Friday, October 5, 2012

#goUSTE!

Last Saturday, nanood ako ng basketball game ng UST-NU ng LIVE. Lakas ng loob kong manood kasi alam kong malaki ang chance na manalo. Kasama ko si Jaypee. Sinamahan niya ako kasi ang pag-aya ko sa kanya e may "Libre ko." agad sa sentence. Walang isip-isip, pumayag agad siya kahit na medyo malayo at kahit hindi siya Thomasian.

Naisipan kong manood kasi buong taon ko sa college di ko man lang na-experience. Gusto ko talaga. Sa sobrang kagustuhan ko nga e talagang umabsent ako sa trabaho at gumawa ng lame na excuse e. Sorry, nagkaroon lang ako ng School Spirit kaya ko nagawa ang bagay na yun.

A day before, super worried ako kasi may balibalita na paubos na raw ang tickets. Damn. I thought may available pa mismo sa Araneta! So dahil maparaan ako, nagtext ako sa mga Thomasian Friends ko kung anu-ano ang iba't ibang paraan para makakuha ng tickets at isang advise ang sinunod ko. "Meron sa SM, Ticketnet Outlet." Mukhang totoo naman kasi nag-search rin ako sa internet, at Yeah! Meron nga daw Ticketnet Outlet sa Customer Service ng SM.

GAME TIME! I'm ready. Yellow, yes I was wearing Yellow. Kaso wala pa ring ticket. So, sabi sa internet 10:00AM bukas na ang SM. So maaga ako umalis. Deretso akong SM North-Edsa. 10:03AM dumating akong SM. Pinagtanong ko agad sa guard kung saan yung Customer Service. Sa Department Store daw. Good. Punta na ako dun. Naiinis ako kasi ang dami agad tao. Na-paranoid nga ako e, "What if lahat sila e nandito for tickets din?". No time to waste, nagmadali na ako.

Pagdating sa Department Store.

Me: Miss, dito po ba ako bibili ng ticket for UAAP, UST-NU.
Miss: Saan po yung game?
Me: Sa Araneta.
Miss: Ah sa Cinema po kayo pumunta. 2nd Floor.
Me: Ok, thank you.

Sheez, Cinema. Okay. Go!

Pagdating sa SM Cinema.

Me: Miss, dito po ba ako bibili ng ticket for UAAP?
Miss: Anong game po?
Me: UST-NU
Miss: Ah okay po. Wait na lang po kayo kasi 10:30 pa po dadating yung sa TicketNet.

(pagtingin kong orasan, 10:13 na)

Me: Ah okay po, tumatanggap po kayo ng ATM for payment?
Miss: Ay Ma'am, down po yung system namin para sa ATMs.
Me: Ah okay, siguro mag withdraw muna ako. Balik na lang po ako.

Oo, wala akong cash na dala. Kasi dahil madami pa akong pera na-save, willing ko i-take yung seat sa UpperBox A. P220. So dahil libre ko si Jayps, medyo hindi na aabot yung cash ko sa wallet. So next, maghanap ng ATM Machine.

Darn! Kung saan-saan ako naghanap ng ATM Machines. Badtrip. Napapagod na ako. Di tulad sa Trinoma, kahit saang sulok meron. Dulo pa ng SM ko nakita yung bangko ng BPI. Long line pa. What's wrong with this world? Guys, kalma. 10 pa lang ng umaga, bakit napakarami ng tao?!

Balik ako ngayon sa Cinema. HANGLAYO! Bago ko makarating meron pa akong nakitang Cinema sa ibang lugar. Ewan bigla na lang nag-appear so baka dito pwede ako bumili.

Cinema. (The other cinema)

Me: Miss dito ako bibili ng UAAP Ticket.
Miss: Ay Ma'am, sa department store po kayo pumunta sa customer service (WTF?)
Me: No. Galing na po ako dun, sabi sa Cinema raw po.
Miss: AH. Di po kasi kami nagbebenta ng ticket ng UAAP dito.

Dahil sa inconsistency ng SM di na ako nakipagtalo. Bumalik na lang ako dun sa unang cinema na pinuntahan ko na sinabi open na daw ang bentahan ng tickets ng 10:30AM.

Pagdating doon. Whooo! Ang daming tao, ano 'to field trip? I hate this day!

Me: Miss, UAAP tickets po.
Miss: Ay sa kanya po. (tinuro yung katabi niyang babae. This is it!)

May nakapila pa dun sa isang babae. Lasallian ata. OMG. This is it!)

Ang tagal ko rin nag-antay ng turn ko para ma-entertain ah.

