Saturday, December 29, 2012

The Buss Interviews


Sobrang saya ko dahil mahanap ko rin yung backup copy ko ng mga articles ko sa friendster blog! Sabi ko na nga ba na-copy ko yun dati kasi ang pagkakaalala ko e natakot ako nun nung nabalitaan ko na mag shut down na ang friendster at mabubura lahat. LAHAT LAHAT. Ayun dahil wala akong magawa sa bahay, nakita ko yung CD na may pentel na nakasulat na "dace's documents" at nakita ko siya dun. Ang saya lang!

Ang mababasa niyo ngayon ay isang segment ng mga favorite na nagawa ko. 3 iba't ibang klase ng interview yan. 2 sa Friendster at 1 sa Facebook. Kakatuwa kasi sila ay nasulat sa iba't-ibang taon at dahil sila ay produkto ng ka-boringan ko sa buhay, na-compile ko sila.

Enjoy! :)


Thursday December 18th 2008, 4:00 pm 
Filed under: Ako bilang BLOGista


Si Grace Alcala, ang epal na blogger, ay aming ininterbyu para lang may ma-ipost uli dito sa kanyang blog. Dito nakita namin ang pagka-humble at pagkamasayahin nitong batang ito. Wala siyang inurungang tanong kasi naman walang mahirap na tanong. . . ito ang kabuuan ng kanyang interbyu:

Q: So, Bakit naging Dace ang nickname mo?

Dace: Kasi po nung maliliit po kami e mga bungal mo kami, kaya po mahirap bigkasin ang grace, kaya po naging Dace.

Q: First year college ka diba?

Dace: Opo, Commerce po.

Q: Commerce? Hindi ko alam magaling ka pala sa math?

Dace: Nako! Hindi po napilitan lang po. Kasi Acad po ang napasa ko sa uste.

Q: Ah . . Bakit? Ano ba ang gusto mo talagang course?

Dace: Yung course na related po sa Media.

Q: Ah. . ComArts?

Dace: Parang ganun nga po.

Q: Bakit?

Dace: Sa tingin ko po kasi e dun ako magiging masaya.

Q: Bakit hindi yun ang kinuha mo?

Dace: Ayaw po ng family e.

Q: Ah . . Ma-iba tayo. Kamusta love life?

Dace: Po?

Q: Kamusta kako ang love life mo?

Dace: Ah. . Nako wala po! (laughs)

Q: Ever since?

Dace: Yah, Ayaw din po ng parents. Pero crush pwede (laughs)

Q: Sige na nga, sino ang first crush mo?

Dace: Si Dennis po ng Ghost Fighter.

Q: Yung anime?

Dace: Opo.

Q: Weird ah. Maron ka pa bang gustong i-share about crushes?

Dace: Dati po crush ko rin po yung Kuya na kasama ko mag-praktis sa Table 
tennis.

Q: Wow, anu name niya?

Dace: Bino, if i am not mistaken.

Q: Nagkikita pa ba kayo?

Dace: Nyak. Hindi na po. Simula ng kumalat e hindi ko na siya crush! (laughs)

Q: Sige dahil good girl ka, change topic na. Anung pinakamahal ng gamit meron ka?

Dace: Yung braces ko po.

Q: Ah. so how much?

Dace: Nako, di pa nga po tapos bayaran! (laughs)

Q: Ah. . Favorite mong gamit sa bahay?

Dace: Gitara ko po.

Q: Ah. . Anu-anu mga tinutugtog mo?

Dace: Marami po. Karamihan po kay yeng.

Q: Anu-anung kanta?

Dace: Yung kay yeng po, yung sa album nya po. Bakit Nga Ba?, What About Us, Himig ng Pag-ibig. Tapos kay colbie rin po yung Droplets.

Q: Ay teka, balita ko na-ospital ka?

Dace: Ah. Opo. Kahapon lang ako lumabas.

Q: Ano ba sakit mo?

Dace: Empatso po. (laughs)

Q: Empatso? Bakit?

