Sunday, March 23, 2014

Bloopers ng Totoong Buhay I

Grabe ang tagal kong hindi nagsulat. Nakakalungkot kasi nagpadala ako sa agos ng trabaho. Sumabay sa mabilis na takbo ng oras. At nakalimutan ng gumawa ng mga bagay na nakakatulong para mas makilala ang sarili.

Kaya naisipan ko tuloy magsulat dahil gusto kong magbasa. Parang, maghanap dahil may nawawala, kumain dahil nagugutom, at magsulat para may magbasa.

Ang dami ko na kasing kwento na na-stuck na sa utak ko e. Overload na, parang isang iglap sasabog na yun tapos bigla ko na lang makakalimutan. Nako wag naman. Kaya gusto ko na talaga siya ikwento. .

----

Masayahin akong tao at weird. If you're going to be weird, be confident about it. Kaya ang confidence level ng weirdness ko e above average. Ako lang yung tao na sisigaw ng "Go USTe!" habang ang naglalaban naman sa volleyball e kapwa thomasians na AB and Commerce at naging dahilan ng pagtingin ng halos kalahati ng audience sa akin. Weirdo! Ako yung walang paki-elam sa sasabihin ng iba, kung ano ang itsura ko sa picture, ayos ng buhok, pananamit. I love the fact that I don't care that I don't care. Siguro ganito rin ako dahil napadaming karanasan at masasayang alaalang dala ng mga bloopers sa totoong buhay:

1. Ang Check

Kami ng aking super friend na si Ar ay nagsstroll sa isang high-end (LIE) na mall sa Meycauayan. Mahilig ako bumili ng mga bracelet, necklace, at kung anu-ano pa. Ang saya ko nun kasi finally! Nakakita rin ako ng baller, na mukhang original (LIE) na sakto sa kamay ko, na color yellow! 

Dace: Miss magkano po itong baller na yellow?
Tindera: 10 piso lang.
Dace: (Humarap kay RR) Uy, Ar oh! 10 pesos lang . . gusto mo bili kita? Para pareho tayo?
RR: Hindi. Wag na ko. Ikaw na lang. (Umalis at tumingin sa kabilang tindahan)
Dace: Ahm. Miss, may Nike po ba nito?
Tindera: (May hinanahanap, Naghahanap ata ng Nike na brand) Ay. Wala na e . . CHECK na lang meron e. .


Na-shock ako dun. Windang to the max. Maluhaluha ako nun. Napakahirap pala pigilan ang tawa kaya ang nasabi ko na lang kay ateng tindera:

Dace: Sige po. Kunin ko na lang po yang CHECK niyo.

2. Ang Kutsilyo

Kahit hindi extended ang time ko sa mga galaan e minsan nabibigyan ako ng chance mag-overnight kasama ang Rizal friends sa GMA. Isang gabi ang kasama ko e si Joanne at Ariel. Marami kaming overnight rules 1. Pag waley ang joke mo, kailangan mo bumunot ng isang question sa Ice Breaker at sasagutin ng seryoso at may katotohanan. 2. Dapat patay ang ilaw pag natutulog. 3. Alarm tone sa umaga e Wide Awake ni Katy Perry at pang 4. Ang huling dumating sa GMA pag galing sa work e siya ang maghuhugas ng pinggan.

Pag-usapan natin yung number 4. 
Huling dumating ng bahay si Ariel kaya siya ang naghuhugas.

Busy kami ni Joanne sa pagkwekwentuhan. E matagal di nagkita e . .

Ariel: San ko lalagay 'tong kutsilyo?

Me and Joanne: (Kwentuhan pa rin)

Ariel: San ko lalagay 'tong kutsilyo?

Me and Joanne: (Kwentuhan pa rin)

Ariel: San ko lalagay 'tong kutsilyo?

Me and Joanne: (Kwentuhan pa rin)

Sumigaw na si Ariel:

"KANINONG PUSO KO ILALAGAY ITONG KUTSILYO?", na may halong matinding poot.

3. Wiwi

Kung meron akong isang bagay na malas, ay dalawa pala. Malas din ako sa True or False na quiz. at yung isa e pag nagpapa-Medical. Geez! Hirap akong umihi. Ihi ni mama ang ginamit ko nung nagpa-drug test ako para makakuha ng lisensya. Hirap talaga ako. Well, I learned from it. Kaya nung nagpa-medical ako for regularization sa Makati. Gallong gallon tubig ang ininom ko para hindi na ulit "Malasin".

