Pero naisip ko, o malay niyo posible. . . Nakakamatay ba ang sobrang kakiligan? Meron na bang cases na ang cause of death ay dahil sa kilig? Hindi nakahinga, nawalan ng dugo, o hinimatay tapos nabagok? Meron ba? Basta ang alam ko. Ako... Oo! Muntik na. Almost!
Ganto ang istorya.
Istorya! Istorya!
Alam niyo ba yung na admit ako sa ospital? Hindi ko pinagkakalat yun e. Kasi kahihiyan siya actually. Yung iba na-oospital kasi sobrang pabaya sa sarili, ako na-ospital dahil sa sobrang mahal ko ang sarili. Kabaliktaran. E paano, kumain ako ng kumain. Fried noodles and siomai, large fries sa Jolibee, crispy pata sa bahay with rice and extra rice. Ayun, so alam niyo na nangyari sa akin kinabukasan? Empatso. E-M-P-A-T-S-O. Kaya never kong na-open kanino man na minsan na akong na-ospital.
Nung araw na yun, buti na lang at dumating si Ate Lety sa bahay may kasama ako. Ang nasabi ko na lang sa kanya, "Ate may saket ako."
Ayun, tumawag tawag si mama. Sabi ko kaya ko. Pero nakakalimang suka na ata ako e. Suka ng suka ng suka (kung kumakain ka ngayon, suka ng suka ng suka, haha I mean sorry. Sorry!) Nag-alala na si Ate Lety dahil ang namumutla na ako. Ewan ko kung good thing yun ah kasi pumuti ako e. Ang puti ko talaga! Yung color ng kuko ko kakulay na ng palad ko sa puti. Nanghihina na rin ako nun.
Ewan ko pero dapat susunduin ako ng ambulansya. E walang ma-contact. Naisip ko na lang na baka meron silang mas mahalaga at importanteng sinusundo. Ano lang naman ba ako? Na-empatso lang naman ako at kasalanan ko pa iyun. Anong laban ng na-empatso sa inatake sa puso o stroke di ba? Kaya pinatawag ni Mama yung pinsan ko. Siya ang naghatid sa akin sa San Lazaro Hospital.
Sa kotse, ayun suka ako ng suka sa plastik at tinatapon ko rin yung plastik sa kahabaan ng NLEx. Pati NLEx naabala ko pa. Trapik pa sa kahabaan naman ng Rizal Avenue, "ikamamatay ko na ata ito" yun na lang ang naisip ko. Pero naisip ko rin, "Yuck. Namatay ako sa sarap or rather, namatay ako sa katakawan. Yuck!" Kaya lumaban ako. "Kaya ko ito kaya ko ito."
Pagdating sa SLH, sa ER, don't worry hindi ako yung nakasakay o nakahiga dun sa kamang may gulong. Normal lang. Nakakalakad pa naman ako. Andun na si Mama, pina-upo niya ako dun sa upuan malapit dun sa table ng doctor. Supervisor si Mama sa SLH kaya ako ang priority dun nung mga oras na iyun.
Nakita ko na yung doctor.. O my gosh...
"Ma'am ano po nangyari sa kanya?"
"Ito, suka ng suka."
Wait wait... Alam niyo ba kung bakit ako napa- O my gosh???
Guys! Yung doctor guys! Oh my gosh na lang talaga. Oh.. my.. gosh. Hahaha OA na. Pero seryoso. Naisip ko na lang, "Tao ka ba?" Guys, grabe. Matangkad, maputi, gwapo, doctor... San ka pa! Grabe! Alam niyo yung mamamatay na ako, pero grabe, kahit si Kamatayan siguro uurong at mahihiya sa Ridiculously Handsome Doctor na iyun!
Yung mga oras na iyun nasusuka na ulit ako pero umurong nung nakita ko siya at nung kinausap niya na ako. Nakakahiya, ano na lang sasabihin niya pag sumuka ako sa harap niya? Heller!!!
Pero ito ang problema, may issue ako diyan sa mga kilig kilig na yan e. Yung hindi ako makapagsalita. From brown to red ang color ng mukha ko. Ang heartbeat, grabe! Dugdugdugdugdug!!!
Ito pa ha. Si Ridiculously Handsome Doctor e Thomasian rin! Grabe, kasi soot ko nun yung Jogging pants ko sa Arnis kaya nasabi niya na sa UST siya graduate. Edi super kinilig na naman ako. Oh my! Meant to be!!!
Ito na ang Moment of Truth. Kailangan niyang i-check yung heart rate ko at yung lungs ko kung may rales.
Anak ng kwagong puyat naman oh! Wag naman! Please. Uwi na. Magaling na ako magaling nako!
Lumapit na siya sa akin (Anak ng suman!). Seryosong lapit, e potek, sa sobrang lapit naaamoy ko na siya kahit medyo may sipon ako kakasuka. Ang arte lang pero nakaka-panic! Sobra!
"Relax ka lang. Inhale exhale lang.", sabi ni Ridiculously Handsome Doctor.
And I was like, "Heart umayos ka please. Wag kang OA. Parang awa mo na." Pero bigo ako, ang bilis ng heartbeat ko, para akong nag-bike hanggang Tagaytay. Naisip ko na rin nun na baka pumutok yung ugat ko dahil sa OA at intense na pag pump ng dugo ng puso ko at di na kayanin ng circulatory system ko ang mga pangyayari.
Nung tapos na, nakita ko na lang naka-smile na siya. Oh boy! So awkward in a world filled with awkward moments! Huhuhu
So ayun na nga siya. Pasalamat ko na lang na hindi ako na-deads. At buti na nga lang na wala pang namamatay sa sobrang kilig. Ahm. Muntik lang. Muntik muntikan lang..
(This is edited. The original post was on Facebook Notes published June 23, 2012)
No comments:
Post a Comment