Tuesday, December 21, 2021

Secret Santa - Les

Les, hindi ako marunong mag-drawing!!!

Sabi ni Su kahit anong creative form pwede, marunong ako magsulat kaya ang regalo ko sa'yo ay blog. Sana okay ka lang 'don. Pero wala ka din naman choice. Hahahaha

- - -

Hi, Les! As isa sa newest member ng Coffee Team. Madami akong masasabi and masusulat. Kaya mag-ready ka mahaba 'to.

Alam mo ba na hindi dapat ako aattend nung interview mo dahil I am not really a fan of Fresh Grad? Because kami? Napagdaanan namin yan eh and feeling ko ito na yung time ko gumanti. Alam mo yun? Dumating sa life namin na hindi kami makapasok sa trabaho dahil hindi daw enough yung experience namin. Sa tingin ko nung fresh grad ako, mga 10 companies yung napuntahan ko bago ko ma-hire.

So sabi ko, "Ito na talaga ang chance ko maghiganti."

Pero ewan ko ba, napa-attend ako sa interview mo feeling ko dahil may tinataguan akong market that time? hahaha!

So ayun, nung naka-usap kita in fairness. Well prepared ka. And alam mo kung anong sasabihin. Kala ko pa naman baby ka pa in real life. Hahaha kaya ang ending sabi ko kay Manuel, "Sige bigyan natin ng chance ang fresh grad, but if okay. 'Di na tayo mag entertain ha. At hindi na talaga ko a-attend ng interview." hahahahaha

So welcome to your first job, Les! Kamusta naman so far? I hope nag-eenjoy ka. Wala kasing makakalimot sa first job. Parang first love yan. Kasi ganon ako 'non.

Alam ko lahat ng feeling. Yung feeling nung lost ka baka 'di ka makasabay tapos need pa makipagkasundo sa madaming tao na may iba't ibang personalities. In short, mahirap. Lahat ng umpisa mahirap, Les. 

I hope you gain experience dito sa Nestle because it is not just-just. It's Nestle. Swerte ka nakapasok ka agad! Well, hindi pala swerte, you deserved it. Ako kasi malas. Hahahaha marami akong dream companies na hindi ko napasok at nanatiling dream na lang. So I need to work extra hard para maabot yon. Ikaw andito ka na. I hope you learn a lot. Yung term nga ng matatanda is "gatasan mo", lahat nang pwede matutunan alamin mo. Huwag ka mag settle sa self-learn, hanap ka ng mentor mo here at gawin mo inspiration 'yon para maging kagaya mo sila balang araw. Hay alam mo, ito yung mga bagay na gusto ko sabihin sa sarili ko 'non nung first job ko din.

Alam ko madami kang pangarap and for you to achieve it, ang number 1 na kailangan mo gawin ay 'wag mag madali. Dadating lahat in perfect time.

'Wag ka rin pakamatay. Find balance. Ang electric fan pag laging nasa 3, madaling masira. 'Wag kang masira please. Hinay-hinay lang tayo, wala tayong kalaban. Gawin nating masaya 'tong journey ng una mong trabaho! Because if it's not fun, what's the point?

May times na mapapagod ka. Maiinis. Bakit ba ko nag-apply dito sa Nestle? Ang kupal pa ng PM ko. Hahaha believe it or not dadaan ka sa ganto. Kasi lahat nagbabago. Pero lagi mo tandaan na walang trabahong madali. If madali yan, lahat ginawa yan. Tandaan mo na "Pag madali walang kwenta."

Okay lang mahirapan minsan kasi ito yung mag-shape sayo. If nahirapan ka ngayon, sa next mong path, hindi ka na mahihirapan kasi ibig sabihin naging maganda ang training mo and naging strong ang foundation mo.

So I will end this by saying, I hope Nestle will not become a bus stop to you. Sana maging mahabang journey siya for you na you will find meaning and motivation everyday.

Always love what you do, Les. I'm always rooting for you!

Make us proud! Merry Christmas!!!

-GR

No comments:

Post a Comment