On my way. Magallanes. Jeep. Sa harap ng jeep, katabi ni drayber. Papunta ng clinic. .

Sa isip ko, Oh no. Wag please.

Oo! Nakaramdam ako na parang maiihi na ko. Anak ng kwagong puyat naman ako!

E kung mamalasin ka talaga e mamalasin ka talaga, si kuyang drayber e nagsasakay pa ng pasahero at pahinto hinto. Pero, nanaig ang tapang nun sa akin, nasabi ko na lang talaga na isa na akong mature na tao.

Dace: Kuya, malayo pa ba?
Drayber: Malapit na 3 kanto na lang.

tatlong kanto asdfhjkahdgkhsdjkghakjghjkfglagjfla!!!!

Dace: E kuya ihing ihi na kasi ako e.
Drayber: Ha? Nako bibilisan ko na. Tiis tiis lang. Ganyan, galaw galaw ka lang.
Dace: Thanks Kuya. (maluhaluha)

E wala e, malas talaga. Stop pa yung Stop Light. Nakakita ako ng Mcdo.

Dace: Kuya, di ko na talaga kaya. Dito na lang ako.
Drayber: E malapit na e!
Dace: Hindi na talaga promise! Salamat.

Bumaba ako. Kailangan kong umattend ng seminar about bladder control!

4. MRT part 1

Kung meron man akong ayoko, e ayokong may nagaantay sa akin. Mas okay kung ako ang nang-aantay. Isang gabi, nagmamadali ako kasi si Pugs e nag-aantay na sa lobby ng condo. Kasabay ko si ex-coworker Kevin, ewan ko parang magsusugal ata siya kaya siya pupuntang Cubao. Gusto ko na siyang iwan, sabi ko sumakay na lang siya sa next train na maluwag dahil ako pipilitin kong pumasok sa hell, ay sa train pala, dahil ayokong nag-aantay si Pugs.

Sumama pa rin si Kevin, nakapasok na kami ng train sa may gitna. Worst part ever. Yun yung walang hawakan, at ang sisikan level nun e nasa 100%. Ayokong idamay si Kevin sa hirap na dala ng pagmamadali ko, kaya ang nasabi ko na lang.

"Kevin, bumaba ka na please. Next train ka na lang. Iligtas mo na ang sarili mo."

Epic.

5. Kape

Masasabi mo ang "Best Job Ever!" pag isa sa mga perks nakukuha mo e "Free coffee!" Oo. Libre ang kape sa dati kong office. Coffee of our choice. Ang laging iba lang e yung kay Sir Bob kasi yung kanya e yung green na Nescafe, diabetic e kaya sugarfree yun.

Morning. Habang nagtitimpla ng kanya-kanyang mga kape . .
 
Kevin: Sir Bob, sugarfree yang kape mo di ba?
Sir Bob: Oo.
Kevin: E bakit 3 in 1 pa rin?

At yun ang tanong na di pa rin nabigyan ng kasagutan mula ngayon.

6. Mallows

Favorite ko ang Mallows! Sinong may ayaw nun? Wala! Dati nilibre kami ni Ma'am Karen. Isang box! Bigtime! Hindi nga namin agad nakain yun kasi sa sobrang ka-busyhan.

Isang araw, nauna ko ng tinira yung mallows. Kumuha ako ng isa, binigyan ko rin ng isa si Ma'am Shei. Dahil weird nga ako, nginuya ko na muna at kinalat sa ngipin. 

Dace: (nakangiting tagumpay) Ma'am Shei madumi? 

Natawa si Ma'am Shei.

Ma'am Shei: Teka, ganyan ka lang. Picturan kita.

Kinain na rin niya yung isa habang kinukuha ang kanyang iPhone 5 ng biglang..

Ma'am Shei: Bakit ganun yung lasa?

At nung nakita namin sa Expiration Date: EXPIRED!

Takbo akong C.R. Hindi mo na gugustuhin malaman ang mga sumunod na nangyari.

5. Ang Likod

Ang pag plano ng gala sa Rizal e parang nagplano ka ng Wala. Isang gabi ng mahabang usapan sa Facebook kasama ng mga kaibigan, e pinaplano namin sana ang masayang outing. Walang mabuong plano. Galit na si Jacq . .

Jacq: E saan tayo sasakay?
Kevs: Sa likod mo!

