Isang araw. . .
Q: Psst.
Dace: (lumingon)
Q: Psst.
Dace: hmm. Wala namang tao . .
Q: Psst. Musta?
Dace: Wait, kilala ko 'tong boses na 'to ah.
Q: (natawa) Hi, musta ka?
Dace: Whoooo! Ikaw ang kamusta? Ang tagal mong hindi nagparamdam ah!
Q: Oo nga e. Okay naman ako.
Dace: Mabuti naman, so bakit ka andito?
Q: Interview?
Dace: Wow! Na-miss ko ito! Game!
Q: Ok, let's start. How's life?
Dace: Alam mo, parang tumanda yung boses mo. (natawa) Ahm.. Life's good.
Q: Naka-graduate ka na di ba?
Dace: Yep, mag-iisang taon na. Actually, 1st anniversary ngayong araw! Whooo!
Q: So you think nagbago ka?
Dace: Nagbago? Uhm. Sa ugali, not really. I hope I improved but I'm not. Pero sa mga music na pinakikinggan ko ngayon nabago, I think.
Q: Paano?
Dace: Dati favorite ko, mellow, love songs. Pero gusto ko pa rin naman yun pero parang mas type ko na ngayon alternatives, country, folk. Ahm, yung Fun., The Lumineers! Favorite ko!
Q: Ah. Ho! Hey!
Dace: (natawa) Ho! Hey! (natawa)
Q: Balita ko nagresign ka sa work?
Dace: Oo e.
Q: Bakit?
Dace: Wala naman, trip lang (natawa). No, I'm kidding. Gusto ko kasi sa trabaho yung masasabi ko na 'Alam ko itong ginagawa ko.' o kaya 'Masaya ko dito', 'Magaling ako dito'. Yung parang ganun.
Q: Yeah. Ikaw na ikaw nga. So . . love life?
Dace: Bakit lagi mong tanong yan? (natawa)
Q: Ha! Umamin ka!
Dace: Hay nako, wala pa rin!
Q: Seriously?
Dace: Yeah, I don't know.
Q: Pero nabanggit mo sa blog mo yung phrase na 'panandaliang kilig' what does it mean?
Dace: Nothing!
Q: Bakit nagblu-blush ka? (natawa)
Dace: Stop that! It's nothing! Nakakatawang experience lang yun. At least! I experienced. Next question.
Q: I love your blog! Saan mo nakuha yung title niya? Full The String To Stuff.
Dace: Sa slam book ng isang college friend ko. Super catchy siya di ba?
Q: Super! E yung tag line niya na 'Ang buhay ay isang malaking joke'
Dace: Ah sa akin yun.
Q: So why is that? May story ba behind that tag line?
Dace: Wala naman. It's like life is meaningless. Buong buhay mo mag-aaral ka. Kailangan mabuti para makahanap ng trabaho para may pamtustos sa pamilya at makaipon ng pera para pagnagkasakit ka e mabuhay ka. Ganun lang ang buhay, paulit-ulit. Parang joke. Pero ang maganda dun. Nakakatawa. Nakakatawa ang joke e.
Q: Ah. Kaya pala ang buhay ay isang malaking joke.
Dace: Yup, kaya dapat pagsinusulat siya, capslock ang 'JOKE' kasi malaking JOKE.
Q: (natawa) ang buhay ay isang malaking JOKE. So let's proceed na sa mga easy questions. Para makita ng mga readers mo ang consistency ng answers mo. Game?
Dace: Game!
Q: Favorite color?
Dace: Yellow.
Q: Bakit nga ulit yellow?
Dace: Well, ang color namin nung high school [Rizal] e basically yellow. Hindi ko in-expect na ang color pala ng school nung college e yellow rin. So nagtuloy-tuloy na.
Q: Favorite song?
Dace: Terrified by Katharine McPhee feat. Zachary Levi. Tapos hindi rin ako nagsasawang pakinggan yung Some Nights ng Fun..
Q: Movie?
Dace: Madami. Super! Ganto na lang, okay lang panoorin siya ng paulit ulit.. A Walk To Remember, The Hunger Games, Silver Linings Playbook, Aquamarine, Leap Year, Dark Knight, and Marley and Me.
