Friday, November 30, 2012

AMNATALAYER

Merong mga bagay na sadyang hindi talaga ako magaling. For example, sa pagsayaw. I can't dance. I just can't. Pero gusto kong matuto pero hindi talaga. Kaya wag nang ipilit. Hindi rin ako magaling sa numbers. Math! Hate math. Fractions? Geometry? No way! Pero alam niyo ba na hindi rin ako magaling mag sinungaling? I am the worst liar! Hindi ko alam ah, pero alam ng mga kaibigan ko kung nagsasabi ako ng totoo o hindi. Kaya it's better not to lie na lang at all.

Hindi ako magaling magsayaw kaya hindi talaga ako sumasayaw. Hindi ako magaling sa math kaya hindi ko na pinipilit noon sumagot sa recitation sa board. Hindi rin ako magaling magsinungaling, kaya hindi ako nagsisinungaling. 

Kaya ito ang nakakatawang kwento ko. Kahapon, ang aga naming pina-uwi sa trabaho. Ang aga pa kaya may chance na sumabay ako kay Ariel umuwi. Pagsasabay ako sa kanya iibahin ko ang route ko na dating MRT e sa LRT ako sasakay. It's okay. Actually pag nag LRT ako e makakatipid ako ng 17 pesos compared sa isang route pero ang cons e mas matagal siya at medyo buwis buhay.

Bigla na lang pumasok sa isip ko na pumunta sa UST. LRT naman kasi e, pwede kami bumaba ng Bambang at sumakay ng tricycle. So ang nasabi ko na lang kay Ariel e ito, "Ayi katuwaan lang oh. Punta tayo UST. Libre ko lahat." Kailangan talaga yung powerful words na "libre ko" para less drama at arguements. Alam kong hindi ako papayagan ni mama. Kaya ganito ang paalam ko. . . 

"Ma kasama ko si Ayi, mag-dinner lang kami. Nasa tren na kami."

What up? Pinayagan ako. At take note! Wala akong ginawang masama, hindi ako nagsinungaling.

Masyado akong masaya. Pupunta ulit ako ng school tapos kakain ng dinner sa Asturias tapos milk teaaaa! Wohoooo! Ang maganda pa dun, walang nag-aalala sa akin sa bahay kung nasaang lupalop na ako. Ang alam nila nasa Trinoma lang ako. Who's bad ass now? Hahaha

At ito pa. Hindi lang ako galing ng UST. Pumunta rin kami ni Ariel sa condo nila ____. Sorry hindi ko pwede sabihin for security purposes and for the sake of our Paskuhan plan. Grabe, wala na akong masabi, I am super grown up individual na!!! :))))

It's getting late na at tumawag na si Mama. I thought mawawalan na ako ng palusot. Pero buti hindi. Ang nasabi ko na lang . . .

"Pauwi na kami. Inantay lang namin si ____."

Which was not a lie kasi talagang inantay namin si ____ para makita ang kanilang unit sa ____.

Lampas 10 na ng gabi nang naka-uwi ako sa bahay. Ang bati sa akin ni mama . . .

"Oh asan na yung Bread Talk?"

"Ay wala ng tinda kung dadaan pa kami."

Which was not a lie either kasi late na nga at malamang sa malamang sarado na  yun kung sa Trinoma pa ako bibili.

Sobrang napagod ako dun. Kung saan-saan ako nakarating. Napansin nga ni mama bakit daw parang pagod na pagod ako. Nasabi ko na lang na ang dami kasi naming inikutan ni Ariel na totoo naman dahil parang nilibot ko talaga ang Metro Manila kagabi. Ilang cities rin yun ah, Meycauayan, Valenzuela, Quezon, Makati, Pasay, Manila, at Caloocan. Wow. Ang dami ko ngang na-ikot. Ako na!

Well, ang point lang naman dito e...

AMALAYER? AMALAYER?

No. I'm NOT! :p

Saturday, November 17, 2012

Mamatay Ka Sa Kilig

Ikaw? Kinilig ka na ba? Madalas ba o minsan lang? Paano ka kiligin? Yeeeeee. Alam ko gusto mo yung mga gantong usapan e. Lalo na pag gising mo ng umaga, pagbukas mo ng TV si Daniel Padilla guest sa KrisTV at kakantahan ka ng Grow Old With You, ay! Kikiligin ka na lang talaga!