At simula nun, naging mode of transportation na ang likod ni Jacq. Such a privilege. Be proud Jacq, be proud.

6. Malinta

Sa mga susunod na araw, kung meron man akong blog. Gusto ko mabigyang pansin ang mga taong bumababa sa Malinta kung saan dapat silang unawain. Pero dahil mahabang istorya yun, e sa susunod na nga lang.

Isang araw. Kailangan maaga sa office kasi Flag Ceremony. Computed ko na yung oras. Aabot ako, basta hindi trapik, walang aberya sa NLEx at makababa ng Malinta ng okay.

Sa sobrang pagtingin ko sa orasan habang nasa NLEx e parang nakalampas na ng Malinta.

Nag-hysterical ako.

Dace: Kuya may Malinta! May Malinta! May Malinta! May Malinta! May Malinta! May Malinta!

Sigaw yun at may matching taas ng kamay na parang sa pelikula.

Drayber: Caltex pa lang neng!!!

Sigaw din ng drayber. At yun na ata ang most awkward moment ever ko.

7. 3 Idiots

Si Aves ang pinaka-techie naming friend (LIE). One time, binigyan ko siya ng movie dahil super nagustuhan ko. Yung 3 Idiots. Indian film, comedy, romance, drama. Basta maganda! It changes you.

One time naka-usap ko siya about dun.

Dace: Aves napanood mo na yung 3 Idiots?
Aves: Oo.
Dace: Ano maganda di ba?
Aves: Ahmmm. Okay lang.
Dace: Ha? Anong okay lang?! It's more than okay! Napakaganda kaya nun?
Aves: E maganda talaga sana siya kung may subtitle.

Take note: Indian film yun. Natapos niyang panoorin. Walang subtitle. *face palm

8. Piso

Isang araw, nag swimming kami sa Hidden Sanctuary. Sobrang biglaan, yung as in wala kaming food. Buti na lang talaga at merong San Marino Corned Tuna easy open kaya nabusog ang aming kumakalang sikmura. Wala kaming pinggan, kutsara, kamayan lang talaga! Natapos kaming kumain na makalat . .

Pugs: Ang daming kanin sa baba ng mesa.
Kevs: Oo nga e. May piso ba kayo diyan?

Naisip ko, aanhin ni Kevs ang piso para linisin yung mga nalaglag na kanin?
Dace, Ariel, Ar: Bakit piso? (sabay-sabay naming tanong kay Kevs)
Kevs: Ang tatanga! Sabi ko tissue!
Ariel: Dinig ko kaya piso.
Ar: Ako din.
Kevs: Hindi purket pareparehas kayo ng dinig, ako na yung bobo!!!

Patnubay ng magulang ang kailangan.

9. Animo 

I'm a Thomasian by heart. Well, kahit ganun e binigyan ako ng pagkakataon ng universe maging LaSallian. Nag masters ako for like 3 months? Nag-stop muna ako dahil medyo mahirap pag sabayin ang work at school. Napakaganda sa La Salle! Parang future. Kulang na lang pati CR e computerize. Dahil ang friends ko lang doon e si Kevs and Joanne, talagang pag may pasok kailangan ko silang makita. 

Tumawag ako kay Joanne.

Dace: Grabe Joanne! Napakaganda dito sa La Salle. Ang ang daming gwapo! Tapos na ba class mo?

Joanne: Oo. Tapos na, puntahan kita. Saan ka?

Dace: Ahmm. . . Sa . . . (Literal na wala akong makitang signs kung nasaan na ako)

Walang consideration si Joanne. Newbie ako. Newbie!

10. Favorite Prof

Si Sir Real So ang favorite prof ko. Feeling ko ang performance ko sa school e naka-base sa mga prof. Dahil pag magaling ang prof, maganda din ang grades ko.

Lagi ako may recitation kay Sir kasi alam ko na yung style ng pagturo niya.

Well, literal na ako lang ang nag-rerecite nung period na yun tapos . . out of the blue . .

Sir So: Alam niyo class maganda si Alcala.
Nagsigawan ang klase. Namula ang tenga ko.

Sir So: The good thing about it is that she didn't know.
Ewan ko kung compliment yun kaya ang nasabi ko na lang . .

Dace: Sir, ano pa pong tanong niyo? Sasagutin ko lahat!

Hindi ko makakalimutan tong araw na ito.

----

Abangan ang Part 2 ng Bloopers ng Totoong Buhay