Dace: Kasi po. ang dami kong kinain. Fried Noodles, Donuts, Overloaded fries, tapos crispy pata po.

Q: Ah kaya. Pero 100% ok ka na ba?

Dace: Opo, very much!

Q: Anong gusto mong gift this christmas?

Dace: Bibilhan nyo po ako?

Q: Hindi ah, nagtatanong lang..

Dace: Ah. (laughs) Ahm. . Gusto ko po lumang gamit ng magbibigay, para sa akin mas valuable yun kesa po bibili pa ng new.

Q: Ah. . E ano naman gift ang gusto mo na makakapagpasaya ng buhay mo?

Dace: Gusto ko po ng aso, yung kamukhang kamukha po ni Ate. Pag nangyari yun. Bibigay ko ang kaluluwa ko dun sa magbibigay! (laughs)

Q: Ah si Ate, Kilala ko yun. Pero may bago ka naman bang doggie?

Dace: yap si Gucci po.

Q: Si Ate ay west highland white terrier, si Gucci ano?

Dace: Lobo po. yung katulad ni Angel Locsin. (laughs)

Q: Weh? Di nga?

Dace: (laughs) Joke lang po. Askal po siya pero di normal ang laki.

Q: May mga libro ka na ba nanabasa?

Dace: Opo, yung libro po ni Ricky Lee yung kasalukuyan kong binabasa.

Q: Anu yun?

Dace: Yung Para kay B po

Q: Ah. Nabasa ko na rin yun. Love story siya, So naka-relate ka naman?

Dace: Nako!! Hindi po. Mejo walang sinasanto po yung mga characters dun.

Q: Kung sa bagay. Kumusta na ang Rizal mo?

Dace: Ayus lang po. Actually we’re getting ready para sa Reunion.

Q: Reunion? Kailan?

Dace: Not sure pa po ang date.

Q; Nako. Sure akong kapanapanabik yan!

Dace: Syempre po! Teka nga po. Pwede po bang tapusin na ‘tong interview? 
Ksi po nagugutom na ko. Baka umatake po uli itong gastro ek ek ko.

Q: Aba! Sure. Actually tomguts na rin me. Last na. Message sa readers mo?

Dace: Ahm.. Guys.. Salamat dito sa pagtangkilik sa blog kong walang kwenta ah.. Pero maniwala kayo, based on true experience itong mga posts ko! (laughs)

Q: Salamat sayo, binibining Dace! Hanggang sa Muli!

Dace: Teka po! Hindi pa po kayo nagpapakila. . . . .

(Bigla na lang nawala ang mga salitang nagmumula galing dun sa wirdong letra na ‘Q’. At si Dace ay patuloy sa pag-iisip. . )

Dace: Sino kaya yun tanong nang tanong?? Si Tito Boy kaya? Baka si God? Si Big Brother ata. . ????? Di bale na.. ikakain ko na lang ito.. :D

GUUUUTTTTOOOOMMMM naaaAA KoooOOo!!!

rock on!!

(Published last December 18, 2008 on Friendster Blog)



Monday June 01st 2009, 5:46 am 
Filed under: Ako bilang BLOGista
Maraming natuwa sa naungang The Buss Interview na na-ipost ilang buwan nang nakakalipas. Hayaan niyong magkaroon ng Part 2 para naman may ma-ipost uli si Dace sa Blog niya dito sa friendster. Halika! Umpisahan na!
(habang inaaral ni Dace ang chords ng You Belong With Me e bigla na lang . . .)

Q: Hi Dace!!! (pasigaw)

Dace: What the F! (pasigaw rin at muntikan nang maihagis ang gitara ng kapatid niya) 
Grabe, nakakagulat ka!

Q: Pwede ba tayo ulit magkaroon ng interbyu?

Dace: Ha??? Kayo na naman po?! Dati umalis kayo ni hindi man lang kayo nagpakilala tapos interbyu na naman?

