First love ko ang magsulat dahil pangarap kong maging professional storyteller. Natigil lang kasi hindi ko kayang i-control yung emotions ko, nag-iisip pa lang ako ng topic, naiiyak na ko sa jeep. Kaya ako tumigil. Kaya lang sabi nila, pagmahal mo, babalikan mo. Pero sa case na ito, dahil wala akong pera, mas bagay ang pag mahirap ka, magsulat ka. At dahil birthday ng isa sa pinakamalapit kong kaibigan eh, ito lang muna ang kaya kong ibigay, kwento.
——-
Noong nasa cdo pa ako. Sabi ko talaga sa sarili ko, ayoko na magkaroon ng kaibigan sa Sales, kasi lahat sila umaalis, lahat sila nang-iiwan! Sila Teck, si Gabbie, si Pao. Lahat nag-alisan! Alam kong normal lang ‘yun. Ang hindi ko alam at hindi ako na-inform na pati pala sa trabaho, kailangan magpaalam. Kala ko dati sa highschool and college lang. So sobra akong nasasaktan kasi ganun ako ka-clingy. Nag-question na rin ako sa sarili na feeling ko may mali sa akin. HAHA Kaya sabi ko talaga, ayoko na magkaroon ng kaibigan sa Sales.
Isang araw, kinausap ako ni Kris Lee, dahil meron siyang new hire. And yung new hire naka-one week na, wala pa din ganap, wala pa din ginagawa. Nung kinausap niya ko para akong si Bea, Bakit ako? Bakit parang kasalanan ko? Sabi ko na lang sa kanya, “Luh? Hindi ko nga alam na meron pala tayong bago.”
Isa lang ang sure, may problema na dapat ayusin. Kaya ang sabi sa akin ni Kris Lee, “Ganito, kausapin mo yung sa HR. Mag align kayo, from hiring to onboarding. Meron dun yung Sofia, magaling ‘yun.”
Naisip ko na lang, ay may magaling pala dun? HAHAHA joke lang.
So sinunod ko si KJLee (malakas yun sa akin eh). So ako na bida bida, bumaba sa HR. Hinanap si Sofia.
Sorry di ko na maalala. Baka mali script ko, pero dahil may photogenic (!) memory ako, 80% accurate ‘to.
“Hi, ikaw ba si Sofia? Hi, ako si Grace sa Sales.”
Gagooo mukhang masungit! Pero nilakasan ko loob ko, andun na ako eh. Umupo ako dun sa inuupuan ng mga applicants.
“Hmmm, pwede magtanong about sa process ng pag-hire natin sa Sales? . .”
Dun na nagstart, tapos sinabi ko sa kanya nun na ako na ang kakausapin niya lagi regarding sa mga interview schedule, kasi gusto ko gumaan yung trabaho niya kasi may feeling ako na minsan hindi napapansin ng mga boss namin yung email niya, kaya baka nahihirapan siya magset ng interview. Also, dahil bida bida nga ako.
Kaya nung sinabi ko na ako na LAGI ang kakausapin niya regarding dun, e totoo nga pala na LAGI, araw-araw. Napakadami pala talaga! Hahahahaha pero imbis na sabihin ko “ano ba itong napasok ko.” Ang nasabi ko na lang e, “Sa HR na lang ako hahanap ng new friends.”
Sooo madali ko nakasundo si Sofia, na later on tinawag kong Sof dahil pag kaibigan ko lagi dapat may nickname. (eg Mycks, Carls, Seatmate, Ayi, Kevs, Exwyeth, etc). Naging friends kami agad kasi LITERAL NA ARAW ARAW kami magkausap! Gusto ko din tumambay sa office nila, dala ko pa laptop ko, e ang paguusapan lang naman namin, e mga bagay like, “bakit sinulatan ni Chee Chee yung harap ng planner mo?” HAHAHA
SO PAG NAWALA AKO SA WORK AREA SA SALES. Alam na ng mga tao na nasa HR ako. Pero, excuse me? Ayaw niya din naman kasi umakyat! Ako lagi inuutusan! Nakakatawa na pag bumababa ako sa hagdan, alam na agad nila na ako ‘yon, kasi maingay yung paa ko lagi.
