Sunday, December 15, 2019

Papuntang Almost

"Magsusulat ako ng tungkol sa'yo, para hindi kita makalimutan."

- - -


Bata pa lang tayo nung unang magkakilala. Literal na mga bata. Noon na walang smartphones kaya walang ibang ginawa kundi mag-isip ng mga bagong laro, mag-aral, ma-bully, magsabihan ng mga secrets-"daw".. na later on mabubunyag, tapos malalaman ko na crush mo daw ako.


Super weird. Cringing yung madinig o mabasa na meron nagkakagusto sa akin. Pero mas natuwa ang puso ko nung nalaman ko na crush mo daw ako dahil mabait ako.


Pwede pala yun. Pwede ka pala magkagusto sa isang tao hindi dahil sa maganda ito, mayaman, maputi, matangkad.. basta hindi dahil sa panglabas na itsura. Nakakatuwa. Nakakatuwa dahil parehas tayo ng gusto sa isang tao.


Oo, aminin ko na rin. Crush din kita noon, pero pakshet na sistema, hindi ko pwedeng sabihin dahil walang babae na unang umaamin.


Nag-highschool tayo. Lumipat na ng iba't ibang schools. Naghiwahiwalay, pero kahit pa paano, naghiwalay tayong magkaibigan. Nauso ang Friendster. Hinanap kita. Ako ang una nag-add sa'yo. Gusto kita kamustahin pero 'di ko pa din magawa dahil sa takot na baka nakalimutan mo na ako.


Lumipas ang maraming taon, nag-college. Nagkaroon ka ng girlfriend, na nakita ko sa'yo sa social media (and Facebook na rin ata nun). But what really sucks is that, taga-UST din 'yun. Bakit hindi na lang ako? LOL. Pero paanong ako, ni-kamustahin ka, hindi ko magawa.


At doon natapos lahat. Kinalimutan kita (totoo ba?) OO! Totoo. Dahil nagkaroon na tayo ng sari-sariling trabaho. Naging busy ako nang sobra pagsabayin ang masters sa La Salle at work sa CDO. Sobrang busy mula sa pressure na binibigay ng buhay personal man o sa trabaho pati sa pag-aaral. 


Pero bakit ganun, yung oras na wala na kong oras para isipin ka e bigla kang.. Bigla kang dumating. And bigla kang nagparamdam?


Bakit ngayon lang? Pero masaya ako na noong nasa proseso akong makalimutan kita e ikaw pala itong hindi nakalimot. Masaya na yung crush mo, e naging kaibigan mo uli. Nagkamustahan tayo at nagkita. Nanood ng UAAP magkasama kahit di natin alam saan tayong side kakampi dahil parehas akong nag-aral sa UST and DLSU. Lagi tayo magkausap. Masaya kang kasama. Okay naman tayo. Pero bigla ka na lang nawala.


Oo. Nawala ka. Nawala na nang walang pasabi. Kung uso ang ghosting nun. Kasali ka sa group nila.

Na-hurt ako ng slight, dahil magkaibigan tayo. Ano lang naman ba yung magpaalam 'di ba?

Nalaman ko eventually na nagtrabaho ka pala abroad. And doon ko na realize na, okay na. Kalimutan na talaga kita for real. Tanggap ko na. Dati ko pa man din sinabi ko sa sarili ko na ayos na akong mag-isa. Tinanggap ko na yun noong moment pa lang na nonood ako ng Paskuhan fireworks mag-isa. In a sea of people, sa gitna, nag countdown. Oo, andun ako sa gitna. Teary-eyed and ang nabanggit ko lang e "Ang ganda."


Maganda talaga. At masaya mag-isa. I realized na hindi natin kailangan ng someone if meron ka naman Starry and hindi ka nagkukulang ng pagmamahal ng pamilya at mga kaibigan. At doon ko tinatag ang samahan ng mga mamamatay mag-isa. This is for everyone na sinaktan, niloko, at iniwan nang walang paalam.


