Tuesday, December 29, 2020

Anong Ginawa ng Pandemic sa Akin?

Bago matapos ang taon, parang gusto magsulat. Parang “Sige pagbigyan.” Hindi na kasi pwedeng idahilan ngayon na walang oras, dahil potek napakaraming oras. Oras na binigay ng pagkakataon dahil sabihin natin sa majority ng mga araw na lumipas e nasa bahay lang tayo. Oras na ginamit natin alamin saan tayo magaling para kahit pa paano e pagka-perahan. Oras na nasayang (madami dami ito). Oras malaman kung saan ka sasaya. Madaming oras, kaya

“Sige, pagbigyan. Magsusulat ako. Ulit.”

---

Binago tayo ng pandemic. Binago ako. Dating ako na laging may pakielam sa mundo, ngayon wala na. Una, parang sa trabaho-- wala akong paki. Next, ako na sabik na makita mga kaibigan, ngayon e parang ayoko bigyan ng oras. Na-realize ko kasi na kung nakakapag-usap naman sa internet bakit kailangan pang makita ng personal? Parang nawalan ako energy makipagkita and mas gusto na lagi mapag-isa. Pero ang kaakibat 'non e alam natin na hindi lahat ganun, na ang gusto Facetime, Messenger lang? Hmm. Ako nga ayoko nun. Kaya dahil diyan more chances na mawawalan ka ng kaibigan. And sa part ko, wala akong paki.

Nawalan ako ng paki simula nang lumalabas ako. Lumalabas ako na ang tingin ko sa iba ay dapat parang wala yung existence nila. Mabuti pang wag mo na isipin ang ibang tao dahil baka mamaya may virus sila. Tapos pag mahawa ka, mahahawa din mga mahal mo sa buhay. It sucks!

Pag pala kasi pinili natin na wala tayong paki, pinili natin ang safety ng bawat isa. Pwedeng mali ako, pero ganun yung pinipili ko sa araw-araw.

Gusto ko na matapos ang pandemic dahil ayoko yung fact na nabago ako. Hindi talaga ako ganito eh. Miss ko na yung dating ako. Miss ko na magkaroon ng paki.

Iiwanan ko talaga ng bad review ang 2020 dahil sa ginawa niya sa akin. Pero sana kayo hindi nabago tulad ko. Sana ako lang, para pag tapos ng lahat ng 'to, babalik tayo lahat ng parang walang nangyari. Babalik katulad ng dati.

Pangako, babalik ako. Yung totoong ako.. pagtapos ng tang inang pandemic na 'to!