Sunday, December 15, 2019

Papuntang Almost

"Magsusulat ako ng tungkol sa'yo, para hindi kita makalimutan."

- - -


Bata pa lang tayo nung unang magkakilala. Literal na mga bata. Noon na walang smartphones kaya walang ibang ginawa kundi mag-isip ng mga bagong laro, mag-aral, ma-bully, magsabihan ng mga secrets-"daw".. na later on mabubunyag, tapos malalaman ko na crush mo daw ako.


Super weird. Cringing yung madinig o mabasa na meron nagkakagusto sa akin. Pero mas natuwa ang puso ko nung nalaman ko na crush mo daw ako dahil mabait ako.


Pwede pala yun. Pwede ka pala magkagusto sa isang tao hindi dahil sa maganda ito, mayaman, maputi, matangkad.. basta hindi dahil sa panglabas na itsura. Nakakatuwa. Nakakatuwa dahil parehas tayo ng gusto sa isang tao.


Oo, aminin ko na rin. Crush din kita noon, pero pakshet na sistema, hindi ko pwedeng sabihin dahil walang babae na unang umaamin.


Nag-highschool tayo. Lumipat na ng iba't ibang schools. Naghiwahiwalay, pero kahit pa paano, naghiwalay tayong magkaibigan. Nauso ang Friendster. Hinanap kita. Ako ang una nag-add sa'yo. Gusto kita kamustahin pero 'di ko pa din magawa dahil sa takot na baka nakalimutan mo na ako.


Lumipas ang maraming taon, nag-college. Nagkaroon ka ng girlfriend, na nakita ko sa'yo sa social media (and Facebook na rin ata nun). But what really sucks is that, taga-UST din 'yun. Bakit hindi na lang ako? LOL. Pero paanong ako, ni-kamustahin ka, hindi ko magawa.


At doon natapos lahat. Kinalimutan kita (totoo ba?) OO! Totoo. Dahil nagkaroon na tayo ng sari-sariling trabaho. Naging busy ako nang sobra pagsabayin ang masters sa La Salle at work sa CDO. Sobrang busy mula sa pressure na binibigay ng buhay personal man o sa trabaho pati sa pag-aaral. 


Pero bakit ganun, yung oras na wala na kong oras para isipin ka e bigla kang.. Bigla kang dumating. And bigla kang nagparamdam?


Bakit ngayon lang? Pero masaya ako na noong nasa proseso akong makalimutan kita e ikaw pala itong hindi nakalimot. Masaya na yung crush mo, e naging kaibigan mo uli. Nagkamustahan tayo at nagkita. Nanood ng UAAP magkasama kahit di natin alam saan tayong side kakampi dahil parehas akong nag-aral sa UST and DLSU. Lagi tayo magkausap. Masaya kang kasama. Okay naman tayo. Pero bigla ka na lang nawala.


Oo. Nawala ka. Nawala na nang walang pasabi. Kung uso ang ghosting nun. Kasali ka sa group nila.

Na-hurt ako ng slight, dahil magkaibigan tayo. Ano lang naman ba yung magpaalam 'di ba?

Nalaman ko eventually na nagtrabaho ka pala abroad. And doon ko na realize na, okay na. Kalimutan na talaga kita for real. Tanggap ko na. Dati ko pa man din sinabi ko sa sarili ko na ayos na akong mag-isa. Tinanggap ko na yun noong moment pa lang na nonood ako ng Paskuhan fireworks mag-isa. In a sea of people, sa gitna, nag countdown. Oo, andun ako sa gitna. Teary-eyed and ang nabanggit ko lang e "Ang ganda."


Maganda talaga. At masaya mag-isa. I realized na hindi natin kailangan ng someone if meron ka naman Starry and hindi ka nagkukulang ng pagmamahal ng pamilya at mga kaibigan. At doon ko tinatag ang samahan ng mga mamamatay mag-isa. This is for everyone na sinaktan, niloko, at iniwan nang walang paalam.


I was so hurt na sinabi ko sa sarili ko, Never Again. Please, gusto ko na malaman mo na hindi ako galit sa'yo. Galit ako sa realization na baka hindi na kasi talaga tayo bata na magugustuhan natin ang isang tao dahil sa mabait ito. And feeling ko, if you want to find the attributes of being beautiful sa akin? Good luck na lang. I wear what I want to wear. I don't do make up. Don't wear dresses. Wala akong skin care routine sa gabi. Hindi lang talaga ako yun and hindi ko kailangan mag explain why I'm not.


