Wednesday, April 26, 2017

Ba-Bye Blog - Teck

Ngayong araw kinausap ako ni Teck na sure na sure na sure na sure na sure siya. (Kailangan paulit-ulit kasi lagi siya pabago-bago ng isip)

"Tatalon tayo", sabi niya.

---
Wait. Para saan ito? Ganito kasi 'yan. Matagal kong pinag-isipan na kung ano ang magandang regalo sa mga malalapit kong kaibigan na mag-bi-birthday. Inisip ko, 1. Wala akong madaming pera 2. Feeling ko kung materyal na bagay ang bibigay ko e baka mawala lang nila (parang ako). Kaya siguro magandang regalo e yung kaya kong mabigay at lagi kong baon, "Kwento"

Hindi naman lagi tuwing may birthday lang ako gumagawa ng blog (see Aves' Blog).

E lalo naman 'tong ginagawa ko ngayon...

---
"Tatalon tayo."

Pagkatapos niya sabihin sa akin yun, bumalik siya sa table niya, ako pumuntang CR. Umiyak.

Aalis na kasi Teck. Lipat na siya sa ibang company. Ang bilis naman ano? Parang kahapon lang, nagkita kami sa property, first day niya. Naka-upo siya dun at naghihintay ng mga ni-request na supplies.

Small talk.
Me: Hi. Ano name mo?
Siya: Teck. Ikaw? (Hindi ako sure sa dinig ng name niya kasi di ko sure kung may ganun ba talaga na pangalan)
Me: Grace

Yun lang..

Tapos nakakatawa siya kasi pagbalik niya sa 4F, tawang tawa siya lumapit sa amin ni Sheila Tan kasi hindi niya alam na may ilaw pala dun sa mga locker, ang tagal niya daw dun kasi nag-flashlight lang siya. LOL

Paano ba kami naging magkaibigan? Ah kasi meron siyang BR sa Rob and kailangan niya ng tulong ko sa pagkuha ng videos at grabe natupad ko kaya dun yung pangarap ko na maging News Reporter. Sobra kami nagkasundo kasi nabwi-bwisit kami kay Cliff kasi ang gulo-gulo. Tapos ayun, kasama din namin siya ni Maki and Mycks sa mga gala sa Tagaytay kung saan bored na bored kami sa Puzzle Mansion at hindi siya makapaniwala na na-ubos ko yung isang bowl ng Bulalo na good for 3 katao. Tapos niligtas ko din pala siya sa Batanes, nung muntikan na siya mahulog sa bangin.

Hindi ako nagmamayabang ha, pero alam niyo bang meron akong 4 na bahay.
1. Meycauayan
2. Coloong
3. GMA
4. Cubao

Oo, sa Cubao. Inampon ako ng pamilya ni Teck sa mga panahong wala akong matulugan. And kasi ayaw niya din ako patulugin sa GMA kasi parang lagi merong session ng illegal drugs yung neighbors namin dun. Kilala ko ng daddy niya (Hi Tito! Wag na po kayo magalit) at ng mommy niya na alam na trabaho ko e taga-gawa and taga-roll ng hotdogs. Pati si Don, Ate Erica, at number 1 follower ako ni Angel. And.. si Ate Ine na favorite ko yung fried rice niya na may patis. Last, excited si Kisses makita ako lagi kasi parehas sila na dachshund ni Starry Good Girl!

Sobra kong close si Teck kasi matakaw kami pareho. Pareho namin feel na anak kami ni GSS at favorite namin PAREHO (PAREHO) yung MBTI. Haha! Oo siya lang kasi lagi nakikinig ng kwento ko may kwenta man o wala. Naiinis lang pag wala, pero nakikinig pa rin. Tapos sinamahan niya din ako sa Palawan nung birthday ko kahit na magkaiba kami ng kwento dun sa nagising kami ng hating gabi. Pero positive ako dito na yung kwento ko yung totoong nangyari.

