Grabe. Ito na ata ang pinaka-LATE kong birthday blog sa mga pinaka-DA BEST na kaibigan. Ano bang iniisip ko? Hmm. Sa totoo lang, geez, napasubo ako sa mga birthday blogs! Kailangan piliin masyado, pagtuunan ng pansin kung sinu-sino ang mga gagawan ko. Sa dinami-rami ng friends ko, mamaya may hindi makatanggap. Edi yari na! Yari ako. Ano ba ang basis?
Alam ko nasabi ko kay Ayi yun e. Sabi ko sa kanya, "Gagawan ko lang ng birthday blog yung mga friends na nakita ko lang sa nakalipas na 3 buwan. Pag humigit, next year na lang." (Paalala: NOT-A-BIRTHDAY Blog yung kay Aves ah. Nililinaw ko lang).
So yun nga ang basis. Ano pa ba? Sobrang challenging nito ah. Kasi sa buong taon, meron kang kaibigang magbe-birthday. Buong taon akong gagawa nito. Yan ang hirap pag masyadong kuripot sa pagbili ng materyal na bagay pang regalo. Pero no regrets, just love. Since, malapit na matapos ang taon. At nakikita ko na ang hinaharap na ang huling magbibirthday sa taon e AKO rin pala. Dapat lang e, magawan ko na ang mga October Celebrants!
KIM CHRISTOPHER DULATAS LEGASPI
Kimpoi.
My long lost kamag-anak. Actually, malapit na kamag-anak dahil yung mga tito niya e kilala nila mama. Astig di ba? Small world.
Una naming nakilala si Kim nung 3rd-Year. Tahimik. Si Kim ang dahilan kung bakit napatunayan ko na isa kong bad influence. Biruin niyong natalo niya si Freya sa Most Silent Student Award na si Ma'am Ng pa ang nakapansin.
Istorya?
Hinding hindi ko makakalimutan yung araw sa klase ni Ma'am Ng kung saan chill ang ambience at walang masyadong terror na pangyayari. Yung araw din kung saan na rin binigyan niya kami ng parang Rest Day dahil hindi siya nag-discuss ng lesson. Natapos ang period, napansin niya at sinabi na sa buong oras e si Kim lang daw ang hindi dumaldal. Pagkatapos nun, tandang tanda ko pa, pagkalabas na pagkalabas ng room. Kalahati ng klase e parang they feel sorry kay Freya dahil nahigitan siya ni Kim at andun ako, seatmate ni Freya, na parang ang laki-laki ng kasalanan ko.
Tahimik man si Kim pero sinasabi ko na hindi ganito magiging AWESOME ang barkada kung wala siya. Hindi pa uso ang pagupload ng pictures, Facebook, Instagram, at marami pang iba, e marami na kaming na-collect dahil sa kanya. Yung first time kong sumama sa swimming (Grotto Vista), hindi ako makapaniwala na talagang pumunta yung Daddy niya doon, hindi para magswimming, kundi para picturan lang kami. Napakadaming memories ang na-preserve dahil sa mga efforts na yun.
Video/Movie? The Best! I'm so proud. WOW? Hahaha sobrang awesome pag naglabas na ng trailer si Kim para sa mga events at swimming na pumantay sa ka-epican ng X-MEN. Gusto ko rin siya i-acknowledge dahil sa sobrang nakakatawang clips ng Rizal Big Brother and Selecta Ice Cream "Saan Aabot ang 20 pesos mo?". Pwede pa-request Kim? Gawa naman tayo ng San Marino Corned Tuna. (Wow, maka-promote?)
Bahay? Best BAHAY ever! Feeling ko nga na-iinggit yung bahay namin sa bahay nila Kim dahil una sobrang ganda niya at pangalawa, sobrang daming magagandang alaala ang nabuo doon. Noon hanggang ngayon. Bahay nila Kim ang best tambayan ever na may TV, WiFi, Charades, Camera, Christmas Tree, at si Happy (Pagbigyan mo na Star). Pero hindi ko pa rin talaga maintindihan, pag nanunuod tayo ng Movie, kung kelan papasok ng kwarto si Tito or si Tita, laging love scene na hindi decent talaga sa paningin yung laging timing (e.g. Black Swan)? Awkward!!!
Kaya Kim, we are so blessed to have you as friend. Isa 'tong si Kim na hindi mahirap ayain e. Sama agad. Si Kim e isang mahalagang character sa series ng buhay ko na papantay din sa How I Met Your Mother. True Story!
From a silent friend to a Philosopher!
MARYCHIELLE JANE ELNAS GAMAYAO
Cielo, Cielz, Cie. Geez. May pagtatapat ako, dati naiinis ako sa mga pangalang may Z sa dulo dahil ako wala. Jaypz, Kevz, Reikz, Pugz, Ninz, Avez, Te Noemz, Sheilz, Emz. Ang dami niyo. Sa sobrang inis ko gusto ko gawing Z yung DaZe e. Okay moving on . .