Pero naisip ko, o malay niyo posible. . . Nakakamatay ba ang sobrang kakiligan? Meron na bang cases na ang cause of death ay dahil sa kilig? Hindi nakahinga, nawalan ng dugo, o hinimatay tapos nabagok? Meron ba? Basta ang alam ko. Ako... Oo! Muntik na. Almost!

Ganto ang istorya.

Istorya! Istorya!

Alam niyo ba yung na admit ako sa ospital? Hindi ko pinagkakalat yun e. Kasi kahihiyan siya actually. Yung iba na-oospital kasi sobrang pabaya sa sarili, ako na-ospital dahil sa sobrang mahal ko ang sarili. Kabaliktaran. E paano, kumain ako ng kumain. Fried noodles and siomai, large fries sa Jolibee, crispy pata sa bahay with rice and extra rice. Ayun, so alam niyo na nangyari sa akin kinabukasan? Empatso. E-M-P-A-T-S-O. Kaya never kong na-open kanino man na minsan na akong na-ospital.

Nung araw na yun, buti na lang at dumating si Ate Lety sa bahay may kasama ako. Ang nasabi ko na lang sa kanya, "Ate may saket ako."

Ayun, tumawag tawag si mama. Sabi ko kaya ko. Pero nakakalimang suka na ata ako e. Suka ng suka ng suka (kung kumakain ka ngayon, suka ng suka ng suka, haha I mean sorry. Sorry!) Nag-alala na si Ate Lety dahil ang namumutla na ako. Ewan ko kung good thing yun ah kasi pumuti ako e. Ang puti ko talaga! Yung color ng kuko ko kakulay na ng palad ko sa puti. Nanghihina na rin ako nun.

Ewan ko pero dapat susunduin ako ng ambulansya. E walang ma-contact. Naisip ko na lang na baka meron silang mas mahalaga at importanteng sinusundo. Ano lang naman ba ako? Na-empatso lang naman ako at kasalanan ko pa iyun. Anong laban ng na-empatso sa inatake sa puso o stroke di ba? Kaya pinatawag ni Mama yung pinsan ko. Siya ang naghatid sa akin sa San Lazaro Hospital.

Sa kotse, ayun suka ako ng suka sa plastik at tinatapon ko rin yung plastik sa kahabaan ng NLEx. Pati NLEx naabala ko pa. Trapik pa sa kahabaan naman ng Rizal Avenue, "ikamamatay ko na ata ito" yun na lang ang naisip ko. Pero naisip ko rin, "Yuck. Namatay ako sa sarap or rather, namatay ako sa katakawan. Yuck!" Kaya lumaban ako. "Kaya ko ito kaya ko ito."

Pagdating sa SLH, sa ER, don't worry hindi ako yung nakasakay o nakahiga dun sa kamang may gulong. Normal lang. Nakakalakad pa naman ako. Andun na si Mama, pina-upo niya ako dun sa upuan malapit dun sa table ng doctor. Supervisor si Mama sa SLH kaya ako ang priority dun nung mga oras na iyun.

Nakita ko na yung doctor.. O my gosh...

"Ma'am ano po nangyari sa kanya?"

"Ito, suka ng suka."

Wait wait... Alam niyo ba kung bakit ako napa- O my gosh???

Guys! Yung doctor guys! Oh my gosh na lang talaga. Oh.. my.. gosh. Hahaha OA na. Pero seryoso. Naisip ko na lang, "Tao ka ba?" Guys, grabe. Matangkad, maputi, gwapo, doctor... San ka pa! Grabe! Alam niyo yung mamamatay na ako, pero grabe, kahit si Kamatayan siguro uurong at mahihiya sa Ridiculously Handsome Doctor na iyun!

Yung mga oras na iyun nasusuka na ulit ako pero umurong nung nakita ko siya at nung kinausap niya na ako. Nakakahiya, ano na lang sasabihin niya pag sumuka ako sa harap niya? Heller!!!

Pero ito ang problema, may issue ako diyan sa mga kilig kilig na yan e. Yung hindi ako makapagsalita. From brown to red ang color ng mukha ko. Ang heartbeat, grabe! Dugdugdugdugdug!!!

