Mahigit isang buwan na simula nang nag-resign ako at walang progreso. Nag-aapply naman na ako. Ayan na yung trabaho, ang problema masyado akong choosy. Hindi ko na alam gagawin sa buhay ko. Bright side e malapit ko ng matapos yung "Moving Forward List" ko, siguro I'm doing it just right naman.
Hindi ko maipaliwanag dahil masyado akong nagiging masaya sa pagiging tambay. (Oo, alam kong hindi maganda iyun pero anong magagawa ko e masaya ako). Ang malungkot lang na parte e yung paubos na yung savings ko. Literal na parang bomba siya na sasabog any moment. Bakit ko sinasabi 'to? Kasi meron akong naririnig o napi-feel ba na parang kinakaawaan ako sa Coloong o sa bahay. . .
Unemployed.
Ay nakakaawa nga. Now I know. Haha parang sakit sa ulo at pabigat lang.
BRIGHT SIDE. . . (tuwing may negatibo lagi na lang tumingin sa bright side)
Masaya ako at nagagawa ko lahat ng gusto ko! Tumatakbo ako tuwing umaga, kumakain ng masasarap, nakakapag-drive, nakakapagbasa ng libro, internet, movies and music, shopping, dentist, bonding with friends and family . . BEST LIFE EVER!
Lalo na ngayong araw!
Ilang buwan ko nang inaantay ang 85th Academy Awards, The Oscars 2013. Dahil super favorite ko si Jennifer Lawrence simula nang napanood ko yung Silver Linings Playbook. Sabi nga dati ng coworker ko, "Na-totomboy ka sa kanya?", natawa ko dahil sana ganun kababaw yung term. Iba na ito e, 'obsession' na e. At hindi na siya healthy. Naubos ko na ata sa Youtube lahat ng interviews niya e, pati movies! Nakatulong yung panonood ko ng interviews niya sa mga naging interview ko dahil I pretended to be her. At okay naman mga interviews, sabi ko nga isang araw nung naka-uwi ako, "I nailed it!", kaso hindi ko lang talaga tinanggap yung trabaho.
And the Oscar goes to Jennifer Lawrence. At sumigaw ako. . at sumigaw pa lalo dahil she tripped. Siya na ata ang coolest sa lahat ng nadapa na nakita ko. Ang saya ko as expected. Sana hindi siya magbago.
Ito pa. . Academy Awards to blogging . .
Guess what? I've just got 791 hits as of the moments sa isang article ko na Ganito Kami Sa MRT na pinadala ko sa Definitely Filipino Blog. This is nuts! Parang nanalo na rin ako ng Oscar. Anim na buwan ng mahigit itong FTSTS at meron pa lang itong 932 views na may 45 posts tapos isang article ko almost 700 na ang nagbasa? CRAZY!!! All glory to God!
Sinubukan ko lang naman magpasa dun dahil alam mong maraming makakabasa. Well ganun naman talaga e, kaya ka nagsusulat para may magbasa!
Sa tingin ko, may Bright Side talaga sa pagiging bum!