Wednesday, March 6, 2013

Ang Strainer

Meron talagang mga bagay-bagay kung saan nasusukat ang katalinuhan ng isang tao. Isa na rito ang Pagluto ng Pancit Canton

HA?? Pancit canton? Bakit?

Owver? Nagtanong pa?! Hayaan mo, ikwekwento ko. . .

Una sa lahat, pano ba magluto ng Pancit Canton? Yung instant ha. LUCKY ME, specifically.

1. Buksan ang kalan.
2. Ilagay na ang kaldero na may tubig.
3. Hintayin kumulo.
4. Ilagay na ang noodles.
5. Pagluto na ang noodles ilagay sa strainer para . . . . . 

*PAUSE*

Jacq: Pano na 'to?

Dace: Edi ano . . . sasandukin ko yung noodles sa strainer para mawala yung tubig!

Jacq: Ano ka ba! Eh may butas kaya!

Dace: *Nawindang at natahimik dahil nasigawan pa* HA? Anong may butas???

Jacq: Ayan o!! May butas edi natapon!

Dace: Kaya nga, e . . . *biglang naisip-isip ni Dace, ayaw patapon ni Jacq yung tubig, so? Pancit Canton na may sabaw?* Bakit e . . .

*natigil ang pagtatalo dahil sumigaw si . . .*

Ariel: ANG TANGA NIYO!

*natahimik ang Jacq at Dace, hinayaan si Kim at Keith ang magluto.*

*na-strain na ang noodles . . . nag-usap si Dace at Jacq*


Dace: Jacq, anong sinasabi mong may butas? E may butas naman talaga ang Strainer?

Jacq: Ha? Sinasabi ko may butas yung huhulugan ng tubig edi nabasa na yung kalan! Hindi mo kasi tinapat sa lababo!

Magkakaibigan: "AAAAAHHHHHHHHH. . ."


*At masarap ng kainan ang mga magkakaibigan*


True Story.


The original post was on Facebook Notes published May 9, 2010

No comments:

Post a Comment