Ito pa ha. Si Ridiculously Handsome Doctor e Thomasian rin! Grabe, kasi soot ko nun yung Jogging pants ko sa Arnis kaya nasabi niya na sa UST siya graduate. Edi super kinilig na naman ako. Oh my! Meant to be!!!

Ito na ang Moment of Truth. Kailangan niyang i-check yung heart rate ko at yung lungs ko kung may rales.

Anak ng kwagong puyat naman oh! Wag naman! Please. Uwi na. Magaling na ako magaling nako! 

Lumapit na siya sa akin (Anak ng suman!). Seryosong lapit, e potek, sa sobrang lapit naaamoy ko na siya kahit medyo may sipon ako kakasuka. Ang arte lang pero nakaka-panic! Sobra! 

"Relax ka lang. Inhale exhale lang.", sabi ni Ridiculously Handsome Doctor.

And I was like, "Heart umayos ka please. Wag kang OA. Parang awa mo na." Pero bigo ako, ang bilis ng heartbeat ko, para akong nag-bike hanggang Tagaytay. Naisip ko na rin nun na baka pumutok yung ugat ko dahil sa OA at intense na pag pump ng dugo ng puso ko at di na kayanin ng circulatory system ko ang mga pangyayari.

Nung tapos na, nakita ko na lang naka-smile na siya. Oh boy! So awkward in a world filled with awkward moments! Huhuhu

So ayun na nga siya. Pasalamat ko na lang na hindi ako na-deads. At buti na nga lang na wala pang namamatay sa sobrang kilig. Ahm. Muntik lang. Muntik muntikan lang..


(This is edited. The original post was on Facebook Notes published June 23, 2012)

Ini-Mini-May-Ni-Mo

Kung papapiliin ka anong pipiliin mo?

Gutom na gutom ka na, Jollibee o Mcdo?

Papunta kang Makati, MRT o LRT?

Saan ka dadaan? Kaliwa o kanan?

Ice Cream, Chocolate o Strawberry?

Dalawa lang ang pagpipilian pero ang hirap mag-decide!

So totoo nga, Life is full of choices. Ako? Namimili rin ako, araw-araw, minu-minuto. Dati nga nung nag-aaral pa ako. Uuwi na lang ako kailangan ko pang pumili. May 2 biyahe kasi, isang shortcut isang long way around. Sa shortcut, walang hassle deretso ng bahay, mag-aantay ka lang kasi punuan ang jeep. Sa long way, mabilis kung mabilis kaso dadaan ka pa ng palengke at sasakay pa ng tricycle. Ikaw saan ka sasakay?

Minsang sumakay ako sa shortcut. O.A. sa tagal mapuno ng jeep. Ang init tapos maulan. Kung malasin ka talaga, mamalasin ka talaga. Bawat takbo ng oras iniisip ko na "Kung dun ako sumakay sa isa, naka-uwi na sana ako."

Pero alam niyo, na-realize kong mali ako. Kasi nakasakay na ako e, there's no turning back. Bakit iniisip ko pa yung hindi ko na pwedeng ibalik? Ini-stress ko lang ang sarili ko. Ang nasa isip ko, "Humanap ka ng mali at pagsisihan mo yung pinili mo."  kesa sa "Andyan ka na, panindigan mo!" 

Mapapanindigan mo nga ba?

Sabi nila para maging masaya ka.. LOVE WHAT YOU DO. Pero wait, feeling ko mas masaya pag DO WHAT YOU LOVE! Hindi ba?

Hmmm. So ganito na lang, para maging masaya ka . . Kailangan mo pumili!

Love what you do o Do what you love?

Para sa akin, walang duda. Do what you love! Gawin mo yung gusto mo, yung mahal mo! Tama? Tama! Ano ba yung mga bagay na mahal mo? Siguro ito yung mga strengths mo at passion. Passion is the only thing that makes you feel alive. Walang duda magiging masaya ka talaga pag ang pinili mong gawin sa buhay ay yung mahal mo!

Pero paano kung wala ka naman talagang choice?

Kailangan mo ng trabaho, may available pero hindi dun sa field na gusto mo.
Kailangan mo mag-aral, gusto mo fine arts. Pero ang gusto ng mga magulang mo para sa'yo e nursing.

Paano na? Edi, love what you do.