Miss: Ano po sa inyo Ma'am?
Me: UAAP Ticket, UST-NU.
Miss: Ma'am, sa Business Center po kayo pupunta. (asdghjgfjkfhgsghalgflahl)

Di na ulit ako nakipagtalo at tinanong ko na lang kung saan yung linsyak na Business Center na iyun.

Pagdating doon.

Me: Ma'am, pabili po ng UAAP Ticket. (wasted)
Miss: Ay, Ma'am. Araneta po ba?
Me: Opo.
Miss: Ay hindi po kayo makakabili dito, sa Araneta lang po talaga kayo makakabili. (Kill me now!)

Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. 11:00AM na. Isang oras na lang game na. Aantayin ko pa si Jayps. Ano suko na?

Naglakad-lakad muna ako. Disappointed e. Ganun talaga. Tawag rin pala ako ng tawag kay Jayps na super late na. Last resort, sa Araneta na talaga tayo dederetso para makabili ng ticket. Walang masama mag-try. Kung wala na edi at least nagtry, kung meron pa. Praise the Lord!

Bumili ako ng corn at tumamabay sa Chatime. Putik. 12:00nn na wala pa si Jayps! mga 12:10PM siguro siya dumating. Go! Go! Go!

Nagtaxi na kami kasi inisip ko baka malayo pa yung lalakarin. Which is wrong move pala dahil super traffic! i hate this life! Kakamadali kahit malayo pa e bumaba na kami at keep the change na lang kay Manong Driver.

Oh. Ito na. Kinakabahan na ako. Last resort. Bumili ng tickets. Sana meron pa.

Kinabahan ako kasi nung nakita ko sa flash signs sa taas ng booth e. SOLD OUT. tapos biglang AVAILABLE. SOLD OUT tapos AVAILABLE ulit. Tapos parang ako... "Ay shet! Ubos na. Ay ayun meron pa. Ay shet. Ay ayun."

Pero para matapos na 'tong kalokohang 'to pumila na ako. YAY. Meron pa. UPPERBOX A kaso NU side. NO WAY. Yellow yellowish ang outfit ko tapos sa NU Side pa? No way. So ang binili na lang namin e yung Upper B. Meron ba nun? Basta ayun.

Praise the Lord kasi nakabili kami! Nakapasok! Nakaakyat sa taas. Naririnig ko na ang mga RAWR ng kapwa Tomasino. Iba yung feeling. Iba. Iba pag LIVE.

Nag-uumpisa na yung game nung nakahanap na kami ng seats ni Jaypee. Ito na!

Woooooo! Parang sa campus o sa building ko lang nakikita 'tong mga players na 'to tapos ngayon ito na. Naglalaro na sila. Hindi ko na alam kung ano pang i-ttype ko kasi sobrang hindi ko ma-describe kung gaano kasaya at kung ano-ano pang emosyon ang naramdaman ko nun.

Pag nakaka-shoot ang UST, lahat kami sa Yellow Side. Tayo lahat. Party! Kahit free throw pa iyun! Isang problema lang. Meron akong cheer na hindi ko pa gets. (Oo. SORRY! UST Hymn di ko pa kabisado. SORRY. E sa Go Uste lang yung alam ko na cheer e at Black Gold Black White e) 

Later on. Nalaman din namin ni Jayps. GO! DEFENSA! pala. Kala namin, GO! Let's Go! Hahaha sorry fellow Thomasians.

Lamang lamang naman kaya medyo kalmado ako. Pero sa tuwing lumamang naman ang kalaban lagi ko na lang sinasabi kay Jayps, "JPs, Uwi na tayo."

Pero buti. Hindi lumalaki ang lamang at nakabawi na talaga ang Tigers sa 4th Quarter. Medyo kinabahan ako sa last minute kasi kung pumasok yung 3 points ng NU. Yari na.

Ayun at nanalo na nga. Sobrang Saya. Sobrang worth it. Yung pagod para sa ticket, yung malayong view, yung di mo naintindihan na cheer, OKAY lang kasi FINALS na.

Ito na! UST-ADMU. Bring the crown back to EspaƱa. 
ONE BIG BITE!
GO TIGERS!
GO USTE!

3 comments:

  1. Benta ka!Hahahaha.At hindi yun Go,Defensa! O!Defensa! yun.Hihi.Anong cheer pa ang gusto mong malaman?:))

    ReplyDelete
  2. HAHAHA Sorry! Putek, hanggang sa huli mali pa rin pala yung cheer namin. Potek, parang hindi thomasian. Hahaha

    ReplyDelete
  3. Hahahahahahahaha.Okay lang yan.Next time,manood ka ulit para masaya.:))))

    ReplyDelete