Cielo. Sa sobrang daming ikwento, baka umabot sa 90 pages tong blog na ito. Kay Cie, napatunayan ko na ang buhay e isang malaking JOKE. Minsan kasi sa buhay, may joke na nakakatawa. At sobrang dami talagang nakakatawa.
Nakakatawa yung time na masasagasaan na ako sa McArthur dahil hindi ko naisip (stupid) na may isang lane pa, at si Cie ang sumagip at humila sa akin.
Nakakatawa yung nalalaman mong grabe siya gabihin at minsan inuumaga kila Kevs.
Nakakatawa yung nag-uunahan kaming ma-kiss si Yeng nung nagpunta siya sa SM Marilao.
Nakakatawa rin yung pumunta siya sa bahay (birthday ko) at dinalhan ako ng gift at sa sobrang na-flattered ako e nakalimutan ko silang papasukin sa bahay hanggat sa nakaalis na sila at na-realize ko na, dapat pala magstay muna sila at kumain at buti bumalik sila.
Nakakatawa pag magkakasabay kami sa LRT nila Carla na dapat lagi kaming uuwi ng magkakasabay (Naalala ko yung effort ni Carla kontakin tayo kung di man siya makasabay e siya gagawa ng paraan para makapagsabay tayo HAHAHA).
Nakakatawa rin yung kinuwento niya na pinagkamalan siyang Panday ng Konduktor ng bus dahil sa madaming rulers na dala niya.
Nakakatawa rin yung umakyat kami sa Beato dahil titignan namin yung exhibit at napansin niya na mukhang familiar yung nasa 1st Place at late na namin na-realize na gawa pala niya yung structure na iyun. At mas nakakatawa yung panahon ng Arnis kung saan nawawalan na kami ng pag-asang mabuo ang barkada.
Istorya?
Me: (Habang dumedepensa ng palo ni Cie) Cie sa tingin mo ba makukumpleto pa tayo?
Cie: (Focus kakapalo) Sa tingin ko hindi na.
After ng PE. Siya papuntang Espanya, ako papuntang Dapitan. Nakalahati ko na yung field nang na-realize ko na, "Mali. Mali. Mali yun."
Bumalik ako para sabihin kay Cie na mali lahat ng sinabi namin. Nang pagkagulat ko, siya rin pala, pabalik na at nagkita kami sa likod ng Grand Stand.
Cie: Dace parang mali yung sinabi natin.
Me: Oo nga. May nabasa ko, ang kaibigang natapos e kailanman 'di nagumpisa.
Cie: Wag tayo mawalan ng pag-asa. Makukumpleto pa tayo.
WOW parang movie lang di ba? Napatunayan ko na yan. Ilang beses ko ng tinanong yan. Pero walang nagbago. Hindi nga kumpleto, pero walang nabago sa samahan. Pramis!
Isa pa. Arnis Days.
Me: (pumapalo, nagdradrama) Cie alam mo ba minsan inisip ko sana matatalino tayong lahat. Kasi pag nag UP lahat tayo, pwede tayong magkakasama lagi, sariling apartment. Kasi ganun sila Mark e.
Cie: Dace kung naging ganun tayo. Hindi tayo magiging ganito ngayon.
Yung ang hindi ko makakalimutang payo sa tala ng buhay ko. Walang pagsisisi dahil nung nagsabog si Lord ng True Friends sa mundo, binigay niya sa akin yun at isa si Cie doon.
Pero dahil ang buhay nga e isang malaking Joke. Minsan e may Joke ito na hindi na nakakatawa. At ang mga joke na ito sa buhay ni Cie e alam ko, alam namin. Well, that happens, and just reminding you na andito kami lagi para suportahan ka. Habambuhay. Pero wag ka mag-alala, for sure. Alam ko, sa mga susunod na araw, mas marami pa tayong iipuning mas NAKAKATAWAng mga istorya!
From Silent Friend to Philosopher to a Mathematician.