Wala kang magawa e. Hindi mo pwede ipilit yung hindi pwede. Sabi ko kanina, para maging masaya ka, kailangan nating pumili. Pero dahil napilitan ka, ako, pinili natin Love what you do. hmmm

Hindi nga tayo kasing saya nung mga pumili ng Do what you love pero ang importante na lang e we're young. Dami pang pagkakataon, dami pa pwedeng mangyari (not considering the fact na end of the world na this December). Basta! Ako naniniwala ako na there is no such thing as too late in life.

Pero narealize ko, kahapon (haha talagang kahapon) hindi mo rin pala talaga kailangan pumili. Pwede natin siyang gawing steps..

For now, dahil napilitan ka lang, love what you do, malay mo.. matutunan mo rin talagang mahalin yan! At pagdating ng araw sabihin mo na lang "I'm doing what I love". Di ba?

Pero kung kailangan mo talagang pumili, ask for God's guidance. No life is waste. The only time we waste is the time we spend thinking we're alone. So, hindi ka talaga nag-iisa!

So pili na!
Hmmm. eenie meenie miney--  Piliin mo kung saan ka magiging masaya! Tapos ang usapan! :D



(Posted on Facebook Notes last August 3, 2012)

Tuesday, November 13, 2012

Ganito Kami Sa MRT!


Limang buwan na akong sumasakay sa MRT. Ang pagsakay sa MRT ay everyday adventure, challenge, at obstacle para sa atin na minsan nakakatawa, nakakainis, at nakakapagod. Marami na rin akong experience at nagkaroon ako ng listahan ng uri ng mga taong nakakasabay dito.

Ito sila, Ready?

1. Beato/Beata

Dahil sila ang favorite kong passengers ng MRT, sila ang inuna ko. Ang mga Beato at Beata ang perfect example ng mga buhay na bayani. Sila yung hindi lang basta pumapasok ng train for the sake of makasakay kundi sila yung tinutulungan din ang kapwa na makapasok dahil ramdam niya ang hirap ng mag-antay sa platform na tipong 6 trains ng nakalampas e hindi pa rin makasakay-sakay. Siya yung nagsisilbing team leader ng mga taong nagsisiksikan sa train. Siya yung nagsasabi ng "Usog po tayo sa gitna!", "Wala po munang papasok, may lalabas pa!" (grabe slow clap). Ino-offer niya rin ang seat niya sa mga may kapansanan, may kasamang bata, matatanda, at sa mga girls na madaming bitbit. Sobrang hinahangaan ko sila kasi sila yung hindi nawawalan ng pag-asa na kahit sa maliit na paraan e may pagkakataong maayos itong bulok nating sistema.

2. Classy

Sophisticated at nakaka-intimidate ang mga Classy. Kung titignan mo sila mula ulo hanggang paa, alam mo na ang sunglasses niya e original na Rayban, bag e original na Long Champ, blazer na nabili sa G2000 (oo, tinignan ko yung brand sa kwelyo niya), at meron lang naman siyang BlackBerry, iPhone, at Mini iPad. In short, may kaya ang mga Classy pero nagtiya-tiyaga sila sa MRT kasi di hamak na mas mabilis ito at ayaw nila ma-trapik sa EDSA. Madalas ang mga Classy e bumababa sa Ortigas, Buendia, at Ayala Station.

3. Bookworm

Obviously, mahilig ang mga Bookworms sa book. Lagi silang may dalang libro mapa-softbound, hardbound, eBook, o pdf file pa iyan. Kahit gaano na magsiksikan ang mga tao, andun pa rin sila sa sulok hindi matinag dahil ayaw nilang mawala sa page na binabasa nila. Pag meron kayong nakitang Bookworm na every tapos ng page e tumitingin sa kaliwa, kanan, o likod niya e malamang sa malamang ang binabasa nito ay 50 Shades of Grey, if you know what I mean.

4. Tsk-ers

Tsk-ers always do tsk tsk tsk. Konting tulak sa kanila "tsk", konting daplis "tsk", konting out balance "tsk". Minsan maiinis ka na lang sa kanila kaya ang masasabi mo na lang din e "tsk" (kahit hindi mo intensyon). Ang sa akin naman, kahit maka-1 million "tsks" ka e walang mababago sa sistema, ganun at ganun pa rin ang hirap ng pagsakay sa MRT kaya papasok sa eksena si "Taxi Guy".