Q: Wag ka nang magulo! Hindi mahalaga kung sino ako! Ang mahalaga e may ma-isulat ka ulit. Tutal, buena mano ‘to ngayong buwan ng June.

Dace: Oo nga nu? Sige na nga po. Pagbibigyan ko na kayo.

Q: Ok. It’s been a long time bago kita hindi naka-usap. . kamusta ka na?

Dace: Ito po, wala ng braces. Splint na lang po ito. Para ma-cure ‘tong disorder na kinakaharap ko.

Q: Ah. Oo! Nabasa ko yung blog mo ’bout jan sa TMJ. Pero you feel better now?

Dace: Opo, I’m improving. Kahit posture ko.

Q: Good to hear it! Teka, enrolled ka na ba?

Dace: Ahm. Opo.

Q: Walang idea for shifting?

Dace: Wala na po. Enjoy ko na lang kung anong meron ngayon.

Q: Maiba tayo. Latest movie na napanuod mo?

Dace: Manay po sa Cinema One.

Q: Latest book na nabasa mo?

Dace: Like the Flowing River ni Paulo Coelho.

Q: Anong ulam niyo ngayong gabi?

Dace: Pati po ba yun aalamin niyo?

Q: Sagot na lang iha!

Dace: Ahmm.. Sinigang na baboy po.

Q: Hmm. Sarap! May boypren ka na nu?

Dace: (Na-samhid) Ha?? Wala pa!

Q: Alam mo, meron akong kilala jan, bagay kayo!

Dace: Sino?

Q: Si Lee-min Ho, o Jun Pyo.

Dace: Nako magkakasundo po pala tayo e! Nako! Correct kayo jan! (laugh)

Q: So crush na crush mo siya ano?

Dace: Grabe! Sobra, as in! Iba yung kaguwapuhan niya e! Yung makita ko lang siya, parang 
may sparks sa mga smile ko.

Q: Hanep! May ganung effect?

Dace: Ayus ah, maka-hanep ka ah! (laughs)

Q: Ehem, anyways, weirdest phobia mo?

Dace: Yung weird po? As in, weird?

Q: Oo.

Dace: Ahm.. Marami po.. Nung bata ako, dentist. Pati po makuryente ang siko ko. Ayaw 
kong mangyari yun!

Q: Takot ka pala sa dentist?

Dace: Opo, dati. Iiyak muna ako bago magpabunot ng ipin. Pero ngayon di ko expected na 
halos everyday e dentist ang kasama ko. Dahil nga po dun sa therapy.

Q: Ah. Alam ko yung therapy mo. Anung feeling?

Dace: Dahil sa therapy feeling ko e.. Parang hmm.. Mas bagong tao ako. yung dahil po sa 
posture ko, ngayon po kasi aware na ko. Parang iba.. Iba po kasi talaga yung feeling na 
hindi ko deretsahan ma-explain.

Q: Ok. Ma-iba tayo. Nasira daw yung gitara mo?

Dace: Grabe naman po kayo! Pati yun alam niyo?

Q: Syempre naman! E bakit ba nasira?

Dace: Kasi yung pamangkin ko po. Naano niya, napatid yung 1st string. Hindi ko magamit 
tuloy, ‘Di pa pa naman ako sanay magtono.

Q: Tsk! Wala kang nabiling parts nun?

Dace: Nako wala po! Meron isang set! E kelangan ko lang naman po e dalawang out of this 
world na screw. E wala.

Q: Magkano yung set nun?

Dace: 550php.

Q: Shetness! Mahal!

Dace: Makamura ka ah! (laughs)

Q: Joke lang. Ito naman. .  Anong paboritong parte ng katawan mo?

Dace: Mata po.

Q: Bakit?

Dace: Ahm. Wala lang, mahaba po kasi pilik mata ko, basta. Feeling ko special talaga eyes 
ko e.

Q: Teka ano ba yang ina-aral mong kanta?

Dace: yung ke Taylor po. You Belong With Me.

Q: Uy.. Dedicated kanino?