Tinuro ko sa sarili ko na hindi natin kailangan mang-impress ng tao. I know there's still someone that will like you for who you are and not what you look like. And sa tingin ko, konti lang sila. Hahaha and hindi ko pa nakikita.


Nakalipas ang 5 taon. Ang daming nabago. Nabago for good. Tapos.. Hindi ko alam. Bumalik ka.


That "HI" last June at 11:43am. One word, shookt. Hindi ko alam gagawin ko. I even messaged my best friend while she was doing her Lazada live segment.


Bakit na naman? Pero inisip ko. Happy thoughts lang. Baka naman meron siya new business, and gusto niya mag promote? Insurance?


Natagalan ako mag-reply. Pero dahil naisip ko na labag ito sa personal values ko.. well, ang asset ko kasi eh nagrereply within 3 seconds haha. Eh, nag-"Hi" back na rin ako.


And ang dami na kwento ang sumunod. Sinabi mo nung umalis ka 5 years ago, hindi ka nakapagpaalam dahil na-block lahat ng social media accounts mo. Well, hindi ko in-expect na mag-eexplain ka sa akin. Tapos ang nakakagulat pa sa lahat eh, inaya mo ko for lunch that weekend. That's weird. I told my friends na lunch out lang yun at hindi date.


Dami pang lunch out ang sumunod. Even after work, nag dinner tayo. Kung saan-saan. Sa favorite ko, sa favorite mo. We had a really good time. Pero favorite ko sa lahat yung nag lugaw tayo after jogging with Star. 


Pinipilit mo ako pumunta sa church, kahit alam mo ang reason na hindi na ako religious.

I find it cute, pag nag kwekwento ka, because you worry too much.
Nagulat pa ako nung sinabi mo na pupunta kayo ng barkada mo to La Union, e andun din ako. Buti na lang di natuloy hahaha
Di ko din ma-imagine bakit sobrang favorite mo yung Taro Milktea.
I cried nung nag-goodbye ka kay Thor, kasi because you'll work overseas. Mas gusto mo na mas maaalagaan siya ng new owner niya.
Tawang tawa naman ako nung we talked about How To Save Money tapos biglang may bata na nanlilimos ng pera natin.
At madami pang ibaaa.

Sabi nga ni Kevin sa akin, "kayo na ba?" tapos muntik ko mabuga yung milktea na iniinom ko.


Hindi ko masagot dahil di naman tayo umabot dun sa ganong confirmation.

Walang tanong kung ano bang meron. Sa tingin ko, yung mga lunch out natin e mananatiling lunch out lang at walang ibang meaning
Siguro kaya hindi ako nagtatanong kasi...
alam ko at alam mo na sa bandang huli na aalis ka din.

At umalis ka nga. Pero this time nagpaalam ka. Masaya na ko dun.


Sabi nila, kahit pa paano daw ba umasa ko? Sabi ko, "Hindi." Na walang pangaalinlangan. Kasi hindi na ako aasa kasi ayoko masaktan. Kailangan kong hindi umasa, at least pag nawala ka.. Nalungkot lang ako at hindi nasaktan.


Sabi nila, gusto mo ba siya? Alam mo kung ano ang lagi kong sagot?

"Una pa lang, ikaw na."

I always taught myself na if meron kang gusto. Gawin mo lahat ng magagawa mo para makuha mo yun, kasi pag di mo makuha ibig sabihin hindi mo gusto masyado.


Pero pwede ko bang sabihin na...

Ikaw lang yung gusto ko na hindi ko makuha?

Thursday, March 21, 2019

iPhone6 ko

Kung kaya lang ibalik ang oras

Sana walang basag,
Sana buo pa din.
Sirang-sira, akin nang aminin.