Q: Anong movie yung super umiyak ka?
Dace: My Sister's Keeper, Fireproof, and Bruce Almighty. Yung Marley and Me, one week siguro akong umiiyak dun. (natawa)
Q: E yung movie naman na takot na takot ka?
Dace: Feng Shui! One week naman akong balisa nun!
Q: (Natawa) Sinong favorite actor mo ngayon?
Dace: J-Law! Whoooo! Gusto ko siya maging BFF! Pwede mo bang gawan ng paraan? Pleaaase!!!!
Q: (natawa) imposble ano ba!
Dace: Grabe. Ang astig Jennifer Lawrence! Nakikita ko yung sarili ko sa kanya. Kala ko ako na ang pinaka-awkward na tao sa mundo meron pa pala. Siya rin e! Ahm gusto ko rin ngayon si Hugh Jackman, Robert Downey Jr., Bradley Cooper, Mila Kunis, Heath Ledger, Anne Hathaway, Jim Carrey, Jennifer Aniston. . In short, super movie addict ako ngayon!
Q: Okay, next question. Which I know alam ng lahat. Favorite food?
Dace: Sinigang! Lalo na yung baboy and baka.
Q: Kahit sinong magluto ganun?
Dace: Yup. Ay wait, isang sinigang lang yung natikman ko na hindi talaga masarap e. Dorm days, binili ko sa may lampas ng Asturias. Hindi talaga masarap! I remember ending up super disappointed at mangiyak-ngiyak sa dorm.
Q: Ito new question. Favorite word?
Dace: (napa-isip) I don't really have a favorite word e. Well, I guess it's ano na lang 'forgiveness'. I don't know. There's something in forgiveness na super deep. Such an expensive word.
Q: Indeed. So most hated word?
Dace: Are you kidding me? You didn't know? I don't want to say it because I just hate saying it. My close friends knew it and they always saying it out loud just to make fun of me!
Q: Ano nga? (natawa)
Dace: Just ask them. Ayoko ngang i-announce dito sa blog. Mamaya may makabasa pa.
Q: Fine. So ano pang hinahanap ng isang Dace Alcala?
Dace: (natawa) Naalala ko dati. Sa isang maliit na mall sa may amin, nawawala yung isang friend namin. Tapos merong isang saleslady dun tinanong kami "Ano po hanap nila?", sabi ko "si Emily po." hahaha sobrang nakakatawa. Well. So ano pang hinahanap ko? Marami. Una, trabaho na kung saan ang task ko e kung saan ako magaling. Well, siguro yun muna. Mahirap mag-request ng madami.
Q: So what is your prayer?
Dace: My prayer is for God to give me patience. Sabi sa movie na napanood ko, hindi basta basta binigay ni Lord yung patience. Ang binibigay niya e opportunity. . . 'opportunity to become patient' so ito na nga. In God's time. I will find answers.
Q: Alam mo feeling ko nag-mature ka.
Dace: Seriously? (natawa)
Q: Oo. You're a changed woman.
Dace: Thanks!
Q: Message mo sa readers mo? And promote mo na rin yung blog mo!
Dace: Yeah yeah. Guys! Maraming maraming salamat sa lahat ng patuloy na pagtangkilik sa blog ko dito sa Blogger at sa Definitely Filipino! Meron na po tayong 935 readers na nakabasa ng article ko na Ganito Kami Sa MRT. Maraming salamat po. Patuloy tayong mabuhay sa JOKE na buhay na ito! God bless!
Q: Thank you Dace sa time. And I'm hoping and praying na lahat ng pangarap mo sa buhay e ma-achieve mo soon. Please tapusin mo na yung nobela mo na matagal mo nang nakwento sa akin! Tagal ko na kayang inaantay yun! Thank you Dace. May the odds be ever in your favor!
Dace: Oo nga! Guys abangan niyo yung sinusulat ko----
Ang susunod na programa ay Rated PG. Ito ay nangangailangan ng patnubay at gabay ng magulang para sa mga batang mambabasa . . .
