Thursday, December 21, 2017

Birthday/Ba-bye Blog - Gab

Dapat nung birthday pa ni Gab itong blog na ito e kasi hindi ko alam kung paano babawi sa hindi pag attend sa birthday party niya. Hmp, ‘di ko ba alam. Kinain ako ng sistema ng Christmas Ops kaya bigla bigla na lang talaga na hindi ako nakapunta. Sorry na Gab, nako kahit mag-sorry ako hindi niya yun makakalimutan! LOL! Basta naniniwala ako na ang paggawa ng blog e mapapatawad mo ko. HAHA

Umpisahan natin sa laging tanong na “paano ba tayo naging magkaibigan?”

Hmm. Kanina ko pa iniisip. Hindi ko maalala (for sure, galit ka uli dahil di ko maalala). Kasi sure ako ang unang kong naging friend e si Lee (galit ka na naman) HAHAHA! Inaalala ko talaga, basta feeling ko nagumpisa ito sa pag dinner natin ng ilang beses sa Petron, kung saan hindi natin pinag-uusapan ang mga problema sa office (LIE) at maraming pang iba na tulad ng mga revelations na gusto mo mag work sa Airbnb, ako naman sa Buzzfeed. Ikaw na gusto maging racecar driver like Gaby dela Merced at ako naman e bumbero dahil gusto ko ma-experience bumaba galing sa tubo sa taas. Doon ko talaga una naging ka-close si Gab, nasundan ng table tennis sesh, BT Caravan sa probinsya kung saan na develop mo ang skill ko sa beer pong, Ham & Cheese sampling vid, na first prod namin together HAHA, at ano pa ba, ang pagkain ng dinner sa Cedro’s. So, ayun naman pala, hindi ko nakalimutan (love mo na ako ulit!)

Madalas kong tanong sa sarili ko, paano kaya kung meron akong kaibigan na kagaya ko? Gets? Paano kaya kung friend ko ang gaya ko? Actually, nagawan ko ng blog ito before. Kasi pagkakakilala ko sa sarili ko e mabait talaga akong kaibigan. I’ll do anything for friends, kasi yun ang isa sa hindi ko makakalimutang tinuro ng Mama sa akin, sabi niya, “ang kayamanan natin sa mundo e ang mga kaibigan natin”. Nakakatawa kasi sa tagal kong tinatanong yan sa sarili ko e nakita ko ang sagot kay Gabbie.  Si Gab parang ako. 1. Laging nandiyan 2. Nagrereply within 10 seconds 3. Mapagbigay 4. Mas inuuna ang needs ng iba kesa sa sarili niya.

And sa part ko, si Gab e laging naka-support sa akin sa mga gusto ko sa buhay like pag pasok sa abs-cbn, sa pagsulat dahil binabasa niya ang blogs ko, pagkanta dahil nagustuhan niya ang Fresh Eyes cover ko, at marami pang iba.

Maraming nakakatawang kwento with Gabbie! Iniisip ko pa lang natatawa na ko. Isa na dito yung muntik na ako mamatay sa linsyak na 3 bote ng beer! Yun na ata ang pinakalasing moment ko at laking pasasalamat ko na si Gab ang andun, biruin niyo buhatin at kaladkarin niya akong mag-isa?! Utang ko isang life ko sayo (So pang-ilang life ko na nga uli ito?)

Tinanong ako ni Gab bakit hindi ko naiiyak aalis na siya. Sumasagot ako ng tawa lang. Pero sa totoo, meron akong rason.

Una, alam kong masaya ka and gusto mo ito. And pangarap mo ito. Magugutom lang at walang makakain sila Tita Lout and Raprap!

Pangalawa, pagod na ako umiyak Gabbie. Hindi mo alam ito, sorry di ko makwento. Kilala kita e, di ka titigil hangga’t di natin maayos. Pero, okay na ako. Malapit na.

Pangatlo, hindi ako naiiyak dahil . . Alam ko naman hindi ka mawawala. Lalayo ka, pero hindi mawawala. Siguro, yung mga ibang friends natin na umalis, e sobrang nalungkot ako kasi siguro andun yung takot na magiging busy sila, mawawala na yung dati, and yung pagsasamahan e mababago. Pero sayo? Never ko na-feel Gab. Siguro dahil, sure nga ako na parehas tayong klase ng kaibigan. And napatunayan ko naman na, dahil sa dinami dami ng ininvite ko sa birthday ko, ikaw lang ang nakarating! Hahahaha. So tama ba ako Gab? Lalayo ka lang, pero hindi mawawala?

You will always be the Rachel to my Phoebe.

Love forever and always,
Dace :-)