Monday, February 18, 2013

Long-Term Bet

Yung mga nanonood ng HIMYM alam nila kung ano yung Long-Term Bet. Sa mga hindi, malamang hindi. Ganito siya nag-simula, sina Lily at Marshall, couple, e na-bobore sa buhay nila at kailangan nila ng bagong activity. Kaya ginawan nila ng bet ang buhay ng mga kaibigan nila. Example, Lily bets Marshall that Robin will never return Lily's hair-blower. Something like that.

Isang araw sa office, bored, nag-uusap kami ni co-worker Kevin ng mga bagay-bagay at ilang sandali pa nagtalo kami sa isang bagay and later on . .

"Long-term bet?!", hamon ko.

"Sige 500 pesos?"

"Ay grabe naman, 100 pesos lang."

At yung moment na iyun nag-umpisa ang Long-Term Bets sa totoong buhay.

Isang gabi sa condo unit, nag-uusap kami ni Pugs about kay Ayi na walang ibang bukambibig kundi ang Nokia N9.

"Gusto na nga bumili ni Ayi nun e.", sabi ni Pugs.

"Hindi bibili yun.", sabi ko.

"Bibili siya. Pinag-iipunan niya na e."

"Pustahan tayo?", hamon ko.

"Sige."

"Sige 50 pesos. Hindi N9 ang bibilhin ni Ayi sa pera niya."

"Sige.", at pumayag si Pugs.

So ayun na. Ang unang Long-Term Bet namin ni Pugs e about kay Ayi na bibili o hindi bibili ng N9.

Ito ang rules.

1. Pag nalaman ni Ayi na nagbet kami o kahit sino ay BET will be FORFEITED.
2. May expiration date siya. Napagdesisyonan namin na it will last for 6 months. November kami nag bet so summer itong taon BET will be FORFEITED.
3. Lastly, pag nag-expire ang BET walang bayarang mangyayari. Tie. Or pwedeng let's pretend it didn't happen.

- - -

Isang hapon sa SM Mall of Asia kasama si coworker Kevin e nadaan kami sa Nokia branch.

"Oy wait lang.", sabi ko.

Pumasok ako sa loob. Pagtingin ko sa Nokia unit na inakala kong N9 e Lumia pala. So tinanong ko yung salesman.

"Nasaan po yung N9?"

Hindi naman sa masyado akong interesado. Gusto ko lang talagang malaman kung gaano ba yun kaganda o pag nakita ko man yung quality, baka ma-realized ko na, "Ah kaya pala gustong gusto ni Ayi, ok naman pala."

Hindi ko inasahan yung sinabi ng salesman sa akin.

"Ay Ma'am. Wala na pong N9 ngayon. Lumia na po."

"Weh?", sabi ko.

"Opo. Hindi na kayo updated ha.", sabi pa niya.

Ang ngiti ko abot tenga nung lumabas ako sa Nokia branch.

Tumawag ako kay Pugs.

"Pugs! Wala ng N9!", sabay tawa ng malakas, "Pay up!"

"Wala pang 6 months!", yung na lang ang naging depensa niya.

Nagkita kami ni Ayi, ewan ko sabay ata kami umuwi isang gabi..

"Aww Ayi wala ng N9."

Nakita ko yung reaksyon niya. Yung reaksyong parang alam niya na yung scarcity about dun sa unit.

Pero para magmukhang mali ako, "Bakit? Paano mo nalaman?"
"Pumunta ako sa tindahan ng Nokia sa MOA. Lumia na raw ngayon."

Hindi ko na masusulat kung ano pang sumunod na sinabi niya dahil in-explain niya sa akin kung bakit ganun. Pero ang point dito e alam niyang paubos na ang unit na N9. Alam niya. Naamoy ko na ang pagkapanalo.

- - -

Isang gabi ulit, papuntang SM North-EDSA na kasama si Ayi e may sinabi siya sa akin. .

"Wag ka munang kokontra ha."

"Bakit?", tanong ko.

"Wala ng N9 e."

Pinilit kong itago yung smile ko nun.

Dagdag pa niya, "Nalulungkot nga ako e."

At nung nalaman kong nalulungkot siya e parang nalungkot rin ako. Feeling ko tuloy kasalanan ko. Simula kasing nag-bet kami ni Pugs e wala na akong ginawa para kontrahin at sabihin kay Ayi na wag ng mag N9 dahil hindi maganda yun. 

"Wag ka mag-alala Ayi. Pag lumabas na lang yung BlackBerry 10 yun na lang bilhin mo. Sabay pa tayo."

Pag-uwi sa bahay tumawag ako kay Pugs . .

"Pugs, grabe! Nalulungkot si Ayi dahil wala ng N9. Feeling ko kasalanan ko."

At sinisi ako ni Pugs. Pero wala siyang magagawa dahil kailangan niya akong bayaran. BWAHAHAHA!

- - -

Nung nakaraang buwan, nag-aya akong gumala dahil kinabukasan rin naman e birthday ni Pugs at isang text message ang gumalantang sa aking pagkatao . .

Galing kay Joanne, "Sige bukas na lang. Nakabili na ata si Ariel ng N9 e."

Medyo nagulantang siya sa reply ko na, "NOOOOOOOOOOOOOOOOO!"

- - -

Birthday ni Pugs, sa bahay nila, kasama ko na si Joanne. Inaantay na lang namin si Ayi at ang confimation na nakabili na nga ito ng N9.

Late siyang dumating (lagi naman), at agad umupo. Nilabas sa black na kahon ang matagal niya ng insam-asam na Nokia N9. Brand new. IHATETHISLIFE.

Nasabi ko na lang, "Ayi naman, sana pinaabot mo man lang ng May."

At ito ang unang Long-Term Bet na natalo ako. . .

Nalaman ko rin ng araw na iyun na naghahanap talaga si Pugs ng mga tindahan na available pa ang N9. Hay buhay . .

Marami pang susunod. Nasa akin ang huling halakhak!!!

No comments:

Post a Comment