Tuesday, September 25, 2012

The Other Side

there's always humorous side behind every sad story..

Noon sa klase ni Ma'am Belenzo, Filipino, talamak ang recitation. Dalawang bagay lang kasi para makapasa ka sa subject niya. Una, recitation. Pangalawa,  ang dami ng page ng notebook mo kung saan obligado kang isulat ang buod ng El Fili. Kami noon ang motto namin para mas dumami ang pages, "ibuod at dagdagan". 

Recitation. Hindi ako mahiyain sa klase, kahit ilang beses na ako napahiya dahil sa mali ang sagot. Tanong ni Ma'am isang mainit na tanghali.. "Ano ang pinakamalungkot na nangyari sa inyo na hindi mo makakalimutan?"

Taas agad ako ng kamay. At dahil sa first row ako. Nakita agad ako ni Ma'am.

"Grace.", mahinahong tono. 

"Ma'am, ang pinakamalungkot po na pangyayari sa akin e yung magkasabay pong namatay yung 2 aso ko."

Napasimangot si Ma'am, "Sobra naman, aso lang e."

Well, hindi kasi ganun ang expected na sagot ni Ma'am Gusto niya yung super lalim na kailangan mo talagang pakipagtalo kung sino ang mas matimbang, si Maria Clara o si Juli?

Well, umupo akong nakasimangot rin. Hindi sila basta aso.

Yup, makaka-relate sa akin lahat ng may alagang aso. Part sila ng pamilya. They make our lives whole.

At iyun na nga, yun ang pinakamalungkot na pangyayari ng buhay ko. First dog ko si Ate. Weird name. E wala akong magawa kasi yun yung pangalan niya na nung binigay sa amin. Dinagdagan ko lang ng Jane. Kasi si Jane yung stuffed toy ko ng bata pa ako na super iiyak ako pag hindi ko siya katabi sa pagtulog. Si Ate Jane, aso ko, West Highland White Terrier. Hindi yun tongue twister, yun talaga ang breed niya. Mala-cotton ang fur niya na super bango dahil meron siyang sariling pulbos at sabon.

Kasama namin siya nung unang nanganak siya, pangalawa, pangatlo. Oo grabe, lagi atang nanganganak yun e. Inatake siya ng Rottweiler, andoon din ako para sagipin siya. Kasama mag hike sa jungle na I don't care kung mahulog ako sa hanging bridge basta siya maka-survive. Long walks sa Tierra Nova (world's greatest subdivision). Best memories.

Pero kailangan harapin ang reality na lahat ng ito e panandalian lang. Ang aso parang tayo, nabubuhay and eventually mamamatay. Merong malaking sugat si Ate sa left leg niya. Ayaw gumaling as in. Hindi pa uso Vet nun o kaya ang Google search kaya no idea kung paano ang gagawin para gumaling siya. 

Yung sugat niya nun parang fish fillet na hindi pa luto. Seryosong ganun ang itsura. Kaya nga parang nagka-phobia ako noon sa hindi lutong fish fillet e muntik pa akong masuka nung nakakita ako.

Ayun na nga. Na-deads si Ate. Super lumaki na yung sugat niya e, di na gumaling tuluyan. Sakit sakit. Sobrang iyak ako. Tinawag pa namin yung kapitbahay para tulungan kami maghukay sa garden namin para ilibing siya.

Tinext ni Mama mga kapamilya namin para balitaan na wala na nga si Ate at para i-comfort din ako. Sabi sa text ni tita, "Wag ka ng malungkot. Alam mo ba pag namamatay ang aso ibig sabihin may sinagip silang ibang buhay." Isip isip ko, ang swerte naman nung buhay na sinagip ni Ate. Sino kaya yun? Sana maging friends kami balang araw (patuloy sa pag-iyak).

Later on, sinabi ko na rin sa mga kaibigan ko yung nangyari, tinext ko sila isa-isa. Ayun, nalungkot din naman sila.. sa una. 

Weeks have passed. Naka-move on na ako ng kaunti. At narinig itong hilarious na kwento galing kay Cielo. Siguro hindi niya kinuwento nung panahong down na down ako.

Di ba? Nagtext ako sa kanila isa-isa like ganito ata sabi ko, "Guys wala na si Ate. Hindi na talaga siya gumaling. Sobrang malungkot."

