Sabi sa church, may apat na sagot si Lord sa mga prayers natin. Hindi siya parang Pinoy Henyo na, OO, HINDI, at PWEDE lang. Apat, hindi tatlo, dalawa o isa.
1. Oo.
Pag perfect ang timing and intention, always Yes ang sagot ni Lord.
"Lord, gusto ko mag-overnight kasama ang mga friends ko. Nag-aalala ako baka hindi ako payagan ni Mama. Pero Lord, kaya ko naman na ang sarili ko. May trabaho na ako. Kumikita ng sariling pera. Sanay magluto. Walang bisyo. Saka Lord, mababait naman po yung mga kasama ko. Ilang taon ko na silang kaibigan, sila yung laging kong pinagdadasal sa inyo. Kilala mo sila alam ko. Wala kaming gagawing hindi kalugod-lugod sa inyo."
"Okay anak, ako ng bahala sa Mama mo. I'll let her know na gusto mo rin ito para ma-prove sa kanya na independent ka na. Huwag masyadong magpuyat, may pasok kayo kinabukasan."
Yes, and it's a YES! Thanks Lord!
2. Hindi.
"Lord, please Lord. Kailangan kong pumasa sa subject na ito. Ayoko mag-summer. Babawi ako next sem. Lord, please hindi ko kakayaning mag-ka 5.00 lagot ako kila Papa. Please Lord."
"Anak, nasa iyo lahat ng time para mag-aral para sa exam tapos anong sinabi mo? 'Ang Calculus makapagaantay, ang Facebook at Twitter hindi.' Inuna mo mag-internet, kesa pumasok ng maaga at mag-library. Saka anak, yung sinasabi mong 'babawi ka', 3 taon nang nakalipas wala pa ring nangyari. Sorry, ayokong nasasaktan ka pero it's my will na bumagsak ka."
Minsan sinasabi ni Lord ang NO dahil gusto niya tayong matuto.
Own up to our mistakes.
Learn from them.
Face the consequences.
Forgive ourselves.
And move on.
3. Wait.
"Lord, gusto ko nang magka-boypren. Lord alam ko natatawa ka pero gusto ko na talaga ma-feel yung sinasabi nila na "feeling" pag in love. Iba rin yung merong nag-care sa'yo. Tinatanong kung kumain ka na, tapos concern sa'yo pag may sakit ka. Tapos Lord, parang ang sarap marinig sa isang tao yung 'mahal kita' lagi. Ipapakilala niyo na ba siya sa akin Lord?"
"Anak, di ba? Love is patient. Wait ka lang."
"E Lord, paano kung mapagod na ako mag-antay?"
"Naalala mo yung sinabi ng kaibigan mo sa'yo? 'Ang mga taong nagmamadaling pumasok sa isang relasyon ay nagkukulangan sa pagmamahal ng pamilya at kaibigan.' So ang tanong ko sa'yo, hindi ba enough ang pagmamahal na bigay ng pamilya at kaibigan mo?"
"Hmm. Actually, hindi naman ako nagkukulang sa pagmamahal. Laging may masarap na pagkain sa bahay at laging andyan ang mga kaibigan ko sa tuwing may problema ako."
"Anak, mag-antay ka lang. Alam ko kung paano ka umibig kaya gusto ko yung taong iibigin mo ay ganun din para sa'yo. Hinuhubog ko pa siya para maging deserving siya sa pagmamahal mo. Ang gusto ko para sa iyo ay yung perfect. Hindi ka sasaktan at papa-iyakin. Gusto ko ikaw ang 2nd love niya. Syempre ako ang first."
Okay, fine. I will wait Lord.
4. Anak, 'yun lang? Seryoso?
"Lord, sobrang napapagod na ako. Sobrang hirap sa MRT. Lord, bakit ganun doon? Lord, kung ok sa inyo, ipagdadasal ko na sana magka-kotse na ako. Kasi Lord, mahirap talaga mag-commute. Kahit 2nd hand lang, Lord. May-ipon naman na po ako."
"Really? 2nd hand na kotse? Seryoso ka diyan, anak? Kaya mong bumili ng bago. Nakita na kitang mag-drive. Sobrang maingat at sinusunod ang batas. Ako ang magbibigay sa iyo ng lakas para trabahuhin pa ang mga bayarin para makabili ng bago. Ibibigay ko sa iyo ang hinihiling mo kasi you deserved it."
Wow. Brand New Car! Awesome God is awesome! :)
Kung sinagot ni Lord Jesus ang prayers mo at nag-exceed ang expectations, be thankful. If not, He always has a reason. Wag ka magmaktol at mainis. Wag na wag mo rin kakantahin ang "Natutulog ba ang Diyos." Kasi, God has a one-of-a-kind, awesome, amazing plan for you!
So, anong sagot niya sa prayers mo? :)
No comments:
Post a Comment