Yay! Panibagong Birthday Blog na naman! Ang saya nito kasi pag gumagawa ako nito hindi ko na kailangang mag-isip pa ng bibilhing regalo. Wala pa kaya akong trabaho! Nakakaloka.
- - -
Ngayong araw, birthday ni RR Antoni (shoots ano middle initial mo?) Reyes. Second year high school, section Pearlidots, kami nagkakilala. At ito ang istorya . .
Istorya! Istorya!
Setting: Sa likod ng canteen sa Main.
Time: Lunch break.
Unang linggo yun ng pagiging sophomore ko. Kasabay kong kakain si Maila nun at naghahanap kami ng bakanteng lamesa na kakainan. Hindi ko alam ha, puro Pearl din ang nakikita ko nun sa canteen, siguro iba ang lunch sched ng ibang sections. Nauna kami, elite.
Ayun, sa likod, may bakante. Actually, hindi bakante kasi nandun na naka-upo yung lalaki. Bakante yung ibang space kaya sa tingin ko dun na lang kami. Since classmate ko rin yung naka-upong lalaki, dapat maging friendly ako.
Binati ko siya, "Oy Hi . . . ", tumingin ako sa name tag niya sa uniform. I was confused kasi feeling ko wala akong classmate na may pangalang ganun, anyways binati ko rin siya at binasa yung pangalan sa damit niya . .
"Hi Kent."
Nakita ko ang windang at gulat sa mukha ng lalaki. Nasabi niya na lang,
"Nako uniform ng kuya ko yung nasoot ko!"
So tama nga ako, wala akong classmate na may pangalang Kent.
Moving on . . Doon ko nakilala si RR. Weird. Kala ko nun, may meaning yung RR. Wala pala. Kasing weird ng name niya ang personality niya kaya hindi na nakapagtataka na naging close friends kami nung sumunod na mga taon sa high school.
Ito ang masasayang moments na ginawa namin nung high school.
1. Lunch break - kung saan ako ang nagbabaon ng ulam (take note: dinadagdagan talaga ni Mama ang servings), tapos share kami tapos si Ar ang bibili ng kanin ko.
2. Trip-Trip - siya ang madalas na kasama ko sa mga trip-trip.
- Habang tumatawid sa kalsada, mauuna si Ar at sisigaw siya ng "Waaaaaaag!!!" sa amin, at kaming mga sumunod ay parang takot na takot at natatae sa kaba.
- Titingin sa taas ng puno sabay sigaw ng "Wag kang tatalon!!!"
- Habang nasa sidewalk, may sisigaw ng "Tabe!!!!" at kaming lahat ay didikit sa pader na iwas na iwas sa mga sasakyan.
- madami pang iba kaso parang nakalimutan ko na.
3. High School Musical Scenario - tuwing break e madalas tumambay ang klase sa walkway at habang palabas kami. . inaabangan ng mga classmates namin ang Epic Duet namin ni Ar ng You Are The Music In Me. Napaka-epic nun! Slow Clap.
4. Kokey - Jacq, Ar, Jayps! Sabay-sabay nating kantahin! "Pag kasama ko si Kokey" - argh nanghihina akoooooo!!! HAHAHAHA
5. Chocolitos at Mik-Mik - nagtitinda noon si Ar at laging sinasabi ni Reiks sa kanya na overpriced siya pero ewan ko pero bili pa rin naman kami ng bili. Naalala ko nga e, nagtinda siya para yung kitain niya e pambili ng ticket ni Jaypee para sa Mr. M.C. nangungulelat kasi siya nun.
Napakaraming unforgettable moments kasama ni Ar dahil isa siyang Superfriend. Ang criteria ng Superfriend ay iba sa best friend, good friend, close friend, acquintances, o companion man, and Superfriend ay higit sa mga yun. Ang Superfriend ay immeasurable. At bilang Superfriend, hinding hindi ka niya bibiguin. Kahit nag-college na e lagi paring anjan si Ar para tulungan ako.
THANK YOU!
- sa pagsama sa akin magbayad ng tuition.
- sa pagsama sa akin kasama si Ayi, sa mga Paskuhan at Neo-Centennial Celebration ng UST.
- sa pagtulong gumawa ng prototype ng proposed product namin sa Thesis.
- sa paggawa ng epic na Retreat Letter.
Alam ko na ganun si Ar para sa lahat dahil isa siyang tunay na kaibigan! Tunay na kaibigan lang ang pupunta sa kitakits ng walang load at hindi sigurado kung natuloy ba ang lakad o hindi. At hindi rin sigurado kung saan ba talaga magkikita-kita. Ang lakas lang ng faith sobra! Haha
I am super blessed to have you as a friend kahit na madali kang ma-stressed (based on your personality type and . . . Go Briyonce (britney + beyonce) HAHAHAHA). I'm hoping for more happy and legendary moments together and years of friendship syempre. Praying na Superfriends pa rin tayo hanggang sa pagtupad ng ating mga pangarap. Wishing you all the best sa school at sa choir. And sana yung passion mo for serving the Lord e hindi mawala kailanman.
Happy birthday! May the grace of the Lord be with you and your family always!
Love forever and always,
SF Dace :)))

MARAMING SALAMAT SF :D
ReplyDelete(may luha na kasing laki ng buto ng atis sa kaliwang mata)
Palulit ulit ko tong binabasa!:D Galak na galak talga ko dito :D Maraming Salamat Grace!!!
ReplyDeleteSOBRANG SIKAT NA NG BLOG MONG "Ganito kami sa MRT"
Galing talga :D