Na-ikwento ko ba sa inyo na nabawi ko na yung lisensya ko kay Mama at pinayagan na ulit ako mag-drive ng kotse? Oo, medyo alangan pa ako. Mabagal magpaandar at hindi na basta-basta ng oovertake at super maingat na. So bakit ko ba sinasabi sa inyo ito? Ahhh, hindi ko pa pala nakwento na nung nakaraang buwan e nabangga ako.
Whooops! Mali, mas appropriate ang.. Nakabangga ako. Binangga ko yung jeep sa McArthur Highway malapit sa kanto na may 711 papuntang MC Annex. Grabe yun. Hanggang ngayon nga na-pipicture ko yung nangyari. Pero no worries, walang aksidenteng involved. Wala. Sumagi lang ako. Walang nasaktan. Meron lang nagalit at naabala.
Hoy ha, malaki rin yung damage sa kotse namin. Sa left. Sa harap. At ganun kabilis din nawala ang 3000 pesos ko para owner's contribution sa insurance. Ouch, yung part na iyun ang masakit.
So bakit nga ba ako nakabangga?
Lagi kong sinasabi na.. "Hindi ako tumingin sa side mirror."
"Hindi ako tumingin sa side mirror."
Pero bakit ganun? Alam ko sa sarili ko na nakatingin ako sa side mirror. Super luwag na nga e. Inisip ko na nga lang nun na super bilis magpatakbo ng driver ng jeep kasi nga nakita ko sa side mirror na clear na ang daan at pwede na akong mag left turn.
Kahapon habang nag-drive ako pauwi ng Valenzuela, habang nakatingin sa side mirror.
"Ah. Alam ko na kung bakit ko nabangga yung jeep!"
Tama nga ako. Clear na yung mga sasakyan sa likod kaya ako lumiko. Yup! Nakatingin nga ako sa side mirror. Pero ang mali ko.. Sa side mirror ako nagfocus, hindi sa harap.
AH Kaya... Kaya ako nabangga kasi hindi ako nakatingin sa harap. Umabante na ako nang di ko nalaman na hindi pa pala nakakalampas yung huling sasakyang nakita ko sa side mirror. Kaya ako sumabit at nabunggo. Ahhh...
Grabe yung pangyayari at pwedeng i-relate sa totoong buhay (kahit may joke ang buhay).
Sabihin natin na, ang rear view mirror at side mirror ay ang PAST. At yung wind shield ay ang PRESENT. Ang rear view mirror at side e mirror e naka-design talaga na maliit lang kasi hindi ka sa kanila kailangang magfocus. Pasulyap-sulyap lang doon. Pag dun ka tumingin at ayaw mo i-let go, mababangga ka rin. Tulad ng nangyari sa akin.
So this is for all the peeps na hindi maka-move on. Let go of the PAST. Don't overthink yesterday's regrets because you can no longer change, alter, or improve it.
You only have TODAY.
Live in it :)
Fill your day with God. Give TODAY a chance :)))
Biruin niyo, itong kwento ko e may lesson pala! Hahaha