Dace: Ito, lahat sa inyo me issue! Hmp!

Q: Grabe! Joke lang, ito naman . . Oh sige ano ang hinahanap ng isang Grace Alcala sa 
isang lalaki?

Dace: Naks! Parang the buzz tough ten ah! (laughs) . . Ako? Ahmm.. Syempre gusto ko 
pareho kami . . ng likes at dislikes. Gusto ko magalang, walang bisyo, at gwapo. (laughs) 
Assuming po e nu? (laughs)

Q: (Laughs) Nako, wag ka mag-alala, ihahanap kita jan ng ideal man mo!

Dace: (laughs) Nako, too early and I’m too young, saka niyo na po ko hanap! (laughs)

Q: So, may plano ka bang pupuntahan this week.

Dace: Opo napakarami kong plano this week kasi next week pasukan na naman!

Q: Ano naman?

Dace: Syempre appointment sa dentist, ahmm. sa June 6 si Yeng po nasa SM. Bibili po ako 
ng bag ko. Sana ma-ibili din po ko ng tsinelas baka po kasi mabaha baha ako sa Maynila. 
Tapos po.. Gusto ko magburn ng calories kasi Panget sa new uniform ang mataba. Syempre aasikasuhin ko rin po yung nasira kong gitara. Pati na rin yung printer na fake ang ink. Meron pa po akong hindi nababasa na libro. Tapos, mag-paparegistered pa po pala ako, para sa nalalapit na eleksyon. Gusto ko rin po makapag tennis. Sana makalaro po ko, kahit jan lang sa Pulo. Nako sana nga po e matapos yun nitong linggo e..

Ahmm.. nanjan pa po nba kayo?

Hello??

Excuse me??

Hmm.. Mr. Q.???

(Hindi na narinig pa ni Dace ang boses ng letrang ‘Q’)

Hello??? Wala na pong tanong???

(Naubos na ata ang unli-Call ng letrang Q.. O baka nawalan na siya ng signal? O baka meron naman ibang blogger siyang ininterbyu… Hmmm..)

Hello???

Mr. Q? Asan po kayo?????

rock on!

(Published last June 1, 2009 on Friendster Blog)


The Buss Interview 3

by Dace Alcala on Wednesday, June 23, 2010 at 11:12pm ·

Note: kung hindi maka-relate, basahin muna ang sumusunod.

http://dacerizalista.blog.friendster.com/2008/12/the-buss-interview-d/

http://dacerizalista.blog.friendster.com/2009/06/the-buss-interview-2/

pero sa tingin ko di niyo rin naman babasahin yan, kaya dumeretso na lang tayo sa interview. hahaha
wag nang magpaliguyligoy pa. haha
GAME!


Q: Psst!

Dace: (lumingon) ???

Q: Psst!

Dace: (nakakunot noo) ????

Q: Psst!

Dace: Anu ba??!!! (pikon na)

Q: Hi!!

Dace: Ha? Ikaw na naman?

Q: Yup ako nga! Musta?

Dace: Hmp! Ayoko ng kausapin ka!

Q: Bakit?

Dace: Basta!

Q: Bakit nga?

Dace: Naiinis ako sayo!

Q: Oh?

Dace: OO!

Q: Bakit?

Dace: E nakakainis ka e! Bigla ka na lang susulpot tapos biglang mawawala. Nagmumukha tuloy akong tanga, mag-isang nagsasalita.

Q: O sorry na, syempre hindi sa interbyu dapat may break din parang commercial.

Dace: O Sige na. O bakit nandito ka na naman?

Q: E anu pa nga ba, edi mag-iinterbyu ulit. Balita ko kasi e mas maganda ang pag post mo dito sa fb dahil maraming features, etc.

Dace: Kaya nga e. Ayus talaga dito, kaya dito na tayo mag-aano ha.

Q: Ok.

Dace: (nag-smile/plastic)

Q: Ahm. Teka, ikaw ah. bakit ganyan ka?

Dace: Anu na naman? Anu na naman napansin mo?