It just so happened na ang unang nakabasa ng text e si Tita Elma, mama ni Cielo.

And then sabi niya kay Cie, "Anak wala na yung Ate ni Grace.", malungkot ang tono. Sobrang lungkot, I can't describe how depressing talaga yung magkakasabi ni Tita na yun based on what Cie told me.

Natatawa si Cielo na parang nawindang, well ako rin, kasi akala ni Tita e kapatid ko yung namatay. 

Grabe kahit gaano ka-tragic yung nangyari, meron at merong nakakatawang part doon. Kahit hirap akong tumawa sa mga nakalipas na araw noon, sa simpleng blooper e ang laking tulong na.


"To truly laugh, you must be able to take your pain, and play with it."
-Charlie Chaplin-


LIVE.LOVE.ROCK

Monday, September 24, 2012

Ang Pinakamasarap na Halo-Halo Ever!

Kahapon inisip ko, kung merong isang bagay na makakapag-describe sa friendship namin, anu kaya? Pumasok sa isip ko, Halo-halo. Well, ang init kasi kahapon kaya naisip ko rin yun. Pero seryoso, para nga kaming halo-halo.

Halo-halo, madaming iba't ibang ingredients.. May leche flan, mais, banana, beans, ube, nata, gulaman, sago, basta super dami. Ingredients na pinagsama-sama sa isang baso. Parang kami, iba-iba rin. Iba't-ibang personalities, ugali, pinanggalingan, pero pinagsama-sama sa isang mundo, sa isang pagkakataon.

Ang cool lang, masarap, parang halo-halo ang friendship namin. Pero syempre hindi pwede lagi masaya. May times na present ang bad vibes, kung saan di ko ma-imagine na tutulo ang mga luha ng kalungkutan. Parang halo-halo, nadudurog at natutunaw. Pero ang magandang part alam niyo? Madurog man, o matunaw man.. sabay-sabay. Hindi pwedeng haluin mo siya na yung ube lang ang madurog, anjan din yung beans o kahit gulaman. Ang maganda pa, pag natunaw na siya, dun lumalabas yung tunay niyang sarap. Masasabi mo na lang, "Sarap ng pagkakahalo nito. Tamang tama ang mga nailagay kong ingredients!"

Inisip ko rin. Paano kaya kung hindi kami basta-basta halo-halo, doble-doble? Ha-ha doble na naman? Wait, paano kung hindi kami simple.. Kunwari Magnum ganun? Wow ha. Oo minsan talaga inisip ko nung college na sana pala matatalino kaming lahat. Yung pumasa kami sa UP tapos magkakasabay umuwi o mas masaya magkakasamang mag-dorm. Kasi yung iba ganun. Pero sabi nga ni Cie sa akin, “Alam mo Dace, kung naging ganun tayo, hindi tayo magiging ganto ngayon.”

Oo nga naman. Wala kong regrets na meron sa mga plano namin nung highschool ang hindi natupad.Well, pero bilib pa rin ako sa samahan na ito. Naisip ko dati na wala ngang friends forever, hindi totoong may forever. Kasi malinaw pa sa sikat ng araw na nababawasan na kami. Madami nang hindi nakakasama sa amin pero ang alam ko na lang, kahit mabawasan man, may natitira pa rin at bumabalik. Oo wala ngang forever pero meron namang habambuhay. Basta ako naniniwalan ang friendship natapos ay di kailanman nag-umpisa, dahil walang pagkakaibigang natatapos. At sa Rizal, hindi siya kailanman matatapos. Habambuhay!

Kaya lagi akong nagpapasalamt kay Lord Jesus kasi binigay niya itong super duper sarap na halo-halo sa buhay ko. Walang tatalo e, kasama sa ingredients kasi nito yung malasang loyalty at trust at syempre, yung manamis-namis na pag-ibig.

Rizal, pag wala kayo sa life ko, siguro namatay na ako sa loneliness. Sinubok na tayo ng panahon. Nakakasawa nang makipagplastikan sa inyo. Hahahaha hindi pala mganda ending ng blog na ito e nu? Haha seryoso kasi. Thank you for being the sunshine of my life. Ang friendship natin e hindi nasukat sa tagal ng pinagsamahan kundi sa dami ng problemang nalampasan. You rock peeps!