Sana matanggap
Sana mapatawad

Araw-araw nagsisisi
Gabi-gabi umiiyak

Sana nalaman ang halaga,
Para minahal ng sobra






Thursday, March 7, 2019

Birthday Blog - Sof

First love ko ang magsulat dahil pangarap kong maging professional storyteller. Natigil lang kasi hindi ko kayang i-control yung emotions ko, nag-iisip pa lang ako ng topic, naiiyak na ko sa jeep. Kaya ako tumigil. Kaya lang sabi nila, pagmahal mo, babalikan mo. Pero sa case na ito, dahil wala akong pera, mas bagay ang pag mahirap ka, magsulat ka. At dahil birthday ng isa sa pinakamalapit kong kaibigan eh, ito lang muna ang kaya kong ibigay, kwento.

——-

Noong nasa cdo pa ako. Sabi ko talaga sa sarili ko, ayoko na magkaroon ng kaibigan sa Sales, kasi lahat sila umaalis, lahat sila nang-iiwan! Sila Teck, si Gabbie, si Pao. Lahat nag-alisan! Alam kong normal lang ‘yun. Ang hindi ko alam at hindi ako na-inform na pati pala sa trabaho, kailangan magpaalam. Kala ko dati sa highschool and college lang. So sobra akong nasasaktan kasi ganun ako ka-clingy. Nag-question na rin ako sa sarili na feeling ko may mali sa akin. HAHA Kaya sabi ko talaga, ayoko na magkaroon ng kaibigan sa Sales.

Isang araw, kinausap ako ni Kris Lee, dahil meron siyang new hire. And yung new hire naka-one week na, wala pa din ganap, wala pa din ginagawa. Nung kinausap niya ko para akong si Bea, Bakit ako? Bakit parang kasalanan ko? Sabi ko na lang sa kanya, “Luh? Hindi ko nga alam na meron pala tayong bago.”

Isa lang ang sure, may problema na dapat ayusin. Kaya ang sabi sa akin ni Kris Lee, “Ganito, kausapin mo yung sa HR. Mag align kayo, from hiring to onboarding. Meron dun yung Sofia, magaling ‘yun.”

Naisip ko na lang, ay may magaling pala dun? HAHAHA joke lang.

So sinunod ko si KJLee (malakas yun sa akin eh). So ako na bida bida, bumaba sa HR. Hinanap si Sofia.

Sorry di ko na maalala. Baka mali script ko, pero dahil may photogenic (!) memory ako, 80% accurate ‘to.

“Hi, ikaw ba si Sofia? Hi, ako si Grace sa Sales.”

Gagooo mukhang masungit! Pero nilakasan ko loob ko, andun na ako eh. Umupo ako dun sa inuupuan ng mga applicants.

“Hmmm, pwede magtanong about sa process ng pag-hire natin sa Sales? . .”

Dun na nagstart, tapos sinabi ko sa kanya nun na ako na ang kakausapin niya lagi regarding sa mga interview schedule, kasi gusto ko gumaan yung trabaho niya kasi may feeling ako na minsan hindi napapansin ng mga boss namin yung email niya, kaya baka nahihirapan siya magset ng interview. Also, dahil bida bida nga ako.

Kaya nung sinabi ko na ako na LAGI ang kakausapin niya regarding dun, e totoo nga pala na LAGI, araw-araw. Napakadami pala talaga! Hahahahaha pero imbis na sabihin ko “ano ba itong napasok ko.” Ang nasabi ko na lang e, “Sa HR na lang ako hahanap ng new friends.”

Sooo madali ko nakasundo si Sofia, na later on tinawag kong Sof dahil pag kaibigan ko lagi dapat may nickname. (eg Mycks, Carls, Seatmate, Ayi, Kevs, Exwyeth, etc). Naging friends kami agad kasi LITERAL NA ARAW ARAW kami magkausap! Gusto ko din tumambay sa office nila, dala ko pa laptop ko, e ang paguusapan lang naman namin, e mga bagay like, “bakit sinulatan ni Chee Chee yung harap ng planner mo?” HAHAHA

SO PAG NAWALA AKO SA WORK AREA SA SALES. Alam na ng mga tao na nasa HR ako. Pero, excuse me? Ayaw niya din naman kasi umakyat! Ako lagi inuutusan! Nakakatawa na pag bumababa ako sa hagdan, alam na agad nila na ako ‘yon, kasi maingay yung paa ko lagi.

Alam ko na sobrang maasahan na friend si Sof kasi yung time na sinabi ko, “Sof, di ako makauwi sa amin, baha. Pwede ba magsleep sa inyo?”