5. Taxi Guy

Ang prinisipyo ni Taxi Guy ay yung nabanggit ko kanina. Kung hindi ka ready at prepared makipagsapalaran sa MRT e wag kang sumakay dito. Maraming alternatives. Kaya pag intense na ang mga pangyayari sa loob ng train at meron ng nag-aaway, at meron ng napikon.. wait for Taxi Guy to say something like "Edi mag-taxi ka!" "Reklamo ng reklamo, nagtaxi ka na lang sana."

6. Soundtrippers

Sounds like strippers hindi ba? Kasi ang Soundtrippers at strippers ay hindi masyadong nagkakalayo syempre minus the fact na ang Soundtrippers ay hindi naghuhubad sa loob ng train. Ang mga Soundtrippers kahit naka-earphones ay malakas magpatugtog na dinig din ng halos 5 katao nakapalibot sa kanya. Minsan sa sobrang lakas ng sound e naha-high sila na bigla na lang mag-heheadbang at kakanta ng malakas at kulang na lang talaga e mag poll dancing sa bakal na hawakan. Di ba? Total entertainer.

7. Soundtrippers With A Cause

Wow. May ganun pa? Haha. Ang mga SWAC e normal lang na sound trip. Di masyadong loud ang sounds. Bali nag-sound trip lang sila para maka-escape sa reality. Sumasabay lang sila ng agos ng tao with very nice music sa background. Minsan intensyon nilang lakasan yung sound nila kung may Tskers on the way. Ayaw nila ng bad vibes at Music ang kanilang sandata.

8. Veterans

Grabe 'tong mga taong 'to. Sila yung maraming alam sa buhay. May listahan sila sa utak ng Tips How to Survive MRT Ride. Napakagaling nilang dumiskarte. Alam nila kung saan mabilis ang pila. Alam nila saang parte ng train ang malakas ang aircon. Alam nila kung ilang minuto ang biyahe sa isang stasyon papunta sa isang stasyon. At ito pa ha, alam nila yung bilang ng mga ilaw sa tunnel papuntang Buendia Station. Awesome! May kilala akong Veteran, salamat sa tips niya at hindi na ganun ka challenging ang pagsakay ko araw-araw.

9. Newbies

Sila ang mga taong pinagtatawanan ng mga Veterans. Dahil baguhan pa, hindi nila taglay sa kanilang mga utak ang madaling paraan ng pagsakay sa MRT. Sila yung mga tipong hinding hindi uupo dahil natatakot silang hindi makalabas ng buhay, ay este makalabas ng train, na kahit sa Ayala o Magallanes pa sila bababa. As newbies, they follow all the rules! Tulad ng . . ang hindi pagkain, pag-inom, at paninigarilyo sa loob ng tren o istasyon, bawal lumampas sa dilaw na linya, wag ng piliting pumasok pag tumunog na ang warning buzzer, iwasang sumandal sa magkabilang pintuan ng tren, ugaliing humawak sa safety handrails, at ang rule na hindi ko maintindihan kung bakit naimbento, 'ang pagbabawal sa pagtawa ng malakas'.

10. Olympians

Natatawa ako sa mga Olympians. Sila yung madalas nating makita pag palabas na ng train. Sila yung kung makatakbo e parang wala ng bukas. Competitive ang mga Olympians dahil gusto nila lagi silang first. Pag siya ang nauna sa ticket gates na makalabas, makikita mo sa mukha nila ang tagumpay at parang sinisigaw pa sa sarili nila na. "YEAH! So long, losers!" Olympian din maituturing yung tumatakbo at pipilitin makapasok kahit tumutunog na ang warning buzzer ng train. At pag nakapasok siya.. (standing ovation ang mga tao)

11. Sleepyheads

Hanga ako sa mga Sleepyheads. Kahit nakatayo kaya nilang makagawa ng tulog! Wala akong makwento masyado sa kanila kasi sa buong biyahe literal na natulog lang sila.

12. Techies

Sila yung buong biyahe e walang inatupag kundi ang gadgets nila. Nood movie sa kanilang naglalakihang Samsung Phones, Tweet ng "MRT Madness again" sa kanilang BlackBerry SmartPhones, Instagram gamit ang iPhone nila na kahit puro bumbunan ng mga tao ang kita maibalita lang sa social network kung gaano ka intense ang MRT Ride.