Proverbs 17:17 Friends love at all times :)

Posted on Facebook Notes (April 20, 2012)

Tuesday, September 18, 2012

Hawak Kamay Cover

Noong Highschool, meron kaming mga nagawang short films. Marami na ring na-upload sa Youtube at meron din na tuluyan ng nawala at hindi man lang nabigyan ng pagkakataon na ma-edit dahil na rin kasi nanakaw yung cell phone na ginamit para ma-record yung video. Sayang!

Hindi na nasundan ang mga short films na yun. Ewan ko, siguro we're growing up na and dapat mature na ang pag-iisip.. Pero ako? NEVER! I'm dying kaya for us to make another film o kahit music video (Call Me Maybe o kahit anong One Direction song). Pero ayaw talaga nila. I tried for like four years pero wala talagang gusto makipag-cooperate sa akin. Sa apat na taon sa college ang nagawa lang namin e PBB clips and Selecta Commercial but I WANT MORE!!! Ako na nga ang sumagot ng Video cam and tripod and script and role play pero wala talaga! Oh boy! Ako na lang ba talaga ang childlike sa grupo?

Buti na lang e nakilala namin 'tong si Joanne. Thank God dahil game na game siya. Last Wednesday we did it! Hawak Kamay cover. Grabe nung prino-pose ko yun walang tanggi tanggi. Game kung game. Buti at sumali rin si Pugs at di nahiya this time. Nung nakaraan kasi super trying hard kami sa Firework ni Katy Perry. And it turns out na we're just being crazy at walang pupuntahan 'tong acoustic cover na 'to. FAIL!

Kung hindi niyo naitatanong e "Best in Guitarist" ako nung high school. "Best in Vocalist" naman si Ar dahil sa sobrang awesome performance niya ng Annie Batumbakal. Oh my natatawa ako. (If you know what I mean)

So this is it. Hawak Kamay Cover, I waited for it in years! Finally. Bongga pa dahil MacBook ang gamit namin and quality ng video and sound ay Ze Best! Mahinahon akong nag-intro. Plucking skills. Best in guitarist e. Hanggang sa tumingin ako sa screen and wondering anong itsura ko at ng mga kasama ko. 0:47 nakita ko ang passion and emotion sa pagkakakanta ni Joanne and... that's it.


Siguro gagawa na lang kami ulit next time. At promise! Wala ng titingin sa screen!!!


Sleepover Story

Nitong mga nakalipas na linggo. Masaya ako! Bakit?


Feeling ko ang independent ko na, I'm growing up! Good news right? Kahit every other day ko lang siya ma-feel, priceless!

Nakalipat na kasi kami. Yung matagal ng na-promise ni papa na condo unit sa amin e finally natitirhan na. Sa GMA-Kamuning siya, SRSLY. GMA, pero mananatili pa rin akong loyal at solid Kapamilya, walang nagbago.

Pag yung kapatid ko, si Mark, doon mag stay, ako naman uuwi Meycauayan and vice versa. Kaya ko sinabi na feeling ko independent ako every other week.

Ang saya lang kasi soooobrang convenient niya sa akin. Biruin niyong 15 pesos lang nasa office na ako at 15 pesos lang e nakauwi na ako. BOYA! Naka-MRT pa. Wow.

Allowed pa ako mag invite ng friends doon! Haha actually allowed is not the word, hmm. REQUIRED. Yup required akong may kasama. Buti na lang andyan lang sa may Boni si Pugs at isang tumbling lang e makakarating na siya sa GMA at ayun PARTY is on!!! Saka si Joanne pa pala, work niya e sa may Ortigas kaya nakakasama din namin siya.

Food? Not a problem. As in, madami talagang pagkain. Nanganganak ata ng pagkain yung ref doon. Pero ngayon konting tipid tipid kasi last time ako ang bumili ng groceries, medyo masakit sa bulsa at katawan. Biruin niyong binuhat ko yung mga delatang yun all the way? Insane right?

Problem lang, wala pang TV. Argh ang loser lang. Pero dahil maparaan ako, bumili ako ng Audio Jack na pwede sa Laptop at i-direct sa Sony DVD player namin at ayun. May instant home theater sa unit na dinaig pa ang SM Cinema sa quality ng sound system! AWESOME!

