ODK. Ang tagal ko nang hindi nagsulat. Pero tulad nga ng sabi ng prof ko dati, writing is not for others but for yourself. But this time, it's for you, HZ. <3
dashes ---
SKL. Everytime na tinatanong kita kung ano gusto mong gift, lagi ko wini-wish na sana wala hahaha kasi una sa lahat hindi ako ma-gift na tao. Pangalawa, hindi rin ako makaka-isip ng kung ano ang bibilhin. Baka siguro kasi pag ako... ayoko din na binibigyan ng regalo kasi for sure mawawala ko 'yon. And in-assume ko na baka ganun din yung mga tao (minsan). Pero baka ako lang? Ay ewan basta. Basta ako ito, feeling ko best na matanggap pa din na regalo yung kakaiba. And para sa alam mo, lahat ng malalapit sa akin, eto ang binibigay kong regalo tuwing birthday nila... kwento.
dashes --- (2)
Paano ba tayo una nagkakilala? Hmm basta ang natatandaan ko lang 'yun panahon na 'yun yung pinaka-busy ko dahil kalilipat ko lang ng role. Yung tanging pahinga ko lang yung pag iihi ako. Tapos naalala ko sabi nila, andiyan daw sa office yung new hire sa loob loob ko, bakit di ko kasama sa room? E teammates naman. Tapos naisip ko uli. Ay, may pandemic pa din naman kasi. Mukha pa naman akong sakitin.
Pero na-try ko yung best ko na puntahan ka kahit bUsY ako. Kasi ayoko na ma-feel niyong mga bago na ma-out of place kayo kasi alam ko din yung feeling nang naging bago. Nung nakita kita hahahaha alam mo naman homeless. Hahahaha
Alam ko talaga na magkakasundo tayo. In a way na parang nakita ko yung sarili ko sayo. At ayun nga, hindi ako nagkamali. Hahaha nagkasundo nga tayo.
Nakita ko yung sarili ko sayo. Dahil nakita ko na mabuti ka din na kaibigan. Ok din akong kaibigan (alam kong hindi dapat manggaling sa akin), pero sure ako na ganon ako. Kasi yun ang sabi ng mama na ok lang na maging mahirap kami basta mayaman kami sa kaibigan. At nakita ko talaga na ganon ka din. Inuuna mo yung iba kesa sa sarili mo. Tina-try mo intindihin lahat kahit 'di ka makatulog. At willing kang tumulong lagi kahit sarili mo 'di mo matulungan minsan.
Gusto ko din pala yung ang dali dali sayong mag kwento. Hindi ako open na tao dahil ini-expect ko masyado kong magulo and ang ending walang maka-intindi sa akin pero hindi ko alam bakit sa'yo ang dali mag-open. Madalas kasi wala kang sagot and makikinig lang. I think 'yon yung kailangan ko.
Alam mo naman na alam ko na na matagal mo na ko gusto di ba? Hahahah iniisip ko lang talaga 'non na eventually magbabago ka and ma-realize mo hindi ako. Kaya ayun, pinakita ko lang yung true self ko na homeless, never consistent, makakalimutin, at ang dumi dumi (dugyot like Giraffe). In-expect ko na lalayo ka pero 'bat (BAT) mas lalo ka lumalapit? Siguro gusto ko din yung alam mo talaga kung ano ang gusto mo.
Lagi ko sinasabi sa mga kaibigan ko na walang tao na titingin sa personality at first. Laging appearance muna. Pero gusto ko yung sinabi mo na gusto mo ko because iba ako sa lahat. And nung sinabi mo yun i was like uwu. Kasi ganon ko gusto makita ng mga tao. Alam ko majority will prefer the normal but sinabi mo na weird ako natuwa talaga ko hahaha uwu bb <3
Ang tagal ko naghanap ng someone na laging kasama. Hindi mo lang alam pero sobrang masaya ako everytime na um-oo ka sa mga gusto ko gawin like mag bike, mag Ninja Warriors, mag BR sa COD, mag jogging, manood ng romcom, maglinis ng condo, kumain sa masarap, i-walk si Star, magpick up ng damit sa Pandi at bumili ng airfryer (oo natatandaan ko lahat). Sobrang thankful ako sayo na ginagawa mo 'to for me kahit hindi pa ako masyado for you. Pero sabi mo naman na ganto talaga pero gusto ko din sabihin sayo na i'm trying. Sana hindi na ko makatulog sa next movie na i-recommend mo. hahaha asan ba yung kutsilyo?
Alam mo? (sasabihin mo "hindi pa" awit ka) Lagi ko sinasabi na maganda hands mo. Kaya siguro kita hinawakan (wait, hindi dahil sa maganda ah).. hinawakan ko hands mo kasi alam kong hindi mo ko bibitawan. Sinasabi ko din na gusto ko yun eyes mo hindi sa itsura (oo sorry mali ako ng color na sinabi) kundi gusto ko yung eyes mo kasi gusto ko yung kung paano mo ko tignan. Para kasi nakikita ko na lagi mo ko gusto i-protect and i tell you na walang nagtrato before sa akin ng ganon.
Sana alam mo na thankful ako sa'yo. Na nagkita tayo kahit na pinaka-rare type ang INFJ and hindi compatible ang Taurus and Sagittarius hahaha! Ang wish ko lang sana hindi ka magbago and 'wag mo ko iwan tulad ng ginawa ng lahat (oh there, there).
You inspire me, HZ. Sabi ko kanina na nakikita ko sarili ko sa'yo pero parang ang gusto ko na ngayon e mas maging katulad mo... na laging andyan sa masaya and hindi masyadong masayang mga araw. Sorry pala sa mga bagay na hindi ko pa mabigyan ng sagot, pero dadating tayo don. Ok? HZ, lagi mo tandaan na andito ko lagi for you. Kampi tayo sa lahat din ng mga araw na masaya at hindi masyadong masaya :)
Excited ako sa mas marami pang kwento kasama ka.
Happy birthday my First Time Right <3!!!
Love forever and always,
GR