I was so hurt na sinabi ko sa sarili ko, Never Again. Please, gusto ko na malaman mo na hindi ako galit sa'yo. Galit ako sa realization na baka hindi na kasi talaga tayo bata na magugustuhan natin ang isang tao dahil sa mabait ito. And feeling ko, if you want to find the attributes of being beautiful sa akin? Good luck na lang. I wear what I want to wear. I don't do make up. Don't wear dresses. Wala akong skin care routine sa gabi. Hindi lang talaga ako yun and hindi ko kailangan mag explain why I'm not.


Tinuro ko sa sarili ko na hindi natin kailangan mang-impress ng tao. I know there's still someone that will like you for who you are and not what you look like. And sa tingin ko, konti lang sila. Hahaha and hindi ko pa nakikita.


Nakalipas ang 5 taon. Ang daming nabago. Nabago for good. Tapos.. Hindi ko alam. Bumalik ka.


That "HI" last June at 11:43am. One word, shookt. Hindi ko alam gagawin ko. I even messaged my best friend while she was doing her Lazada live segment.


Bakit na naman? Pero inisip ko. Happy thoughts lang. Baka naman meron siya new business, and gusto niya mag promote? Insurance?


Natagalan ako mag-reply. Pero dahil naisip ko na labag ito sa personal values ko.. well, ang asset ko kasi eh nagrereply within 3 seconds haha. Eh, nag-"Hi" back na rin ako.


And ang dami na kwento ang sumunod. Sinabi mo nung umalis ka 5 years ago, hindi ka nakapagpaalam dahil na-block lahat ng social media accounts mo. Well, hindi ko in-expect na mag-eexplain ka sa akin. Tapos ang nakakagulat pa sa lahat eh, inaya mo ko for lunch that weekend. That's weird. I told my friends na lunch out lang yun at hindi date.


Dami pang lunch out ang sumunod. Even after work, nag dinner tayo. Kung saan-saan. Sa favorite ko, sa favorite mo. We had a really good time. Pero favorite ko sa lahat yung nag lugaw tayo after jogging with Star. 


Pinipilit mo ako pumunta sa church, kahit alam mo ang reason na hindi na ako religious.

I find it cute, pag nag kwekwento ka, because you worry too much.
Nagulat pa ako nung sinabi mo na pupunta kayo ng barkada mo to La Union, e andun din ako. Buti na lang di natuloy hahaha
Di ko din ma-imagine bakit sobrang favorite mo yung Taro Milktea.
I cried nung nag-goodbye ka kay Thor, kasi because you'll work overseas. Mas gusto mo na mas maaalagaan siya ng new owner niya.
Tawang tawa naman ako nung we talked about How To Save Money tapos biglang may bata na nanlilimos ng pera natin.
At madami pang ibaaa.

Sabi nga ni Kevin sa akin, "kayo na ba?" tapos muntik ko mabuga yung milktea na iniinom ko.


Hindi ko masagot dahil di naman tayo umabot dun sa ganong confirmation.

Walang tanong kung ano bang meron. Sa tingin ko, yung mga lunch out natin e mananatiling lunch out lang at walang ibang meaning
Siguro kaya hindi ako nagtatanong kasi...
alam ko at alam mo na sa bandang huli na aalis ka din.

At umalis ka nga. Pero this time nagpaalam ka. Masaya na ko dun.


Sabi nila, kahit pa paano daw ba umasa ko? Sabi ko, "Hindi." Na walang pangaalinlangan. Kasi hindi na ako aasa kasi ayoko masaktan. Kailangan kong hindi umasa, at least pag nawala ka.. Nalungkot lang ako at hindi nasaktan.


Sabi nila, gusto mo ba siya? Alam mo kung ano ang lagi kong sagot?

"Una pa lang, ikaw na."

I always taught myself na if meron kang gusto. Gawin mo lahat ng magagawa mo para makuha mo yun, kasi pag di mo makuha ibig sabihin hindi mo gusto masyado.


Pero pwede ko bang sabihin na...

Ikaw lang yung gusto ko na hindi ko makuha?

No comments:

Post a Comment