year, kung saan nagsama-sama ang pinaka-AWESOME na tao. At doon nag-umpisa ang pagkakaibigan. Hindi pa ako masyadong pala gala noon dahil hindi ako pwedeng magpagabi. All right! All right! I get it, since Highschool ganito na ako. Second year ko rin na-try na talaga ma-master ang pag commute! Felt so independent back then. Sinamba rin ako nun sa Table Tennis. Nakapapag-uwi ako District, BULPRISA. Medal. Silver Medal. Ayokonalangmagsalita. Favorite school activity ko ang Role Playing/ Reporting. At unforgettable piece ko ang "Mga Isdang Walang Nuggets".
3rd Year, kung saan nasubok ang pagkakaibigan. Narratots. Worst year for us. Algebra (well basta Math worse). MCSG issues. Blind Item issues at ang.. The Terror of First Subject Madness. Lumipat na kami sa Annex. Weee! Annex beybeh! Kasama na namin ang SSC, or so called Special Science Class. Pressure? Not so, but pressure sa section Molave.. Big time! Lalo na sa adviser nila? Big time! Kawawa naman kami noon. Lalo na talaga sa Terror of First Subject Madness. Ang code name namin sa room na yun, Horror House. First subject? Imagine. Pagpapawisan ka na feeling mo e P.E. siya? Pero hindi! Actually english class siya. Daming times na kinain ako ng buo ni Ma'am. Buong buo. Traumatized about a week. Sabi sa inyo e big time! Ayoko ng ipagpatuloy ang mapapait na alaala kaya let's get moving! Pero dagdag lang. Narra kami ng in-introduce namin ang Legendary "Urban Legend" feat. Emerga the Milk Glue. Urban Legend pioneer sa lahat ng short films. True!
RIZALISTA 07-08. Wow. Ze Best! Dami ng napagdaanan, dami na nangyari, dami ng masasayang alaala. Friendship? Lalong tumibay at tumatag! Sana nga di na matapos. Movie watching (Final Destination, SAW, Chainsaw Massacre), more Legend - - wait for it, wait for it DARY! URBAN LEGEND at more extra-curricular activities. Kung hindi niyo natatanong, palagi kaming nananalo. Kung di manalo 2nd. Well, madalas second. Pero okay lang. Alam namin we deserved more! Mapa-nutripop, speech choir (Mga Ate at Kuya ni Juan Dela Cruz), Extreme Dance, Poster making, Intrams at parang lahat na lang. By the way, madagdag lang. Ako ang Muse (not part-time) ng Backstaffers Club. Seryoso itong club na ito may Moderator kami :)
Hanggang ngayon magkakaibigan pa rin kami. Parang series sa TV na umabot na ng several seasons. Walang nagbago consistent FUN LOYAL LOVING sa isa't-isa. Best peeps in the world! True!
Okay napakwento ako dun ah? Shortcut na nga yun e! Hay next! College!
Wow. Nakapagtapos lang naman ako ng komersyo sa EspaƱa. Sa Royal, Pontifical, Catholic University of Santo Tomas. Love na love ko ang UST sobrang saya maging Thomasian. Lahat ng ka-bongga-han, present! Mala-world record biggest cross, Paskuhan, Neo-Centennial Celebration, makanood ng plays - AWESOME number 4! Softball? Best P.E. Ever! Sa sobrang best niya na-eexcite ako magtype pero hindi ko alam kung paano i-explain kung gaano yun ka-awesome! Baha experience. Wow iba talaga! Sobrang mahal ng sidecar, tatawid ka lang sa mala-ilog na Dapitan, 40 pesos?! Why U NO Lusong? Food trip? Ze Best! Mang Ed's Adobo Diablo, SEX (Sisig Express), Ate Yema, Wendy's tig-50php na burger, MILK TEA! Argh! Kagutom. Namiss ko tuloy ang USTe. Ang lastly, daming gwapo sa UST. Period!
So ito na ang totoong buhay. Focus tayo sa NOW. Si Papa, engineer. Si Mama, nurse. Kapatid ko estudyante. Ako ito pa-type type lang habang nasa trabaho. Merong nag-aantay sa aking aso, si Star, sa bahay at excited ng kainin ang next treat niya galing sa akin. Hindi ako makakabili ng ambisyosang treats niya kung wala akong trabaho. Yup may trabaho na ako at andun ako sa "Love what you do" stage. Operations Assistant, ayun bilang bilang ng boxes and encode encode. I hate math. I hate numbers. I need this job. I need it para makabili ng treats. Ambisyosang treats ni Star.
Ako ganto pa rin. Single. 18 years old (false!). Christian by heart and by mind. ENFP pa rin ang personality. Dami pa ring gusto sa buhay at madami pa ring gustong patunayan. Dami na rin naman natupad, ito naka-graduate, nagkatrabaho, painter na.. ng bakod, at alam ko marami pang mangyayari. Unti-unti na ring nagiging independent, praise God! Ito pa rin ako masaya at pala-tawa, joker (joke!), magician, master mind ng detective-detective game, scared sa snakes and centipedes and hipi-hipi gang, adventurer (challenge accepted: MRT Madness), at mananatili akong AWE.. wait for it, wait for it... SOME!
Mananatili akong magsusulat at hindi titigil na kilalanin pa ang sarili!
Maraming salamat sa pagbasa! Di ko expect na medyo napahaba ang introduction. HAHAHA
LIVE.LOVE.ROCK!
Yup! Ako na naman..
-Dace :)))
No comments:
Post a Comment