Meron pa lang iba't ibang klase ng galit ano? Fun fact. Ako pag nagalit, nahihilo ako. Tapos lumalabo yung paningin ko, tapos parang na-a-out of balance din dahil hindi ko maipaliwanag yung bigat na nangyayari sa ulo ko. Ayoko yung ganung feeling kaya minsan lang talaga ako magalit. Minsan lang talaga.
- - -
Nung isang araw, pumunta akong Manila. Ang sarap ng feeling na makalabas ng bahay ulit (yep, unemployed pa rin guys). Kasama ko si Kevin na dinaanan ko pa sa Hope Christian High School kung saan siya nagtuturo dahil meron pang inaasikaso sa HR. Pupunta kasi kami nun sa De La Salle University para asikasuhin yung application para sa Graduate Studies na iniisip ko na sana makapasok ako dahil dream ko yun na hindi rin kasi ubos na ang savings ko at ayaw kung pagbayarin ng tuition ang parents (na naman!).
Napakadaming nangyari nung araw na yun na hindi ko inisip na may matatapos kami ni Kevs. Masamang magsama kami ni Kevs. May iba't ibang level kasi ng maturity. Sa aming magkakaibigan, masasabi ko na medyo nasa ibaba kami kung ang pagbabasihan e ang pagiging responsible, organized, at magaling sa decision making. Pero salamat sa Diyos at nakapagpasa kami ng requirements. Success!
Gusto ko na nga umuwi nun kaso pinilit ako nila Kevs at Ayi, na nag OT sa trabaho, na magstay pa ako at kakain kami ng dinner. Pumayag naman ako dahil napaliwanag nila sa akin ang ibang klase ng galit.
Sabi nila,
"Ang magulang laging nagagalit and kaibigan minsan lang. Ang magulang kahit magalit, hindi ka itatakwil, pero ang kaibigan . . ay matakot ka na. Friendship Over. At wala ng bawian."
Natakot ako sa ganung klase ng galit kaya hindi muna ako umuwi.
Pagkatapos pumunta sa DLSU, napakarami pang nangyari! Bumalik kami sa HCHS para kunin ang mga gamit ni Kevs tapos nun nanood pa kami ng basketball game sa Chiang Kai Shek kung saan andun na si Joanne at nagchi-cheer sa school naman nila na Xavier.
Natapos ang game, nanalo ang HCHS. Pinuntahan ko si Joanne sa Xavier side at dun nawala si Kevs. Ang masama dito e nagaantay na si Ayi sa D. Jose Station dahil pinilit ko siyang umalis na sa office dahil papunta na rin kami sa LRT ang problema na nga lang e nawawala pa rin si Kevs.
Nung nakita na namin si Kevs, agad agad kaming naglakad papuntang LRT. Lakad dahil traffic din sa dami ng mga sasakyan galing basketball game. At pagdating sa istasyon doon ko na-encounter first hand kung ano ang galit ng kaibigan.
Nagalit sa amin si Ayi. AT! Iyun na talaga ang pinakamatinding galit na nakita ko sa buong buhay ko. Pangalawa sa nakita ko kay Jacque dati na nagmulta siya ng 87 pesos sa Piso Per Minute Late nung High School. Natakot ako sa galit ng kaibigan na tipong kahit mag-isa si Mama sa bahay at almost 9:30PM na e ayoko pang umuwi, gusto ko pa magstay at kumain sa Chowking, dahil alam ko na ngayon na mas malupit ang galit ng kaibigan!
Kaya Readers, kung gusto niyong magkakaibigan pa kayo, wag niyong galitin ang isa't isa! Promise! Iba talaga!
Sobrang Galit naman yun... nahigitan yung kay jaki...
ReplyDelete