Q: Hindi mo na ko pino-po.

Dace: (tumawa) Anu ka ba, understood na yun! Basta close tayo, hindi ko na kailangan mag Po pa sayo.

Q: Weh? ganun ba yun?

Dace: Yess.. WEH.. (tumawa) Anyway, Oo ganun ako. Syempre ako lang siguro yun. Parents ko hindi ako nag Po pati sa mga close na Tita.

Q: Ah. Ayus at may trivia pa ko mula sayo.

Dace: Syempre ganun talaga.

Q: O bakit ka ginanahan ata magsulat ngayon?

Dace: Ahm. I'm happy kasi. Ewan, ang saya ko talaga.

Q: Uyyy...

Dace: (laughs) Ayan ka na naman! hindi love life!

Q: AY...

Dace: Anu ka ba, masaya lang ako, bawal? Saka dati pala, gusto kita makausap.

Q: Ako?

Dace: Oo, lagi nga kitang hinihintay nung panahong yun e.

Q: Kailan?

Dace: Medyo matagl na rin, yun yung time super depressed ako at gusto nang sumuko. E naisip ko, tsismoso ka. Baka malaman pa ng iba napag-usapan natin.

Q: (laughs) Bakit ayaw mong malaman nila?

Dace: hello? Baka matawa lang sila na malaman na ako malungkot. Never e. kaya ayun kinupkop ko na lang sa sarili ko. Hindi ko pinahalata. Para masaya ulit.

Q: O masaya ka naman ba?

Dace: Oo super.

Q: weeee...

Dace: (laughs) Hay nako! Ewan ko sayo.

Q: O kamusta naman sa school?

Dace: Ayun PM.

Q: Shet!

Dace: Maka-shet ka ah.

Q: Ay sorry. Panggabi???

Dace: Oo. Bakit shock na shock ka? E sure thing naman na gabi ang PM.

Q: Oo nga.. E pano ka?

Dace: (laughs) Natatawa ko. Lahat kayo yan ang reaction ng malamang PM ako. At first di ko matanggap. Nag-expect ako na AM ako e, e ayun. Minamalas lang. Saka don't worry, hindi na ko natatakot.

Q: Weh?

Dace: Oo, maliwanag naman sa daan e. Saka may kasabay. Saka hindi mainit.

Q: Hindi ka na natatakot sa hipi hipi gang?

Dace: Syempre takot pa rin, sino bang hindi takot dun. Pero alert lang ako. Ganun.

Q: Yes. Nag mamature ka na!

Dace: Talaga? Salamat!

Q: . . .

Dace: Anu? Naubusan ka na ng tanong? (laughs)

Q: Ahmm.. Lovelife?

Dace: (laughs) Anu ba yan! Sa pangatlong pagkakataon ng interbyu tatanong mo pa rin yan?!

Q: Syempre, laging kasama yan.

Dace: O, as always wala. pero I enjoy the company of my new friends. Saya pa rin.

Q: Hay, lagi ka namang masaya. Kailan ka malungkot?

Dace: Ha? Kailan ako malungkot? Bihira.

Q: Gaya ng feeling of disappontment?

Dace: No. Hindi ganun kababaw.

Q: Parang pag may mistakes?

Dace: Hindi rin. Lam mo ba if you laugh at your own mistakes madadagdagan ang years ng life mo. Kaya hindi ako ganun ma depress pag nagkakamali.

Q: E pano? Pano ka malungkot?

Dace: May lugar.

Q: Ha?

Dace: Sa sobrang lungkot. Maiiyak ako. Pero kailangan mag-isa lang. Maliwanag. Dami letters at numbers, gate, corner, may dadaan.Maraming dadaan. Lalampasan lang ako. Walang makakapansin. Doon. Yung lugar na yun, dun ako malungkot.

Q: ha? Weird mo. Ewan ko sayo.

Dace: Sabi mo nag mamature na ko. So ito na yun.

Q: Sabi ko mature no? Hindi weirdo!