Alam ko na sobrang maasahan na friend si Sof kasi yung time na sinabi ko, “Sof, di ako makauwi sa amin, baha. Pwede ba magsleep sa inyo?”
Gago biglang um-OO?! Isang sabi ko lang?! Kila Ate Marie na sana ko nun kasi nahihiya din naman ako (wuw?) kaso inantay pa nila ko ng Daddy niya sa labas. HUHU thank you Sof, di ko makakalimutan.
Oo, at hindi ko talaga makakalimutan yung araw na ‘yun! KASI YUNG ARAW NA YUN SINABI NIYA NA MAY INTERVIEW SIYA SA JOLLIBEE!
Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot kasi sabi ko nga, “Hahanap ako ng new friends, yung hindi mang-iiwan!” Tapos biglang, hindi siya papasok bukas dahil may interview siya?! HUHU
So absent siya kinabukasan, pero hinatid pa din nila ko sa CDO. HAHAHA. Alam kong matatanggap si Sof kasi magaling siya. Pero potek ang lungkot na naman! Kaya narealize ko na, baka it’s time for me na din na mag-explore. Alam ni Sof, totoong reason ko for leaving CDO, pero isang factor din yung pag-alis niya. So, kaya din siguro kami naging magkaibigan kasi, halos sabay namin naranasan mga bagay-bagay, at parehas kami ng pinagdaanan. Siya sa JFC, ako din nagkaroon ng offer sa Nestle.
Very supportive namin sa isa’t isa, na tinutulungan niya ko sa interviews ko, and ako, sinamahan ko pa siya sa JFC. Mula sa last week niya sa CDO na sobrang beastmode and ayoko na natatakot ako, wag na natin pag-usapan. Hanggang sa tuluyan na siya umalis. And ako din, na last week ko sa CDO, alam ko yung hirap (beastmode din like Sof), and yung tuluyan na din ako umalis.
Kala ko dati, pag di na kayo magkasama, mawawala na din yung friendship pero iba sa amin ni Sof. May time ata na every weekend ako nasa kanila (pag wala siyang gala). Hindi na nga ko tinatanong ng lola niya, bakit na naman ako nandun eh. Isa lang ang sure na mas naging friends kami ni Sof, nung wala na kami sa CDO. And ang saya lang ng ganun.
Sof! Sorry hanggang kwento lang ako, hindi ko mabibili mga gusto mo hahahaha, pero gusto ko alam mo na sobrang thankful ko sa friendship natin na hindi ako makapaniwala na 1 year pa lang! Hahahaha kaso ngayon wala na reminder kasi 'di na tayo friends sa Facebook. Sa totoong buhay na lang tayo friends. Lagi pa din ako pupunta sa inyo ha (actually wala ka naman talaga choice), tapos manonood tayo ng Netflix, pero bawasan natin manood ng horror kasi parang nagigising ko na mga kapitbahay, kaso naisip ko pala pag di horror, nakaka-sleep me. Hmm? Basta lagi nasa isip ko, pag nagugutom ako and walang baon kinabukasan, sa inyo ako pupunta! Thank you, Tita, sa mga pabaon!
Yung sabi ko na literal na sabay tayo sa mga pinagdaanan sa life e even before CDO pala. Kaya lagi ko tanong, “Bakit sobrang parehas tayo?” Thank you sa pag share mo sa kwento mo kasi mas na-realize ko na, shit happens. hahaha and inisip ko, kung kaya mo, kakayanin ko din. Mas matapang ka nga lang sa akin ng konti. Wuw?
Hindi na ako ganun ka-religious pero ngayong araw, I pray na matupad mo lahat ng pangarap mo sa sarili and sa family, magka-boyfriend (haha), and palaging maging masaya at konti lang yung araw na malungkot.
Pero kung malungkot man, okay naman ma-feel yun and umiyak. Pero sabi mo sa akin, pag sinabi mong okay ka, okay ka (at wag na ko makulit and magtanong).
. . Pero pag dumating yung time na hindi na okay, alam mo na lagi ako nandito for you, tulad nang lagi ka nandiyan for me.
Happy happy birthday Sofi! Ikaw ang favorite kong kaibigan (kahit pa ‘di ako favorite mo).
From your isip-bata but talented friend..
Love you forever and always!

No comments:
Post a Comment