Mamimiss ko si Teck kasi wala na yung lagi malaki ang share pag kakain kami 3 nila Kev sa Wacko's. Wala na maghahatid sa akin hanggang bahay. Wala na magtatanggol sa akin pag inaaway ako ng ______. Wala na maingay sa common area. Wala na akong sasamahan bumili ng tubig sa Foodstore. Wala na kong pag sasabihan ng "shopping ka nang shopping!" Wala na akong kakampi pag bwisit ako kay Mark. At wala na dadalhan si Tita ng Max Chicken :(

Sobra akong nalulungkot pero hindi ko lang pinapahalata kay Teck kasi dapat masaya ako kasi finally, sinunod niya din ang gusto niya. At dahil naniniwala rin ako sa book na nabasa ko na sabi e

"Let go of friends who don't understand what you're trying to do and surround yourself with people who support your new choices."

Siguro alam niyo naman yung motto ko ano?

"Ako ang sasagip sa'yo." (See Ephesians 2:8) kasi sinabi ko na lagi akong magiging matulungin at mabuting kaibigan sa mga tao. Pero nitong mga nakaraang panahon na nag-joke ang life ng hindi masyadong nakakatuwa, madalas kung tanungin ang sarili. . "Paano ako? Sino sasagip sa akin?"

Nahanap ko ang sagot at isa si Teck doon. Siya kasi yung kaibigan na na hindi lang nakinig, kundi siya yung dumamay and nagbangon sa akin (Hala umiiyak ako sa jeep habang sinusulat ito! Nakikita kaya ko ng katabi ko? Syet!)

Kasalanan ni Teck lahat ito! Alam niya na nga na hirap ako mag let go (clingy) saka kung rumorota siya edi sana hindi kami ganito ka-close dahil wala siya lagi sa office!!!

Pero Teck nagpromise ka naman di ba? And lagi kita tinatanong na Friends pa din tayo di ba? At lagi ka um-oo na may kasamang mura.

Teck makinig ka! Pag meron ka presentations, sendan kita ng template. Pag nawala ulit yung premium mo sa Spotify sabihin mo lang sa akin and ayusin ko uli kahit never mo pina-play yung playlist ko pag buma-biyahe tayo! Safe lahat ng passwords mo sa akin wag ka mag-alala. Pag may nalaman ako uli na trick sa iPhone share ko din sa'yo. Sabihin mo kung ibibili na natin si Angel ng guitar, samahan kita pumili. Pag binigyan ako ni Mark ng pera para wag matulog sa GMA, alam mo na ah, bigyan mo lang ako ng kumot bes. Pag nagkatotoo yung kwento ni Kristobal na pag nabiktima ako ng peer pressure kuhain mo ko ah (tanggap ko naman kung sisigawan mo ko at papagalitan) Pag may funny kwento si Tito Pong, share mo pa din sa akin ah. Tapos kakain pa tayo uli ng sizzling squid sa PPS. At super excited na ako tanungin ka kung saang Puregold ka andun!!!

Teck lagi ka kasama sa mga prayers ko kahit alam mo ang reason kung bakit hindi na ako ganun ka-religious :P Na sana matupad lahat ng pangarap mo sa sarili and your family. Pag nalulungkot ka, sabihin mo lang and tatawag ako sa'yo agad and matatawa ka na lang sa wallpaper na mag-appear sa phone mo.

Sorry sa mga times na naiinis ka sa akin kasi lagi akong parang hindi nag-iisip (at pag walang payong). At sorry dahil sapilitan mong basahin 'tong blog ko (hay sa wakas binasa mo rin).

Thank you Tecky sa pagsagip sa akin sa mga panahon na kahit sarili ko e hindi ko magawang tulungan.

Last day mo sa office. Pero hindi last day ng friendship natin.

Pinky promise?

Love forever and always,
Dace


Nakakatawa! First picture natin magkasama, Sales Awards! Ang formal lang bes!