Dace: (laughs)

Q: Medyo matagal na tayo nag-uusap.

Dace: O anu. alis ka na naman? Nang di nag papaalam?

Q: Hindi noh. O last shot mo na 'to. Message mo sa mga bumabasa ng blog mo ngayon.

Dace: Ah. Ehem. Guys, salamat sa pag babasa ha. Libangan ko lang naman 'to. Hindi dinidibdib ang mga nakasulat. Salamat pa rin talaga. Sa mga naka-appreciate, nag Like, nag share. Salamat. Sarap tuloy mag patuloy magsulat. Thanks! Rock on!

Q: Yaannn... bongga na. O pano. salamat sayo dace sa panibagong interbyu na ito.

Dace: It's my pleasure.

Q: O ayan na alis na ko. BYE.

Dace: BYE.
*at sa unang pagkakataon e maayos na nag paalam sa isa't isa ang letrang Q at ang ating bida na si Dace. Inaasahang masusundan ito ng mga panibagong interbyu sa takdang panahon..

teka, hindi niyo binasa yung link sa taas no? hahaha. sabi n nga ba e :)
salamat

(Published last June 23, 2010 on Facebook Notes)

Monday, December 17, 2012

I Need To

Ayoko ng malungkot. Ayokong magsulat ng malungkot. Kasi ang iniisip ko pag once na nagsulat ako ng hindi kagandahan e yung negative vibes ay present. Since hindi ako nagbubura ng posts, yung negativity e mananatili sa blog ko.. Forever. At ayokong mangyari yun.

Parang ganito, sobrang hirap gumawa ng tag line. Ayoko ng negative. Parang..

"May uwak sa gabing madilim."

Pansin niyo? Sobrang bigat ng nasabi kong sentence! Uwak means death, Gabi means loneliness, and Madilim means lose of hope. Pero tandaan na ang lahat ng nasabi ko e, imbento ko lang. Hahaha. Pero gets niyo ko?

Parang ang "Ang Buhay Ay Isang Malaking Joke."

Wala kang makitang negative sa tag line ng blog na ito at wala ka rin namang makitang sense. Kasi ganyan lang ang buhay. Tulad ng inaral namin sa Brand Management, ang pag gawa ng tag line ay dapat "K.I.S.S."

Keep It Simple, Stupid.

Life is simple, we complicate it. Kaya kahit anong mangyari ang buhay ay nananatiling isang malaking JOKE.

- - -

Ngayon nasa stage ako ng buhay na kailangang gumawa ng mabigat na desisyon.

Ang mag-resign sa trabaho.

Bakit kamo? Kasi . . .

"Hindi ako na cha-challenge."

Wow? E kung challenging pala ang gusto ko e bakit hindi ako mag apply na security guard? Challenging yun! Biruin mong gising ka 24 oras? O kaya minero? Challenging yun! Construction worker? Challenging yun!

(Okay nakakatakot na, kausap ko sarili ko.)

Seryoso, ano ba talagang gusto ko sa buhay?

Ang daming tanong na napakahirap sagutin. Dinaig pa yung mga tanong nung panel namin sa Defense.

Basta ngayon ang alam ko lang, it is not for me.

Parang yung trabaho ko dito is my weakness. Parang sa TOWS Matrix, ang strategy na kailangan mong gawin pag natapat ka sa weaknesses and threats ay REORGANIZATION. Hindi mo na kailangan pang mag-isip ng iba pang strategy. Wag ka na mag-effort. Dead end na.

Perfect example, Gusto mong matutong mag-gitara. Kaso hindi ka blessed mabigyan ng malaking kamay at mahahabang daliri. Kaya wala na. Kahit gusto mo hindi mo magawa dahil weakness mo ang maliliit na daliri. Pero ang maganda dito may pag-asa pa. Mag-ukuele ka!

So yun ang point. There's hope. There's always hope.

