Sa aming magkakaibigan, ang hindi makasama sa mga gala e . . naba-backstab. Hmm dahil na rin siguro, founder kami ng Backstaffers Club kaya ganun na Muse ako, madagdag ko lang.
Hmm minsan sa gala wala si Kevz. Backstaffer Mode ON! Maliban sa binackstab namin siya na, hindi sinasagot ang phone pag tumatawag kami o kaya umaarte na naman na hindi daw sasama sa gala e, minsan napag-usapan namin na hindi kami ganito magiging close kung hindi dahil sa kanya. Seryoso. Si Kevs kasi e natural sa kanya ang pagiging leader, kahit hindi mo siya dikitan ng post it sa likod na "Leader." Leader! Leader! E siya pa rin ang nag-iisang leader ng klase.
Si Fernand Kevin Dumalay ang pinakakakaibang tao na nakilala ko sa buong buhay ko. Yung hindi mo inakalang nag-eexist pala siya. Paano? Nung nag-aaral kami.. Hindi ko alam kung paano siya pumapasok sa honor e hindi ko kaya siya nakikitang nag-aaral. Puro kopya din yan ng assignment e. Tapos sa bahay pa nila magdamag si Cielo dun, inaabot na nangg umaga. Inisip ko na lang, paano siya nakakapag-review? Haha. Si Kevs din ang pinaka-HAVEY sa lahat para sa akin. Mas havey kesa kay Ar at Ariel. Sobra siyang nakakatawa sa jokes, pag ginagaya niya mga teachers, pag nanglalait ng mga tao at madami pang iba.
Si Kevs ang kaibigan na hindi mo lang sa biruan kasundo dahil talagang may sense din naman siya. La Salle e. Mayaman e. Haha kahit anong topic na pwede mapag-usapan (illuminati, religion, science, politics, kahit pneumonoltramicroscopicvulcanocaniosis pa iyan) e meron siya laging comment na mapapa-"AAAHHH Oo nga ano?" ka na lang.
Matalino yan si Kevs. Di ba Kevs? Teacher! Teacher! Ano pong gagawin ko? Hahaha isa kasi siya teacher. Actually, hindi siya teacher, isa siyang . . . PANGINOON! (with action) Haha inisip ko nga e napakaswerte ng mga students niya dahil meron silang teacher na gaya ni Kevs e. As classmate nga, astig na yan e. Teacher pa kaya di ba?
Ako? Matagal ko ng kaibigan yan si Kevs. Sa sobrang close namin kahit si Mark kung ano na iniisip.
Me: E nakita ka daw ni tita, kayakap mo yung babae e.
Mark: E bakit kayo ni Kevin?
Me: HAHAHA
Basta! Si Kevs, one of my best friends! Oops english. Nakakatakot. Baka ma-mali pa sa grammar. Seryoso, si Kevs kasi yung friend na ayaw mong mawala. Minsan nga may problema ako, wala kaming class nun sa La Salle, pero sobrang lungkot ko na talaga e. Sabi ko na lang, "Kelangan ko makita sila Kevs." Kahit wala kong pasok nun, lumuwas ako. Kasi alam ko pagkasama ko sila magiging okay. Madinig mo lang mga banat ni Kevs na kahit nakakayurak ng pagkatao, matatawa ka pa rin e. At yun lang yung time na nakatawa ulit ako ng tunay.
Blessed ka talaga Kevs dahil super daming nagmamahal sa'yo. Sobrang masayang family (Hi Kenneth!). Daming friends (Hope, La Salle, . . wait anong pangalan ng school nagtuturo ka ngayon?) at siyempre, kami na andito pa rin na kahit hindi tayo naniniwala sa Forever, e friends mo pa rin Habambuhay.
Prayer ko kay Lord na patuloy kang bigyan ng strength, patience lalo na sa mga students mo, at good health. May God give you the desires of your heart lalo na sa mga times na nahihirapan ka na mag-decide ng mga bagay-bagay. Haha feeling ko pareho tayo mahina sa decision-making e. Well, makinig na lang tayo sa advice nila Ayi at Joanne. Haha
Sorry Kevs late na ito, at sorry di ko pa nababalik yung earphones mo. Yaan mo, next overnight. Bigay ko na.
Happy happy birthday! May the grace of the Lord be with you always.
Love forever and always,
Dace
![]() |
| Eew, para tayong fetus dati. |