Dati super nalulungkot ako. Lagi kong tinatanong yung sarili ko, bakit ganun? Bakit hindi ako pwede magpagabi? Mag overnight? Magparty? Pero ngayon, nahanap ko na ang mga kasagutan. Konting hintay lang pala ang kailangan at ayun unti-unti mo silang ma-eexperience at masasabi mo na lang talaga e, ROCK ON!

It's all by God's grace. Thank you Lord sa opportunity na mabigyan ng ganitong kalaking blessing! My praises and honor to You alone! You rock! :D




Monday, September 17, 2012

Ako na na na na naman!

Pag may bago akong blog lagi ko kailangan magpakilala. Dapat laging may introduction. Wala lang para makilala niyo ako, o malaman ko kung gaano ko na rin kakilala ang sarili ko. Okay. So ready?

Ako si Grace Jane S.D. Alcala. Weird pero S.D. talaga ang middle initial ko. San Diego.  Tapos alam niyo ba? Ang most interesting trivia ng buhay ko e ang parents ko e kinasal sa Parokya ni San Diego de Alcala sa may amin sa Valenzuela. AWESOME!

Nung baby ako (PAALALA: mahaba-haba 'to) sabi nila 50-50 raw ako at nakakaawa. Seven months daw ako nung nailabas sa tiyan ni Mama e. Grabe. Kasya nga daw ako sa box ng sapatos saka kaya ako nun buhatin pamamagitan ng isang kamay lang dahil sa sobrang liit. Oh my! Para daw akong kuting ganyan. Hindi ko nga ma-imagine e. Pero ewan ko, simula ng magkaisip ako yun na ang kwentong naririnig ko kung kani-kaninong tao. Mapakapitbahay, kumare ng lola, kaibigan ni mama. Same at consistent ang mga kwento. Sabi ko na lang. "True Story".

I spent my childhood sa Coloong 2, Valenzuela City. Kung saan andun ang pamilya ni mama. Andun si Lola, mga tita at tito, pinsan. Super saya maging bata nun doon. Puro laro at laro at laro at laro lang. Tulad ng tex, pog, jolens, tatching, harangang dag, moro-moro, at family computer na dehipan. Unforgettable moment e yung pinagtripan ako ng mga pinsan ko at kinulayan nila ng pula yung bohok ko. Hindi naman sa spoiled pero marami kaming laruan nun. Meron akong kotseng kuba at brick house na Kiddie Tikes at 2 pang convertibles na sasakyan na depedal at inflatable swimming pool, in short mayaman ako noon. Noon, ang indoor playground ay langit. Noon, ang vitamins Flintstones. Ngayon, iPhone at iPad, Noon para maging masaya ka dugo, pawis, at dungis. Mas masaya di ba? Lalo na pag career at ambisyon mo maging Power Rangers balang araw.

Nag-aral ako ng Kinder sa SM. Saint Mary Montessori sa Valenzuela rin. Doon ko natutunan mag hugas ng pinggan, gumamit ng computer, magdasal na sana champorado ang next meal at ang best.. KARATE! Pero ewan, puro drills lang yun. At wala akong na-apply sa totoong buhay.

Lumipat kami ng bahay nung mag-eelementary na ako. Sa Meycauayan na. 40 minutes away sa Coloong. Ok lang. Maganda. Hindi bumabaha at may Jungle! Yung yung tawag namin dun sa palayan na mukhang jungle at every weekend we used to take a hike. Sobrang adventure pag nasa jungle. May hanging bridge na nung una mangiyak-ngiyak ako bago tumawid pero nung nasanay na every tawid ko, accomplishment at masasabi ko na lang "Freak Yeah!"