So I am choosing to follow my dreams and do things that I am good at. I would also like to take this opportunity to say thank you for my family and friends for supporting me. I am hoping and praying na this decision is what God wants for me. Like what He declares in Jeremiah 29:11 ". . .plans to prosper you and to to harm you. Plans to give you hope and a future." AMEN!

Masakit man, ipapasa ko na yung Resignation Letter ko. Kahit super hirap sa akin magsulat ng negative... 'cause I need to.

Sunday, December 16, 2012

End of The World

Five days left to laugh or . . die.

Whew. Parang kahapon lang sinabi ko yung salitang "Shocks" habang pinapanood ang pelikulang 2012. Ngayon, eto na siya. Sa Friday na.

Ikaw? Anong reaksyon mo sa End of the World, December 21, 2012?

Natatawa ako kasi ang daming chorvaness na lumalabas na senyales daw na malapit na magunaw ang mundo. Tulad nung kay Psy, pag na-reach na daw nito yung 1 billion hit (9 zeros), the end will come. Wow! Edi delete niyo na lang yung video! Kailangan rin bang manood ng concert ni Psy dito sa Pinas para makaligtas? Nakakatawa.

Ito pa ha. Imbes na mag paka-safe-safe sa araw na yun, ayun nasa UST ako nun. Paskuhan. Malamang sa malamang, nag-paparty o kumakain ng litsong baka.

WHAT IF...

End na nga sa Friday? Ako? Ang ma-feel ko.. CHALLENGE ACCEPTED!

Simula ng mapanood ko yung movie na 2012, nag-umpisa akong manood ng mga documentaries like "I Shouldn't Be Alive" "Man Vs. Wild" "Worst-Case Scenario" at madami pa. Ito yung mga palabas na educational at sasagutin ang tanong na, "How To Survive?" Siguro enough na yung mga natutunan ko kung paano makaligtas sa malupit na fortuitous event na mangyayari.

Pag magunaw nga ang mundo.. Ako ang BIDA! Parang movie. Hindi ako mamamatay. Dahil ako ang bida, walang bidang namamatay. Ililigtas ko ang mga tao. Lahat kayo. Dahil bida nga. Pero pag ako hindi naka-survive dahil priority ko kayo, Win-Win din kasi sa gate ng heaven, na-recognized na agad ako ng mga Angels at sasabihin sa akin, "Ikaw yun! Ikaw yun! Pasok ka na! Nakita kita sinagip mo yung bata! Pasok na." na may kasama pang palakpakan. 

Ito ang tanong.

Naniniwala ka bang end of the world na sa Friday?

Ako?

Hindi.

Yung sardinas sa bahay, 2014 pa mag-eexpire e.

Friday, December 7, 2012

Best Year Ever

Napansin ko lang. Bakit kaya wala akong Liham Pasasalamat nitong nakaraang birthday ko? Napansin niyo din ba? Hmm. Feeling ko hindi kasi ako nag-enjoy nung birthday ko. Actually, tinamad talaga ako magbirthday. Wala akong gana magplan. Pero excited ako. Oo, masaya ako kasi 21 years old na ako. Weeeeee! See kinilig ako niyan, kasi 21 na ako. Weeeee! Pero pero, wala talaga akong gana mag celebrate. Feeling ko dahil, best year ko ata itong 2012.

Since 2008, meron akong Liham Pasasalamat. Ito yung Thank You List ko sa lahat ng bumati sa akin, nagbigay ng gifts, at mag-appreciate sa lahat ng blessings. This time.. Iibahin ko ng kaunti. Gusto ko magpasalamat para sa buong taon ng pagiging 20 (twenteen) ko, dahil para sa akin... Ito ang best year ng buhay ko!

Twenteen years old ako nung narinig ko ang best words na pwedeng marinig ng isang tao.

"Ok, I will pass you.", galing sa Aristocrat Practitioner na nagpanel sa amin sa Thesis Defense.

Ito pa habang kumakain sa Asturias, over the phone, "Nasa list ka ng graduating students!" na galing naman sa isang kaibigan.

