Sunday, May 28, 2017

Birthday Blog Again - Ayi

Naglaro kami ng Friends Quiz ng officemates ko.

Ang question. "Sino yung kaibigan ni Dace na hindi niya kaya mawala?"

Sabi ni Sheila Tan, "Hulaan ko? Si Ayi."

Excited ako pinakita yung post it na nakasulat e, "AYI"

Yup! Hindi ko kaya mawala si Ayi. Mawala na lahat. Umalis na lahat. Wag lang si Ayi!

Hindi maintindihan ng mga tao bakit ganun na lang ako nakadepende kay Ayi. Hooy wag nga kayong ganyan, si Aves din naman ah, and Kevs?!

Bago phone ni Aves, I asked her saan niya nabili yung phone protector niya, sabi niya bigay ni Ayi. Ang ganda din nung thing sa likod ng phone niya, sabi niya bigay din ni Ayi. Kaya wala ako nagawa kundi sigawan siya na, "BAKIT AKO WALA?!"

Si Ayi ang best friend ever ko. Siya ang nag-mamanage ng bills ko. Pag wala ako pambayad, siya ang nagbabayad. Pag naputulan ako ng line, siya nag-aayos. Siya ang taga-consult ng family namin pag bumibili ng appliances, pag sira yung tv plus, pumunta siya sa house. Pag wala ako kasama sa gma, si mama pa ang nagrerequest na samahan niya ko. Oooh sinundo niya ko sa airport before dahil alam niya di ako sanay mag-taxi!! Sinamahan niya din ako sa hotel dahil di ko kaya mag-isa sa Manila!

Sounds impossible ba na merong ganyang kaibigan? Maniwala kayo sa hindi, pero hindi lang siya ganyan sa akin dahil ganyan siya sa lahat!

Kaya itong birthday blog na ito e para sayo mula sa amin na lahat ng kaibigan mo Ayi na gusto namin masabi sayo na kung gaano ka kahalaga sa amin!

Hindi ko makalimutan yung time na pumunta kang Japan, at hindi mo sinabi sa akin. Mej nagtampo ako nun kasi niloloko niyo pa ko na hindi ka na babalik. Naalala ko tumawag din ako sayo nun,

"Ayi kailan ka ba babalik? Kawawa ako. Nakita ko si Crush may kasamang iba."

HAHAHAHA kahit nasa Japan siya. To the rescue pa rin. Siya yung nagcomfort sa akin. Nasa FX ako nun e kausap ko siya sa messenger. Simula nang madinig ko yung boses niya, hindi na ko bitter na may kasamang iba si crush dahil naisip ko na lang na walang papantay sa binibigay na pagmamahal ni Ayi and wala akong ibang gusto nun na umuwi na lang siya at malapit sa aming lahat.

One time, tumawag ako kay Aves na sabi ko, "I think I went to far..." ito yung time na pinapagalitan ko si Ayi na dapat mag-resign na siya dahil wala na siya future sa work niya. Ang dami ko nasabi na na-hurt ko ata siya? Hahaha pano ang tigas kasi ng ulo! Pero alam mo, isa lang ang na-realize ko...

Nakaka-inggit si Ayi. And ang totoong malungkot pala e ako, kasi hindi ako natuto makuntento. At ito yung natutunan ko sa kanya, lahat magkakaroon ng sariling time. Antay-antay lang.

Ayi kaya ko gumawa uli ng blog dahil hindi ko to nasabi before na, kami rin e isang "Ayi" na kaibigan sayo. Nandito kami lagi for you tulad ng mga panahon na isang sabi ko lang na, "Ayi kawawa ako." E anjan ka na agad.

Sa tuwing malungkot ako, pag nakikita ko si Ayi e gumagaan pakiramdam ko kasi alam ko kasama ko siya magbuhat ng kahit anong baggage o sama ng loob sa work at personal na buhay.

Hindi sapat ang blog na ito para masabi sayo kung gaano kita pinasasalamatan sa pagiging always present sa buhay namin. Marami pa tayong masasayang kwento na mangyayari sa mga susunod na panahon at excited ako kulayan lahat ng drawing na pinlano natin mga bata pa lang tayo!!

Thank you Ayi, i'm crying. Huhu I know ayaw mo ko umiiyak kasi everytime umiiyak ako hina-hug mo ko e. HAHAHA

PROMISE MO SA AKIN HINDI KA MAWAWALA AH. HINDI KO KAYA.

Happy Birthday!!!

Love forever and always,
Dace

No comments:

Post a Comment