Nag-aral ako ng grade school sa TMCS. Team Mission Christian School. Mabait daw ako sabi ng marami. Siguro dahil yun sa nag-aral ako sa christian school. Rules are rules. Bawal tumapak sa yellow line (boundary ng school at rest house ng mga missionaries). Pag tumapak ka makakarinig ka ng mga bata sa paligid ng.. SUSPENDED! SUSPENDED! SUSPENDED! Bawal kumopya at magpakopya. Bawal magmura. Pag may napulot ka na something valuable e obligated ka na ipagtanong tanong ito sa lahat ng classrooms. Consistent honor student Grade 1-5. Ewan ko nung Grade 6, naniwala kasi ako noon sa horoscope na "Hindi makakapag-focus sa pag-aaral dahil sa mga kaibigan." Ayun, Top 12 ata na lang ako nung Grade 6. Sinasamba pala ako nun sa Chess. Dahil nung District Game ng BULPRISA ako lang ang nakapag-uwi ng medal. Silver Medal. Well. Ayokonalangmagsalita. Sobrang masayang mag-aral sa TMCS lalo na sa subject na Good Manners and Right Conduct tapos everyday may memory verse dapat. Sinong ayaw lumaki ng ganun? I feel so blessed na at the very young age nakilala ko na si Jesus Christ at tinanggap bilang Lord and Savior. AWESOME number 2!

High School. Wow ambilis! Pero wait. Alam niyo bang sobrang mahiyain ako noon? Like maiwan lang ako sa classroom at hindi makita si Tia Mereng sa labas e iiyak na ako at susuka? Yuck. Pero True. Ewan ko, binago ng High School ang buhay ko. Section Sampaguita, Pearl, Narra, Rizal. RIZAL? AWESOME number 3!

Friends are the bacon bits of salad bowl of life. Walang excitement kung walang friends. Sa buhay ko naman, mamamatay ka sa loneliness kung walang Rizal.

Sampaguita ako nun, first section. Blah blah blah. My reaction "O my God! Bakit ganto? Bakit napapariwara ng ganto ang mga tao?" Unang narinig ko sa kaklase na hindi ko pa masyadong close, "Grace pakopya!" O.My.Gosh! Para akong nakarinig ng pinakamalutong na mura sa tala ng buhay ko. Dignidad, respeto, moral.. Asan ka? Ako, galing sa christian school, NO CHEAT SINCE '95! Tapos pakopya? Para ko nung nasa Zoo na puro agresibo at mababangis na hayop ang nakakulong pero pagdating ng 2nd year, Pearlidots, nagbago ang pananaw at paninindigan ko sa buhay. Pag di ka nagpakopya.. GO TO HELL BEACH! 

2nd Year, kung saan nagsama-sama ang pinaka-AWESOME na tao. At doon nag-umpisa ang pagkakaibigan. Hindi pa ako masyadong pala gala noon dahil hindi ako pwedeng magpagabi. All right! All right! I get it, since Highschool ganito na ako. Second year ko rin na-try na talaga ma-master ang pag commute! Felt so independent back then. Sinamba rin ako nun sa Table Tennis. Nakapapag-uwi ako District, BULPRISA. Medal. Silver Medal. Ayokonalangmagsalita. Favorite school activity ko ang Role Playing/ Reporting. At unforgettable piece ko ang "Mga Isdang Walang Nuggets".

3rd Year, kung saan nasubok ang pagkakaibigan. Narratots. Worst year for us. Algebra (well basta Math worse). MCSG issues. Blind Item issues at ang.. The Terror of First Subject Madness. Lumipat na kami sa Annex. Weee! Annex beybeh! Kasama na namin ang SSC, or so called Special Science Class. Pressure? Not so, but pressure sa section Molave.. Big time! Lalo na sa adviser nila? Big time! Kawawa naman kami noon. Lalo na talaga sa Terror of First Subject Madness. Ang code name namin sa room na yun, Horror House. First subject? Imagine. Pagpapawisan ka na feeling mo e P.E. siya? Pero hindi! Actually english class siya. Daming times na kinain ako ng buo ni Ma'am. Buong buo. Traumatized about a week. Sabi sa inyo e big time! Ayoko ng ipagpatuloy ang mapapait na alaala kaya let's get moving! Pero dagdag lang. Narra kami ng in-introduce namin ang Legendary "Urban Legend" feat. Emerga  the Milk Glue. Urban Legend pioneer sa lahat ng short films. True!