Narinig mo "Grace Jane S.D. Alcala" na binanggit ng prof para ikaw na ang umakyat ng stage at mag-shake ng hands ni Father OP nung Graduation Day.

At ang awesomest words na.. "Yes, you are hired.", galing sa boss ko ngayon.

Best feeling? Andito rin sa year na ito.
  • Yung feeling na present ka sa Neo-Centennial Celebration ng UST. Nanuod ng fireworks kasama ang best friends.
  • Yung feeling na masabihan ng compliments ng mga kaibigan noong Retreat sa Caleruega.
  • Yung feeling na experience mag-dorm na may mga gwapong kapitbahay.
  • Yung feeling na nakalabas na ng Arch of the Centuries.
  • Yung feeling na unang batch na naka-graduate sa QuadriPav.
  • Yung feeling ng panandaliang kilig.
  • At yung feeling na kumita ng sariling pera!
Ngayong taon din na ito marami akong nakilala. Una, sa Waterfront Philippines, Inc. Mga girl friends ko, OJT Buddies, (I miss them) na beautiful inside and out. Sa mga bagong kaibigan sa iba't ibang schools. Mga bagong kaibigan sa trabaho. Yung mga peeps rin na nasa iba't ibang probinsiya na may pagkakataon akong makilala. Mga tao sa MRT, yeah, included kayo! Haha kayo ang nag-chchallenge sa akin everyday!

Siyempre, hindi mawawala ang mas tumitibay na samahan ng pamilya at old friends. 

Ngayong taon finally natuloy din ang pinakaaantay kong Best Summer Ever. Dahil ngayong taon, nanggaling kami sa Norte (Ilocos Sur/Norte, Vigan, La Union, at Pagudpud at Windmills). Pati South ah! (Bicol Province, at ang Epic Mayon Volcano). Sobrang thankful kila Mama at Papa at napagbigyan yung matagal na naming hinihinging out of town!

Sa church din! Sa mga church-mates, sa Pastors and church leaders. Thankful ako kasi finally meron din kaming church na aattendan every Sunday. Sobrang masaya din ako na pinag-ppray nila ako pag birthday ko!

Sobrang masaya rin ako sa mas tumitibay na samahan ng mga kaibigan ko. Mapa-old friends from Grade School to College. At sa Rizal family, grabe. Sobrang happy ako for them sa mga achievements! Tapos nagtratrabaho na kami tapos sabay sabay umuwi at mag-overnight na matagal na matagal ko ng gusto ma-experience! Finally!

Speaking of overnight. Sobrang thankful ako dahil natapos rin yung unit namin sa Victoria Station 1 Condominium. Hindi hassle sa akin umuwi ng Sto. Nino AT nagagawa ko maginvite ng kaibigan for sleepover dahil hindi ako pwede matulog mag-isa. Ako na ang pinakamasayang tao sa mundo!

Highlights lang ito ng pagiging BENTEen ko. Haha sorry, ayaw ko i-let go yung pagiging teenager e. Pero ang saya lang talaga nung naging Twenteen, haha twenty na ako...

Kaya Lord Jesus! I want to thank you for all the blessings! You're so awesome e. Never ko na imagine na dadating yung araw na ma-experience ko ang mga bagay-bagay tulad ng mag-dorm, gabihin umuwi as in gabi ha, sleepover, umagahin dahil nasa The Fort pa, at marami pang iba. Konting antay lang pala. Thank you Lord! Sorry na rin sa limpak limpak na kasalanang ginawa ko ngayong taon. Hindi ko sila mabilang pero Lord, You still chose to forgive me. Lord, I want to receive more of Your love, forgiveness, and grace. Lord, you know the desires of my heart. Where I wanna be and who I want to be sa mga susunod na araw, buwan, at taon. Kaya Lord I'm asking for your guidance. Lead me always. Let your will be done. I am giving you back all the glory, honor and praises. In Jesus name, AMEN!

Twenty-one na ako. YEHEY! Sana next year "Best Year Ever" ulit ang title ng post ko.

:))))