Ngayon gagawa ako dito sa blog ng list ng Worst Feelings Ever!
1. Loving someone that will never love you back.
-WOW? Ang seryoso! Hindi dapat ganito.. Ang buhay ay isang malaking joke, hindi dapat gawing seryoso ang mga bagay! Ulit ulit..
1. Loving someone that will not love you back. Feeling ng manhid.
-Worst! Ayaw ko sa lahat e yung namamanhid ang paa ko! Tapos pag sinabi mo sa kasama mo na namamanhid 'to lalo pa nilang gagalawin. Sinong may gusto nung intense electrifying feeling na yun? Wala!
2. Long Lines!
-Sinong gustong pumili ng kahaba-haba? Wala! Isa sa pinaka-ayaw kong feeling yun. Lalo na sa MRT ay nako ayoko na lang magsalita. Pati rin nung nag-aaral pa ako! Yung pila sa D'Cream? Ay nako! Abot sa bilyaran, take note. Bilyaran ng dorm! Hahaha
3. Pag-antay ng mag-isa.
Lagi kong sinasabi sa mga tao na okay lang sa akin ako ang mag-antay para sa kanila. Bakit? Ayoko yung ako na lang ang inaantay kasi una sa lahat alam ko yung feeling nang nag-aantay. Pero iba rin yung lungkot pag ikaw lang mag-isa mag-antay para sa mga late na kasama. Feeling ko inaamag ako.
4. Exams ng mga scumbag teachers!
Ayoko nito. Nag-aral ka ng malupit. Tapos malaman laman mo yung test e wala sa chapter na inaral mo! Madalas 'tong mangyari nung college. Pero buti naka-survived ako.
5. Matutulog ka na . . tapos
Ready na ang lahat, sarap na ng higa mo. Yakap ang favorite unan at naalala mong hindi mo pa pala na-off yung Wi-Fi o minsan bigla kang na-iihi o biglang may tumawag pero yung phone mo nasa sala pala. Hay ayoko na lang.
6. Walang pagkain sa ref!
Hindi ka na nga maka-alis ng bahay dahil wala ng pera tapos wala ka pang makain. Ay pakamatay na lang te.
7. Nakapag-park ka ng sasakyan ng biglang . . .
Tumugtog yung favorite song mo sa radio. Bakit kung kelan bababa ka na? HUHUHU
8. Madaling-madali ka na . . .
tapos si Manong Drayber e nagpa-gas pa o kaya lahat ng kasabay mo maglakad sa harap ay ang bagal-bagal! WHYYY???
9. Magbabayad ka ng pamasahe . . .
Kinulang ng piso yung pambayad mo ng sakto. Ang pera mo sa wallet 100 peso bills na lang. 10 years kang mag-aantay ng sukli sa konduktor.
10. Walang ketchup na nilagay nung nag-Take Out ka sa McDo
Bakit pag take out at drive thru, kulang-kulang? Minsan straw at mas malala . . walang tomato sa Big N' Tasty ko!!!
11. Classes Suspended
Actually, best feeling ang classes suspended due to inclement weather, nagiging worse lang siya nung time na nag-buwis buhay kang pumasok, lumangoy sa baha tapos pagtapak mo sa school, sabi ni kuya guard, "Miss wala ng pasok."
12. Confident ka sa True or False
Tapos mali-mali pala yung sagot mo. Ang malala pa, right minus wrong. Ay pakamatay na ulit!
13. Ang ang nakakainis sa lahat . . .
Yung hindi mo malaman kung paano gagawa ng ending sa naumpisahan na blog...
Ito na nga lang...
THE END
No comments:
Post a Comment