Gago biglang um-OO?! Isang sabi ko lang?! Kila Ate Marie na sana ko nun kasi nahihiya din naman ako (wuw?) kaso inantay pa nila ko ng Daddy niya sa labas. HUHU thank you Sof, di ko makakalimutan.

Oo, at hindi ko talaga makakalimutan yung araw na ‘yun! KASI YUNG ARAW NA YUN SINABI NIYA NA MAY INTERVIEW SIYA SA JOLLIBEE!

Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot kasi sabi ko nga, “Hahanap ako ng new friends, yung hindi mang-iiwan!” Tapos biglang, hindi siya papasok bukas dahil may interview siya?! HUHU

So absent siya kinabukasan, pero hinatid pa din nila ko sa CDO. HAHAHA. Alam kong matatanggap si Sof kasi magaling siya. Pero potek ang lungkot na naman! Kaya narealize ko na, baka it’s time for me na din na mag-explore. Alam ni Sof, totoong reason ko for leaving CDO, pero isang factor din yung pag-alis niya. So, kaya din siguro kami naging magkaibigan kasi, halos sabay namin naranasan mga bagay-bagay, at parehas kami ng pinagdaanan. Siya sa JFC, ako din nagkaroon ng offer sa Nestle.

Very supportive namin sa isa’t isa, na tinutulungan niya ko sa interviews ko, and ako, sinamahan ko pa siya sa JFC. Mula sa last week niya sa CDO na sobrang beastmode and ayoko na natatakot ako, wag na natin pag-usapan. Hanggang sa tuluyan na siya umalis. And ako din, na last week ko sa CDO, alam ko yung hirap (beastmode din like Sof), and yung tuluyan na din ako umalis.

Kala ko dati, pag di na kayo magkasama, mawawala na din yung friendship pero iba sa amin ni Sof. May time ata na every weekend ako nasa kanila (pag wala siyang gala). Hindi na nga ko tinatanong ng lola niya, bakit na naman ako nandun eh. Isa lang ang sure na mas naging friends kami ni Sof, nung wala na kami sa CDO. And ang saya lang ng ganun.

Sof! Sorry hanggang kwento lang ako, hindi ko mabibili mga gusto mo hahahaha, pero gusto ko alam mo na sobrang thankful ko sa friendship natin na hindi ako makapaniwala na 1 year pa lang! Hahahaha kaso ngayon wala na reminder kasi 'di na tayo friends sa Facebook. Sa totoong buhay na lang tayo friends. Lagi pa din ako pupunta sa inyo ha (actually wala ka naman talaga choice), tapos manonood tayo ng Netflix, pero bawasan natin manood ng horror kasi parang nagigising ko na mga kapitbahay, kaso naisip ko pala pag di horror, nakaka-sleep me. Hmm? Basta lagi nasa isip ko, pag nagugutom ako and walang baon kinabukasan, sa inyo ako pupunta! Thank you, Tita, sa mga pabaon!

Yung sabi ko na literal na sabay tayo sa mga pinagdaanan sa life e even before CDO pala. Kaya lagi ko tanong, “Bakit sobrang parehas tayo?” Thank you sa pag share mo sa kwento mo kasi mas na-realize ko na, shit happens. hahaha and inisip ko, kung kaya mo, kakayanin ko din. Mas matapang ka nga lang sa akin ng konti. Wuw?

Hindi na ako ganun ka-religious pero ngayong araw, I pray na matupad mo lahat ng pangarap mo sa sarili and sa family, magka-boyfriend (haha), and palaging maging masaya at konti lang yung araw na malungkot.

Pero kung malungkot man, okay naman ma-feel yun and umiyak. Pero sabi mo sa akin, pag sinabi mong okay ka, okay ka (at wag na ko makulit and magtanong).
. . Pero pag dumating yung time na hindi na okay, alam mo na lagi ako nandito for you, tulad nang lagi ka nandiyan for me.

Happy happy birthday Sofi! Ikaw ang favorite kong kaibigan (kahit pa ‘di ako favorite mo).

From your isip-bata but talented friend..

Love you forever and always!
Dace



2017 and 2019 pics. Sorry Exwyeth na-crop ka. Hahaha