Sunday, December 16, 2012

End of The World

Five days left to laugh or . . die.

Whew. Parang kahapon lang sinabi ko yung salitang "Shocks" habang pinapanood ang pelikulang 2012. Ngayon, eto na siya. Sa Friday na.

Ikaw? Anong reaksyon mo sa End of the World, December 21, 2012?

Natatawa ako kasi ang daming chorvaness na lumalabas na senyales daw na malapit na magunaw ang mundo. Tulad nung kay Psy, pag na-reach na daw nito yung 1 billion hit (9 zeros), the end will come. Wow! Edi delete niyo na lang yung video! Kailangan rin bang manood ng concert ni Psy dito sa Pinas para makaligtas? Nakakatawa.

Ito pa ha. Imbes na mag paka-safe-safe sa araw na yun, ayun nasa UST ako nun. Paskuhan. Malamang sa malamang, nag-paparty o kumakain ng litsong baka.

WHAT IF...

End na nga sa Friday? Ako? Ang ma-feel ko.. CHALLENGE ACCEPTED!

Simula ng mapanood ko yung movie na 2012, nag-umpisa akong manood ng mga documentaries like "I Shouldn't Be Alive" "Man Vs. Wild" "Worst-Case Scenario" at madami pa. Ito yung mga palabas na educational at sasagutin ang tanong na, "How To Survive?" Siguro enough na yung mga natutunan ko kung paano makaligtas sa malupit na fortuitous event na mangyayari.

Pag magunaw nga ang mundo.. Ako ang BIDA! Parang movie. Hindi ako mamamatay. Dahil ako ang bida, walang bidang namamatay. Ililigtas ko ang mga tao. Lahat kayo. Dahil bida nga. Pero pag ako hindi naka-survive dahil priority ko kayo, Win-Win din kasi sa gate ng heaven, na-recognized na agad ako ng mga Angels at sasabihin sa akin, "Ikaw yun! Ikaw yun! Pasok ka na! Nakita kita sinagip mo yung bata! Pasok na." na may kasama pang palakpakan. 

Ito ang tanong.

Naniniwala ka bang end of the world na sa Friday?

Ako?

Hindi.

Yung sardinas sa bahay, 2014 pa mag-eexpire e.

1 comment:

  1. Oh my ghaaaad!Havey talaga ang blog mo!Promise!Hahahaha.Go tayo sa party sa UST sa Friday!Yeeeey!:))

    ReplyDelete