RIZALISTA 07-08. Wow. Ze Best! Dami ng napagdaanan, dami na nangyari, dami ng masasayang alaala. Friendship? Lalong tumibay at tumatag! Sana nga di na matapos. Movie watching (Final Destination, SAW, Chainsaw Massacre), more Legend - - wait for it, wait for it DARY! URBAN LEGEND at more extra-curricular activities. Kung hindi niyo natatanong, palagi kaming nananalo. Kung di manalo 2nd. Well, madalas second. Pero okay lang. Alam namin we deserved more! Mapa-nutripop, speech choir (Mga Ate at Kuya ni Juan Dela Cruz), Extreme Dance, Poster making, Intrams at parang lahat na lang. By the way, madagdag lang. Ako ang Muse (not part-time) ng Backstaffers Club. Seryoso itong club na ito may Moderator kami :)

Hanggang ngayon magkakaibigan pa rin kami. Parang series sa TV na umabot na ng several seasons. Walang nagbago consistent FUN LOYAL LOVING sa isa't-isa. Best peeps in the world! True!

Okay napakwento ako dun ah? Shortcut na nga yun e! Hay next! College!

Wow. Nakapagtapos lang naman ako ng komersyo sa EspaƱa. Sa Royal, Pontifical, Catholic University of Santo Tomas. Love na love ko ang UST sobrang saya maging Thomasian. Lahat ng ka-bongga-han, present! Mala-world record biggest cross, Paskuhan,  Neo-Centennial Celebration, makanood ng plays - AWESOME number 4! Softball? Best P.E. Ever! Sa sobrang best niya na-eexcite ako magtype pero hindi ko alam kung paano i-explain kung gaano yun ka-awesome! Baha experience. Wow iba talaga! Sobrang mahal ng sidecar, tatawid ka lang sa mala-ilog na Dapitan, 40 pesos?! Why U NO Lusong? Food trip? Ze Best! Mang Ed's Adobo Diablo, SEX (Sisig Express), Ate Yema, Wendy's tig-50php na burger, MILK TEA! Argh! Kagutom. Namiss ko tuloy ang USTe. Ang lastly, daming gwapo sa UST. Period!

So ito na ang totoong buhay. Focus tayo sa NOW. Si Papa, engineer. Si Mama, nurse. Kapatid ko estudyante. Ako ito pa-type type lang habang nasa trabaho. Merong nag-aantay sa aking aso, si Star, sa bahay at excited ng kainin ang next treat niya galing sa akin. Hindi ako makakabili ng ambisyosang treats niya kung wala akong trabaho. Yup may trabaho na ako at andun ako sa "Love what you do" stage. Operations Assistant, ayun bilang bilang ng boxes and encode encode. I hate math. I hate numbers. I need this job. I need it para makabili ng treats. Ambisyosang treats ni Star.

Ako ganto pa rin. Single. 18 years old (false!). Christian by heart and by mind. ENFP pa rin ang personality. Dami pa ring gusto sa buhay at madami pa ring gustong patunayan. Dami na rin naman natupad, ito naka-graduate, nagkatrabaho, painter na.. ng bakod, at alam ko marami pang mangyayari. Unti-unti na ring nagiging independent, praise God! Ito pa rin ako masaya at pala-tawa, joker (joke!), magician, master mind ng detective-detective game, scared sa snakes and centipedes and hipi-hipi gang, adventurer (challenge accepted: MRT Madness), at mananatili akong AWE.. wait for it, wait for it... SOME!

Mananatili akong magsusulat at hindi titigil na kilalanin pa ang sarili!
Maraming salamat sa pagbasa! Di ko expect na medyo napahaba ang introduction. HAHAHA

LIVE.LOVE.ROCK!

Yup! Ako na naman..

-Dace :)))

Friday, September 14, 2012

This is it!

Full the String To Stuff

Sa totoong buhay, may-sign na ganyan sa dyip Pull The String To Stop kadikit ng iba pang signs na God Knows Judas Not Pay at Basta Driver Sweet Lover. Pero dahil may joke ang buhay iniba ko ng kaunti.

Seryosong nagkalat ang mga literary works (wow) ko! Sa Facebook Notes at Tumblr, meron sanang Friendster kaso namayapa na siya pati yung dating mga sinulat ko wala na rin. So nagdecide ako na ipunin na lang lahat ng gawa ko dito. Tutal may fans na ako at nakakarinig ng feedback mula sa 5 katao. 

So ang tanong bakit nga ba ako nagsusulat? - Syempre para may magbasa! JOKE bored lang talaga..

See? Ang buhay ay isang malaking joke!

ROCK ON!

-Gracie J