13. Lovers

Ayiiiiieee. Dami nito sa MRT. Girl and Boy, Boy and Boy, Girl and Girl, and Forever Alone and Himself/Herself. Sobrang caring sa isa't isa ang mga Lovers. Na yung tipong kung makayakap si Boy kay Girl e parang "Hindi kita pababayaan, Promise." Awwwww. Sweet! Bigyan ng Jacket!

14. Singles

Kung may Lovers, may Singles. Sila yung naghahanap ng destiny nila sa pagsakay ng MRT. Example ng mga iniisip nila ay, "Oh my! Pina-upo niya ako. It's a sign!" Minsan kasi talaga nasosobrahan ng panonood ng Teleserye ang mga Singles kaya minsan unrealistic sila. Pero who knows? Ayieeeeee...

15. Sweaty Me

Sweaty Me ay yung mga taong OVER pagpawisan! Yung parang nabasa sila ng ulan! Minsan ayaw kong dumikit sa kanila kasi you know, malagkit. Pero ang maganda sa kanila e, kahit pag pawisan sila e hindi sila mabaho. Hindi katulad ng mga Tambay.

16. Tambay

Ang mga Tambay ay walang kinalaman sa pagiging tambay. Sila yung mga pasaherong mababaho. Yung taglay nilang amoy ay madalas tumambay sa ilong, kumapit sa damit mo, at malamang sa malamang bitbit mo hanggang bahay. Hirap tumabi sa Tambay kasi literal na nakakasuka at nakakahilo. Ang pagtabi sa mga Tambay ay isa sa mga dapat iwasan sa pagsakay ng MRT. Seryoso ako.

17. Bad Peeps

Sila ang kabaliktaran ng mga Beato. Sa category na ito pag sasamahin ko lahat ng snatchers, trash talkers (mahilig magmura), wrestlers (mahilig maghanap ng away), manyakis (mahilig). Basta sila yung tao na walang ginawa kundi manlamang ng kapwa. Kung ako ang papapiliin, mas okay ng 5 Tambay ang makatabi ko sa MRT kesa sa isang Bad Peep. Pwede tumawad? Dalawang Tambay na lang oh? Parang di ko kaya 5 e.

18. Blessed People

Lahat siguro gusto maging Blessed. Sila yung mga pinagpalang makasakay sa Skip Train. Best feeling EVER! Madalas maging Blessed ang mga tao sa Quezon Avenue at GMA-Kamuning Station. Asahan mo na rin ang pagsulpot ng libo-libong Olympians sa oras na may dumating na Skip Train at dahil diyan hindi mo gugustuhing makabilang sa Not My Lucky Day na category.

19. Not My Lucky Day

Kung mamalasin ka talaga, mamalasin ka. Kabilang ka sa grupo na ito kung ikaw yung isa sa naiwan ng Skip Train. Nag warning buzzer, pinilit mong humabol, sumara ang pinto. Oops. Not your lucky day! Nalulungkot ako para sa kanila dahil makikita mo sa mukha nila ang hinanakit at pighati. (Now Playing: Cry by Mandy Moore)

20. Funny Guys

Ayokong tapusin ang listahan ko ng malungkot (Next Song: Don't Stop Believing). Kung merong super depressed sa intense MRT Ride, hindi mawawala ang mga Funny Guys. Sila yung madalas mag comment ng kung anu-anong non-sense na mga bagay. At guess what? Like ito ng mga tao. Kahit gaano kahirap, kagulo ang pagsakay sa train... Isang banat lang nila, sobrang tamis na smiles ang dulot nito sa lahat. Ultimo ang mga SWAC e nilagay sa silent mode ang kanilang MP3 marinig lang ang nakakatawang punchline ni Funny Guy. Oo, tama nga na ang pagsakay ng MRT ay parang every stages of hell, pero itong si Funny Guy natin e piniling maging masaya at mag-share ng kasiyahan sa atin dahil feeling ko naniniwala siya sa tag line ng blog na ito na "Ang buhay ay isang malaking Joke."


Sa limang buwan, sila yung mga taong nakakasabay ko sa MRT. Saang group ka kasali o baka naman isa ka lang ding observant gaya ko?


Kung ang Star City at Enchanted Kingdom may Ride All You Can..
Ang MRT may Ride If you Can!