Joanne Ramirez (Thanks sa pagreply sa text ng middle name mo) Casanova
Hmm. Si Joanne e, hindi talaga namin kaibigan. Hahaha (positive tong blog. Wag ka mag-alala) Kaibigan siya Kevs. At kung kaibigan ng kaibigan namin, e kaibigan na rin namin. Except kung girlfriend/boyfriend, di ba Aves? Kailan nga ulit yung Friendship Anniversary natin? Parang February yun. Pero basta. Yung yung time na na-degue/pneumonia si Kevs. Nung unang nakita ko si Joanne. Sabi ko sa sarili ko, "Hmm. Siya siguro yung pinsan ni Kevs na laging kinukwento nila Cie na madalas nilang kasama." May kasamang tungo yun at kunot ng noo habang iniisip ko yun. Tapos later din nung hapong yun, nalaman ko e classmate pala niya siya sa La Salle at naisip ko naman, "Ah! Classmate. Dumalaw siya kay Kevs, ah girlfriend." Na may kasama namang panlalaki ng mata at may butil ng ngiti sa labi. Ever since, knwento ko na kila mama at papa na may girlfriend na si Kevs, si Joanne yun. Sorry guys. If I know sa ibang bahay din na mga napuntahan natin e yun din ang alam e. So ayun na nga. Doon kami nagkakilala ni Joanne, hanggang sa dumating ang point na siya na ang inaaya namin sa mga gala at hindi na si Kevs.
Nakakatawa nga. First Overnight Ever ko with my dearest Rizal (Milestone!!!) e kasama si Joanne. Ang galing. Mahiyain kasi si Joanne e. Tapos nakakatawa rin, sumama siya sa sa swimming namin ng Rizal din. Mahiyain talaga. Si Joanne ang literal na isang aya mo lang, sama agad. Hindi ko makalimutan yun kinidnap namin siya sa bahay nila.
Istorya?
Kakatapos lang ng Monday Sports Fest namin nila Aves at Rej e napagdesisyunang naming pumunta sa bahay at mag-chill. Dala ko yung kotse namin. Naisip namin daanan si Joanne sa kanila, okay lang naman sa kanya. Kahit di pa siya naliligo (Nagdala siya ng damit, at doon naligo sa amin. Sabi sa inyo mahiyain siya e).
Bago pumasok sa Medallion. Nagtanong kami sa guard kung may kilala siyang mga Casanova. Wow. Kilala niya. Sikat! Pumasok kami at nagpasalamat.
Nung nahanap na namin bahay nila at umalis.
Sigaw ko sa guard, "Kuya, nakuha na namin siya. Salamat po." Ang lakas maka-sindikato nung sentence ko.
Sa mga nakalipas na mga Birthday Blogs, dapat lang talaga e matagal ang pinasamahan, (2004-2013, 2007-2013, etc.) E bakit si Joanne? 1 year at mahigit ko pa lang siya kilala. Waaaa! Delete blog! Delete blog! Hahaha JOKE. Sa akin ah. Deserve ni Joanne ang Birthday Blog dahil 1. Top 9 siya sa LET (Joke, di counted yun.) Ulit,
1. Matagal ang 3 buwan para hindi kami magkita, lagi siyang available.
2. Nasa akin pa yung payong niya. (may bearing 'to)
3. Well, True friend e.
Sa nakalipas na taon, si Joanne ang nandiyan sa pagbibigay ng advice sa akin parati at hindi siya bias. Sinasabihan niya ko na dapat kung gawin parati, yung mga tama at may sense. Struggles sa dating work? Tinutulungan niya ako at wag ako magrely sa mga unrealistic, O.A., expectations ko. Unemployment days? Siya pa rin yung andiyan at laging tinatanong kung ano bang gusto kong mangyari sa buhay ko. Tinutulungan niya akong magdecide ng tama. Sinasagot niya lahat ng mga tanong ko, hindi lang math, hindi lang pag naliligaw ako sa La Salle, kundi sa mga personal na mga bagay. Siya yung friend that encourages and supports. Kasama siya sa panahong super saya, at alam niya kung kelan ka rin super nalulungkot. Kahit tinutulugan niya kami ni Pugs pag nanunuod ng movies at kahit ini-spoil niya yung Hunger Games sa akin e isa pa rin si Joanne sa pinaka-AWESOME na nakilala ko buong buhay ko. Joanne is indeed a blessing from God! She always got your back, well then, she deserves a blog! ;)
- - - - - -
My prayer sa tatlong 'to. Una, good health and strength, pati sa buong pamilya nila. Pangalawa, i-bless lalo ang kanilang mga trabaho kung saan patuloy nilang gawin yung bagay na gusto nila. At pangatlo wag sana silang manood ng Catching Fire na wala ako.
Guys please continue to be awesome! Sorry talaga at super late na nito. Ngayon lang ako naka-luwag luwag. Miss ko na kayo! Super. Kailagangan natin magkita dahil kailangan niyo makita yung bagong gupit ko. Kamukha ko si Jennifer Lawrence.
Thank you sa lahat lahat. Happy Happy Birthday to you guys! May the grace of the Lord be with you always!
Love forever and always,
DACE
(Sorry wala pang picture. If may pics kayo jan na gustong ilagay, send niyo sa akin, attach ko na lang. Wala na kong panahong mag-edit, tutal magaling naman kayo sa ganyan at creative Cie and Kim, ewan ko lang kay Joanne) hahaha